28/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Agosto 27, 2026 || Isinagawa ang IBP Nationwide Synchronized Jail Decongestion Activity na pinangunahan ng Baybay City Lawyers Association (BCLA) sa pamumuno ni Atty. Gloriosa C. Guinocor, Pangulo ng BCLA, Atty. Ernesto Butawan, Bise Alkalde ng Lungsod ng Baybay, Atty. Vivian Vidallon, Kalihim ng Sangguniang Panlungsod, at ng Public Attorney's Office (PAO) โ Baybay City sa pamumuno ni Atty. Myra Belle L. Aure, sa pakikipagtulungan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) โ Leyte Chapter, para sa lahat ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Baybay City District Jail.
Naisagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng legal na konsultasyon, pagsusuri ng kaso, at panayam mula sa mga abogado ng BCLA, PAOโBaybay City, at IBPโLeyte. Kabilang din dito ang pagpapalagda sa Detainees' Manifestation ng anim (6) na bagong PDL sa tulong ng PAO.
Sa ilalim ng patnubay at pangangasiwa ng Panrehiyong Direktor ng BJMPROVIII, JSSUPT RILL F SONON, DSC, JD, at sa pamumuno ng Piitang Pandistrito, SJO4 Mark Anthony B Cabojoc, ang Baybay City District Jail ay taos-pusong nagpapasalamat sa IBP Leyte Chapter para sa gawaing ito na malaki ang maitutulong sa mga PDL.