Barangay M.H. Del Pilar

Barangay M.H. Del Pilar Official page of the Barangay Council of M.H. del Pilar, Bayambang, Pangasinan

27/05/2026

ABISO sa LAHAT

Mga kabaleyan, suportahan po natin ang lokal na agrikultura habang nakakatipid sa de-kalidad na repolyo mula Benguet Province sa halagang โ‚ฑ20/kilo lamang! Siguradong fresh na fresh ang gulay na ito.

Kita-kits po tayo sa harap ng Municipal Hall ngayong May 28, 2026.

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ โ€ข ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜๐—ฃ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐Ÿฉดโ˜‚๏ธ
23/05/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ โ€ข ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜
๐—ฃ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐Ÿฉดโ˜‚๏ธ

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ โ€ข ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜
๐—ฃ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐Ÿฉดโ˜‚๏ธ

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mag-aaral na makiisa sa gaganaping pamimigay ng tsinelas at payong para sa darating na pasukan.

๐Ÿ“… May 30, 2026
โฐ 4:00 PM
๐Ÿ“MHDP Court

Wag kalimutang dalhin ang ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐—œ๐—— o ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐—–๐—”๐—ฅ๐—— upang makakuha ng munting pamahagi.

โ—Lahat ng mag-aaral ay kailan magdala ng School ID (School ID last school year 2025-2026)
โ—Ang walang dalang School ID o School Card ay hindi makakakuha ng munting pamahagi.
โ—Kailan ang presentasyon ng mag-aaral, bawal ipakuha sa iba.

Inaasahan ang inyong kooperasyon sa lahat ng nasabing mga alituntunin.

Muli, tayo ay magkita-kita sa susunod na sabado. โค

16/05/2026

๐Ÿ ๐๐š๐ฒ๐ฌ ๐ฅ๐ž๐Ÿ๐ญ ๐›๐š๐ ๐จ ๐š๐ง๐  ๐ก๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฏ๐จ๐ญ๐ž๐ซ ๐ซ๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง!
Ngayong voter registration, maaari ring magpa-update ng records ang Persons with Disability (PWDs), Senior Citizens, at members ng Indigenous Peoples o Indigenous Cultural Communities at iba pang miyembro ng vulnerable sectors kaya ๐Ÿซ† dahil kaisa ka sa BSKE!
VOTER REGISTRATION PERIOD
๐Ÿ“… October 20, 2025 - May 18, 2026, Tuesday-Saturday, kabilang ang holidays
๐Ÿ•—8:00 a.m. - 5:00 p.m.
๐Ÿ“Office of the Election Officer sa inyong lugar o Satellite/Mall Voter Registration Sites

Voter registration requirements and list of accepted valid IDs: https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/WhatisVoterRegistration/RegistrationRequirements
Voter registration forms: https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/ApplicationsForms
Voter Registration Programs and Schedules: https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/VoterRegProgSched


See less

06/05/2026

Kasama ang Municipal Health Office, inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay M.H. del Pilar, edad 21 taong gulang pataas, na makilahok sa ating Health Promotion Activity na tumatalakay sa Notifiable Diseases, Septage Management, and Sanitation Services.

Layunin ng programang ito na palakasin ang kaalaman at kamalayan ng komunidad upang mapanatili ang kalinisan, kalusugan, at kaligtasan.

๐Ÿ—“๏ธ May 13, 2026
๐Ÿ“ M.H. del Pilar Barangay Hall
โฐ 8:00 A.M.

Makilahok at maging bahagi ng pagbabago tungo sa mas malusog na komunidad!

Sa gitna ng kasalukuyang krisis na kinakaharap ng ating bansa, napagdesisyunan ng barangay council na ang pagdiriwang ng...
26/04/2026

Sa gitna ng kasalukuyang krisis na kinakaharap ng ating bansa, napagdesisyunan ng barangay council na ang pagdiriwang ng Flores de Mayo (May Flower Festival) ay isasagawa sa isang payak at makabuluhang paraan na lamang.

Sa halip na magkaroon ng Santacruzan, magkakaroon lamang ng pa-dasal bilang tanda ng ating pananampalataya at pagkakaisa. Ito ay gaganapin mula Mayo 1 hanggang Mayo 9, 2026 (9:00 AM).

Sa huling araw ng pa-dasal, magkakaroon din ng pamamahagi ng food packs para sa mga bata sa bawat distrito.

Layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang diwa ng tradisyon habang isinasaalang-alang ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa panalangin para sa kaligtasan, kagalingan, at patuloy na pagbangon ng ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

๐Ÿ“ฃ ANNOUNCEMENTInaanyayahan ang lahat ng kabataan at kanilang mga magulang na makilahok sa isang makabuluhang talakayan t...
23/04/2026

๐Ÿ“ฃ ANNOUNCEMENT

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan at kanilang mga magulang na makilahok sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa Responsible Parenthood and the Reproductive Health Act.

Kasama ang mga eksperto at tagapagsalita mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Rural Health Unit (RHU) Bayambang, halina at makinig ukol sa tamang pagpaplano ng pamilya, kalusugan, at responsableng pagpapasya.

๐Ÿ—“ April 25, 2026 (Saturday)
โฐ 9:00 AM
๐Ÿ“ M.H. del Pilar Barangay Hall

Layunin ng programang ito na palakasin ang kamalayan at gabayan ang bawat pamilya tungo sa mas ligtas at mas maayos na kinabukasan.

๐Ÿ“ข ANNOUNCEMENTInaanyayahan ang lahat ng residente ng ating barangay na makilahok sa Advocacy Campaign on Womenโ€™s and Gir...
18/04/2026

๐Ÿ“ข ANNOUNCEMENT

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng ating barangay na makilahok sa Advocacy Campaign on Womenโ€™s and Girlsโ€™ Rights and Protection at Anti-Illegal Drugs Campaign na pangungunahan ng mga speakers mula sa Philippine National Police.

๐Ÿ—“ April 20, 2026
โฐ 2:00 PM
๐Ÿ“ M.H. del Pilar Barangay Hall

Layunin ng programang ito na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng komunidad tungkol sa karapatan at proteksyon ng kababaihan at kabataan, pati na rin ang sama-samang pagtugon laban sa ipinagbabawal na droga.

Matuto at makiisa para sa mas ligtas at mas maayos na barangay!

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating Animal Bite Health Protection Program at PhilHealth Yakap Registration na gag...
05/04/2026

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating Animal Bite Health Protection Program at PhilHealth Yakap Registration na gaganapin sa:

๐Ÿ“… April 7, 2026 (Tuesday) - 8:00 AM
๐Ÿ“ M.H. del Pilar Barangay Hall
๐Ÿ“ฉ Magdala ng VALID GOVERNMENT-ISSUED ID kung magpapa-register sa PhilHealth Yakap

Ito ay isasagawa katuwang ang Rural Health Unit of Bayambang upang mas mapalakas ang kalusugan at kaligtasan ng ating komunidad.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa inyong proteksyon at benepisyo! Ito ay libre at bukas para sa lahat ng residente.

๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง'๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก 2026: ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐จ๐จ๐ ๐๐š๐œ๐ค๐ฌSa pagdiriwang ng Womenโ€™s Month 2026, matagumpay na naisagawa ang pamamaha...
20/03/2026

๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง'๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก 2026: ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐จ๐จ๐ ๐๐š๐œ๐ค๐ฌ

Sa pagdiriwang ng Womenโ€™s Month 2026, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng food packs sa Brgy. M.H. del Pilar para sa 50 benepisyaryo mula sa ibaโ€™t ibang sektor.

Ang bawat food pack ay naglalaman ng biscuit, chocolate-flavored milk, sterilized milk, apples, oranges, quial eggs, at probiotic dairy product drink (Yakult). Ang mga batang malnourished, PWDs, breastfeeding at pregnant mothers, teenage mothers, at senior citizens ang nabigyan ng food packs.

Ang simpleng handog na ito ay sumasalamin sa ating patuloy na pagbibigay-halaga sa bawat isa, lalo na sa kababaihan at kanilang mahalagang papel sa ating komunidad.

20/03/2026

LIBRENG KOLEHIYO PARA SA LAHAT!

I am very proud to share this good news with all of you, open na po ang admission ng Bayambang Polytechnic College (BPC). This is more than just an announcement; this is a promise fulfilled. Pangarap po natin na walang kabataang maiiwan dahil lamang sa kakulangan sa kakayahang pinansyalโ€”and today, we are making that dream a reality.

Bilang inyong Mayor, I firmly believe that education should be accessible to everyone. Kaya naman, buong puso nating ibinibigay ang 100% FREE TUITION FEE para sa lahat ng Bayambang residents, at 50% FREE TUITION FEE naman para sa non-Bayambang residents. Hindi na po hadlang ang tuition fee para maabot ninyo ang inyong mga pangarap.

Sa BPC, we offer programs that are practical, relevant, and future-readyโ€”BS Entrepreneurship at BS Agribusiness, pati na rin ang mga short-term courses tulad ng Computer System Servicing NCII at Electrical Installation & Maintenance NCII. These are designed not just to educate, but to empower to create job creators, skilled professionals, and future leaders of our community.

Inaanyayahan ko po kayong lahatโ€”mag-enroll na sa BPC. Samahan ninyo kami sa pagbuo ng isang Bayambang na mas maunlad, mas matatag, at mas may pag-asa.

Sa Bayambang, ang edukasyon ay karapatanโ€”at ginagawa natin itong libre para sa lahat.

Maraming salamat, at mabuhay ang Bayambang!

Address

Barangay M. H. Del Pilar
Bayambang
2423

Telephone

+639096496823

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay M.H. Del Pilar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay M.H. Del Pilar:

Share