02/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐
๐๐๐๐ฒ๐ฏ๐ฒ๐, ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ฏ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Alinsunod sa ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ก๐ผ. ๐ญ๐ฐ, ๐. ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ at ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ก๐ผ. ๐ฌ๐ฎ๐ฎ, ๐. ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ, ang mga School Head ay may kaukulang awtoridad na magsuspinde ng face-to-face classes, magpatupad ng Alternative Delivery Modes (ADM), o mag-adjust ng mga aktibidad sa paaralan batay sa aktuwal na kondisyon ng kanilang paaralan at komunidad.
Kaugnay nito, pinapaalalahanan ang mga magulang at guardian na makipag-ugnayan sa kanilang School Head o mga g**o upang makumpirma ang opisyal na abiso tungkol sa pagkakaroon o pagsususpinde ng klase sa kanilang paaralan.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ang kaligtasan ng mga mag-aaral ay dapat laging unahin. Kung dahil sa pagbaha, malakas na pag-ulan, masamang panahon, o hindi ligtas na kondisyon sa paglalakbay ay itinuturing ng magulang o guardian na hindi ligtas ang pagpasok ng kanilang anak, maaari nilang ipasiya na manatili ito sa bahay.
Ang mga mag-aaral na hindi makakapasok dahil sa mga kadahilanang may kaugnayan sa kaligtasan ay dapat bigyan ng kaukulang konsiderasyon alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng DepEd.
๐ PAUNAWA: Ang pagpapasya ukol sa pagsususpinde ng klase sa antas ng paaralan ay nakasalalay sa School Head, batay sa aktuwal na kondisyon ng kanilang paaralan at sa umiiral na mga alituntunin ng DepEd.
Para sa tamang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong School Head, mga g**o, o kinauukulang paaralan upang makumpirma kung may pagsususpinde ng face-to-face classes.
Bayan ng Bautista
Kaligtasan muna bago ang lahat.