Rural Health Unit II-Bayambang

Rural Health Unit II-Bayambang RHU II WAWA BAYAMBANG

26/08/2026
Bakuna para sa proteksyon ng bawat bata! 👧👦✨Makilahok at suportahan ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activi...
26/08/2026

Bakuna para sa proteksyon ng bawat bata! 👧👦✨

Makilahok at suportahan ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) 2026 upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at rubella.

Magtungo lamang sa pinakamalapit na Health Center sa inyong barangay. Huwag na nating hintayin na magkasakit pa, libre at protektado ang ating kabataan!

Bakunahan ang mga bata—para sa mas ligtas, malusog, at protektadong komunidad! ❤️

26/08/2026
26/08/2026

Hindi kailangang may sugat para magkaroon ng leptospirosis. Maaaring makapasok ang Leptospira bacteria sa katawan sa pamamagitan ng mata, ilong, bibig, o maliliit na sugat sa balat kapag lumusong sa baha na kontaminado ng ihi ng infected na hayop.

Kung lumusong sa baha, may sugat man o wala, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility o YAKAP Clinic upang malaman kung kailangan ng doxycycline prophylaxis.

Kapag nakaranas ng mga sintomas na ito, agad na magpakonsulta:

✅ Lagnat
✅ Pananakit ng ulo at katawan
✅ Paninilaw at pamumula ng mata
✅ Paninilaw ng balat (Jaundice)

BABALA: Huwag basta-basta uminom ng doxycycline. May mga taong hindi ito maaaring gamitin, kabilang ang mga buntis, nagpapasuso, at mga batang edad 8 pababa. Kumonsulta muna sa doktor.





Happy Birthday, Mayor Niña Jose-Quiambao! 🎉🎂 Wishing you good health, happiness, and continued success in serving our co...
26/08/2026

Happy Birthday, Mayor Niña Jose-Quiambao! 🎉🎂 Wishing you good health, happiness, and continued success in serving our community. May your special day be filled with joy and blessings! 💐✨

Maligayang Kaarawan sa aming minamahal na Punong Bayan!

Nawa’y maging puno ng saya, kalusugan, pagmamahal, at pagpapala ang inyong espesyal na araw. Maraming salamat po sa inyong mahusay na pamumuno, malasakit, at walang sawang paglilingkod para sa ating mga kababayan.

Nawa’y patuloy kayong bigyan ng Diyos ng lakas, karunungan, at mabuting kalusugan upang patuloy na mapaglingkuran ang ating minamahal na Bayambang.

Mula sa inyong mga Health Workers, buong pusong pagbati at pasasalamat. 💚

Maligayang Kaarawan po, Mayor!

ABISO SA PUBLIKO Magkakaroon ng pansamantalang pagbabago sa oras ng trabaho ng mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Bay...
13/08/2026

ABISO SA PUBLIKO
Magkakaroon ng pansamantalang pagbabago sa oras ng trabaho ng mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang mula Agosto 17 hanggang 21, 2026.
Sa mga nabanggit na araw, ang oras ng serbisyo ay magiging 8:00 AM hanggang 5:00 PM dahil sa Special Non-Working Day sa Agosto 21, 2026 (Ninoy Aquino Day).
Babalik sa regular na oras ng serbisyo ang mga tanggapan simula Agosto 24, 2026.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

ABISO SA PUBLIKO

Magkakaroon ng pansamantalang pagbabago sa oras ng trabaho ng mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang mula Agosto 17 hanggang 21, 2026.

Sa mga nabanggit na araw, ang oras ng serbisyo ay magiging 8:00 AM hanggang 5:00 PM dahil sa Special Non-Working Day sa Agosto 21, 2026 (Ninoy Aquino Day).

Babalik sa regular na oras ng serbisyo ang mga tanggapan simula Agosto 24, 2026.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

RHU I, II, at III, Ginawaran ng DOH ng Certificate of Quality Service para sa Animal Bite Treatment CenterGinawaran ng D...
23/07/2026

RHU I, II, at III, Ginawaran ng DOH ng Certificate of Quality Service para sa Animal Bite Treatment Center
Ginawaran ng Department of Health (DOH) – Ilocos Center for Health Development, sa pamamagitan ng National Rabies Prevention and Control Program, ng Certificate of Quality Service ang Bayambang Rural Health Unit I, II, at III matapos nitong matagumpay na matugunan ang mga itinakdang pamantayan para sa Animal Bite Treatment Center (ABTC). Ang mga sertipiko ay inisyu noong Hulyo 16, 2026 at mananatiling balido hanggang Hulyo 15, 2028.
Ayon sa mga sertipiko, kinilala ang Bayambang Rural Health Unit I, II, at III dahil sa kanilang aktibong pagsunod sa mga itinakdang pamantayan ng Department of Health para sa operasyon at serbisyo ng Animal Bite Treatment Center.
Ang pagkilala ay pinagtibay sa pamamagitan ng mga sumusunod na Certificate of Quality Service:
•Bayambang Rural Health Unit I - Certificate No. 2026-07-038
•Bayambang Rural Health Unit II – Certificate No. 2026-07-115
•Bayambang Rural Health Unit III – Certificate No. 2026-07-070
Ang mga sertipiko ay nilagdaan ni Helen D. Tobias, MD, MPA, MDM, CESE, Director IV ng Ilocos Center for Health Development.
Ang pagkakaloob ng mga sertipikong ito ay bahagi lamang ng patuloy na pagpapanatili ng kalidad ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Bayambangueño.

Address

WAWA
Bayambang
2423

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Telephone

+639460300540

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rural Health Unit II-Bayambang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Rural Health Unit II-Bayambang:

Shortcuts

Share