02/09/2026
DOH: MAGING HANDA SA EPEKTO NG HAZE SA KALUSUGAN!
Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia.
Maaaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika. Dobleng pag-iingat ang kailangan para sa mga bata, matatanda, at mga may dati nang sakit sa baga o puso.
Habang nagpapatuloy ang banta ng haze, mag-suot ng mask kung lalabas ng bahay. Alamin ang lagay ng hangin sa inyong lugar at unahin ang kaligtasan. Maging handa sa banta ng Haze!