05/08/2022
MALAWAKANG PAG-UULAN INAASAHAN SA LUZON AT VISAYAS DAHIL SA LPA AT HABAGAT 🌧️
Dahil sa LPA at muling paglakas ng habagat, inaasahan na ang makulimlim na papawirin at pag-uulan sa halos buong Luzon, Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao. Pinakaramdam ang ulan ngayong araw sa Luzon at Visayas.
⚠️ IMPORTANT: Mataas ang tiyansa ng malalakas na pag-ulan sa Luzon at Visayas dahil sa LPA at habagat ngayong araw hanggang sa weekend.
INAASAHANG LAGAY NG PANAHON NGAYONG ARAW:
➡ Halos maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pabugsu-bugso hanggang sa madalas na pag-ulan at thunderstorm: ☁️⛅🌧️⛈️
- Metro Manila, Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Benguet, Ifugao, Mountain Province, mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas
➡ Salitan na may araw at makakapal na kaulapan na papawirin at may tiyansa ng paminsan-minsang mga pag-ulan at thunderstorm: ⛅🌤☁️⛈️
- Mindanao at nalalabing bahagi ng bansa
MGA KATANUNGAN:
➡ Ano ang inaasahan sa LPA?
• Ang sentro ng binabantayang Low Pressure Area (LPA) ay huling namataan sa layong baybayin ng Caluag, Quezon, kaninang 3:00 a.m. Mababa pa ang tiyansa nitong maging bagyo sa loob ng 24 oras.
• Ang sentro ng LPA ay inaashang tatawid sa CALABARZON-Central Luzon area ngayong araw at posibleng lumabas sa West Philippine Sea bukas (Sabado).
• Maging bagyo man o hindi, ang LPA at ang pinapalakas nito na habagat ay magdudulot ng MALAWAKANG PAG-UULAN sa Luzon (kasama ang Metro Manila) at Visayas simula ngayong araw hanggang sa Lunes.
⚠️ Patuloy na mag-ingat at maging at updated patungkol sa lagay ng panahon. Huwag kalimutan i-like at i-follow ang aming page para sa iba pang mga impormasyon.
Latest information as of 4:00 a.m. PhST 05 August 2022
Main Source: DOST-PAGASA and JMA
Model References: ECMWF and GFS
📷 Science Konek