03/09/2026
๐๐ช๐ก๐ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐ฅ๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ช๐ฃ๐๐ค ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐ช๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ค๐
May mga taong pumapasok sa serbisyong pang publiko dahil naghahanap ng trabaho. May mga nananatili dahil kailangan ng pamilya ang kanilang kinikita. Ngunit may ilan na, habang lumilipas ang panahon, ay natutuklasang ang trabaho ay unti-unting nagiging higit pa sa kabuhayanโnagiging bahagi na ito ng kanilang pagkatao.
Ganito ang kuwento ni Leonida โNidaโ Dumondon, Senior Agrarian Reform Program Officer (SARPO) ng Program Beneficiaries Development Division (PBDD) ng Department of Agrarian Reform (DAR) Nueva Vizcaya.
ษดแดษข๊ฑษชแดแดสแด ๊ฑแด ษช๊ฑแดษดษข ๊ฑษชแดแดสแดษดษข แดแดษดษขแดสแดแด
Noong pumasok si Nida sa DAR, simple lamang ang kanyang hangarin, ang magkaroon ng trabaho at makatulong sa kanyang pamilya.
Noong una, trabaho lamang ang kanyang tinitingnanโisang oportunidad upang magkaroon ng kita at matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Bahagi ito ng kanilang bread and butter.
Ngunit habang tumatagal, may isang bagay na nagbago. Unti-unti niyang nakita na ang pagiging bahagi ng DAR ay higit pa sa pagkakaroon ng trabaho.
โNapagtanto ko na higit pala rito ang pagiging bahagi ng DAR,โ pagbabahagi niya.
Nabigyan siya ng pagkakataong makatulong sa iba at maging bahagi ng isang organisasyong may layuning maglingkod. Sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) at Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs) sa mga Agrarian Reform Communities (ARCs), mas nakita niya ang tunay na halaga ng kanyang trabaho.
Ang dating hanapbuhay ay naging tungkulin at ang tungkulin ay naging isang bagay na minahal niya.
โHabang tumatagal, hindi na lamang ito tungkol sa trabaho o kabuhayan. Natutunan kong mahalin ang aking trabaho, ang mga taong nakasama ko, at ang serbisyong ginagawa para sa mga ARBOs at ARBs in the ARCs.โ
Kaya sa paglipas ng 37 taon, isang bagay ang malinaw para kay Maโam Nida, ang DAR ay hindi lamang naging trabaho para sa kanyaโbahagi na ito ng kanyang buhay.
ษช๊ฑแดษดษข ๊ฑแดสสษช๊ฑสแดษดษข แดแดส แดแด๊ฑแด
Bilang SARPO at EDES Section Chief, hindi lamang mga gawain at responsibilidad ang kanyang pinamumunuan. Kasama rin dito ang paghubog at paggabay sa mga taong kanyang nakakasama sa trabaho.
Para kay Nida, mahalaga ang sipag, tiyaga, integridad at malasakit sa anumang tungkulin.
Gawin ang bawat trabaho nang maayos at tapat. Ngunit kasabay nito, huwag kalimutang maging mabuti, marunong makisama at marunong umunawa sa mga katrabaho.
May isang prinsipyo siyang nais ipamana sa kanyang teamโang ABCDE ng isang good worker:
A โ Attitude
B โ Behavior
C โ Character
D โ Dedication
E โ Enthusiasm
Sapagkat para sa kanya, ang pagiging mahusay na empleyado ay hindi lamang nasusukat sa dami ng natatapos na trabaho.
Mahalaga rin kung paano ito ginagawa. At higit sa lahat, gawin ang trabaho nang may puso at malasakit.
สษชษดแด
ษช สแดแดแดษดษข สแด๊ฑ๊ฑ, แดแดษดแด
ษช โแดแดแดสแดสโ ษดษข แดแดษช๊ฑษชษดแด
Marahil, mas mauunawaan kung sino si Nida hindi lamang sa kanyang sariling kuwento, kundi sa paraan ng pagkakakilala sa kanya ng mga taong araw-araw niyang kasama.
Para kay ARPO I, Karen Jane Bog-Acon, isa sa mga bagay na kapansin-pansin kay Nida ay kung gaano siya kadaling lapitan bilang boss at colleague.
โNapakagaan kasama bilang boss at colleague, paglalarawan niya.
Kapag may kailangang pagsabihan o i-remind, ginagawa raw ito ni Nida sa mahinahon at gentle na paraanโhindi upang makapag-pressure, kundi upang maitama ang dapat itama.
Kapag trabaho, trabaho talaga. Ngunit hindi niya nakakalimutang paalalahanan ang kanyang mga โanakisโ na magpahinga at bigyan din ng reward ang sarili matapos ang isang mabigat na gawain.
Para kay Karen, marunong siyang magbalanse ng pagiging boss at pagiging parang โmom figureโ sa opisina.
โKahit may pressure sa trabaho, somehow napapagaan niya. At kapag siya naman ang na-stressโฆ wag niyo na siyang istressin, nagpapa-Jollibee yan!โ
Isang simpleng biro, ngunit nagpapakita ng isang bagay: sa likod ng seryosong tungkulin ay isang taong marunong tumawa, magpahinga, at makisama.
ษช๊ฑแดษดษข แดแด๊ฑแดแดแดสแดษด ษดแด ษดแดษขแดแดแดแดสแดแดแด
แดแด ษดแด แดแดสแดสแดษขแด แดแด
Para naman kay ARPO I Guia Katrina L. Eraรฑa, hindi lamang trabaho ang dahilan kung bakit tumatatak ang isang tao sa opisina.
Mas naaalala ang isang tao dahil sa kung paano siya makitungo, makisama, at magparamdam na mahalaga ka bilang kasama.
At ganito niya inilalarawan si Nida. Madaling lapitan. Maaasahan. Handa makinig.
Kapag may kailangang tulong o payo, alam ng kanyang mga kasamahan na may taong maaari nilang sandalan.
Hindi lamang siya nakatuon sa sarili niyang responsibilidad. Marunong din siyang makiramdam at tumulong kapag kinakailangan.
Ngunit higit pa roon, para sa kanyang mga kasamahan, naging parang nanay na rin siya sa opisina.
May paalala kapag kailangan. May payo kapag nalilito. May genuine concern kapag may pinagdaraanan.
At kasabay nito, kaibigan din siyaโisang taong maaaring makausap, mapagsabihan ng problema, at makasama sa tawanan at masasayang sandali.
โShe became a friendโand in many ways, parang nanay na rin nila sa office.โ
Ang kanyang malasakit ay hindi kailangang ipakita sa malalaking bagay.Minsan, sapat na ang simpleng pangungumusta. Ang pakikinig.
Para kay Guia, hindi lahat ng katrabaho ay nagiging kaibigan. At hindi lahat ng kaibigan sa trabaho ay nagiging parang pamilya. Ngunit si Nida, ay naging higit pa sa isang colleague.
โShe has a way of making people feel seen, appreciated, and valued, not only for the work they do, but also for the effort they put into it.โ
Hindi lamang niya kinikilala ang output, kundi pati ang pagsisikap na nasa likod nito.
At sa simpleng pagkilala at appreciation, nararamdaman ng isang empleyado na mahalaga ang kanyang contribution. May saysay ang kanyang effort.
๊ฑแด สษชแดแดแด
ษดษข 37 แดแดแดษด, แดแดส แดษขแด สแดแดแดษด
Hindi naging madali ang 37 taon.
Para kay Nida, isa sa pinakamalaking hamon ng pagiging empleyado ng DAR ang dami at bigat ng mga responsibilidad na kailangang harapin.
May mga pagkakataong nakakapagod.
May mga araw na nakaka-pressure.
May mga responsibilidad na tila sabay-sabay dumarating.
Ngunit natutunan niyang harapin ang mga ito sa pamamagitan ng pagtitiyaga, pakikipagtulungan sa mga kasama, at higit sa lahat, paghingi ng gabay sa Diyos.
Hindi kailangang harapin ang bawat hamon nang mag-isa. May mga kasamang maaaring sandalan. May pamilyang nagbibigay ng lakas. At higit sa lahat, may pananampalatayang nagbibigay ng direksyon.
๊ฑแด แดสแดสแดสแด, แดแดส สแดษดษขษขแดษดแดษด; ๊ฑแด แดแดแดษชสสแด, แดแดส แดสแด๊ฑ
Sa kabila ng bigat ng kanyang tungkulin, natutunan din ni Nida kung paano balansehin ang trabaho at personal na buhay.
Sinisikap niyang gawin nang maayos ang kanyang mga responsibilidad habang nasa opisina.
Ngunit kapag oras na para sa pamilya, ibinibigay naman niya ang kanyang quality time sa kanila.
Isa sa mga bagay na kanyang natutunan ay hindi kailangang dalhin ang problema sa trabaho pauwi.
At gayundin, hangga't maaari, hindi rin dapat dalhin ang personal na problema sa opisina.
Kaya kapag tapos na ang araw ng trabaho, iniiwan muna niya ang mga ito sa opisina.
Sa bahay, oras na para magpahinga.
Para sa kanya, ang ganitong balanse ang tumutulong upang maging masaya sa trabaho habang nananatiling present sa personal na buhay.
แดษดษข แดแดแดษชสสแด ๊ฑแด สษชแดแดแด
ษดษข ษช๊ฑแดษดษข สษชษดษขแดแดแด
Sa bawat taong matatag na humaharap sa hamon ng buhay, may mga taong nagbibigay ng lakas upang magpatuloy.
Para kay Nida, isa sa pinakamahalagang sandigan niya ay ang kanyang pamilya.
Sa mga panahong mahirap ang lahat, naroon ang kanyang dating ex-boyfriend na hindi na niya pinakawalanโat kalaunan ay naging kanyang lifetime partner, si Engr. Roy Dumondon, kasama ang kanilang mga anak.
Sila ang kanyang lakas, kanyang inspirasyon, at sila ang mga taong nagbibigay sa kanya ng dahilan upang magpatuloy kahit mahirap ang mga araw.
Kasabay nito, hindi rin niya nakakalimutan ang kanyang ikalawang pamilyaโang buong PBDD-Nueva Vizcaya family.
Ang kanilang suporta at inspirasyon ay naging mahalagang bahagi rin ng kanyang paglalakbay sa serbisyo.
Sapagkat ang isang mahabang karera ay hindi lamang binubuo ng taong nagtatrabaho.
Binubuo ito ng mga taong nasa likod niya at mga taong kasama niyang humaharap sa bawat hamon.
๊ฑแดสสษช๊ฑสแด แดแดสสษชแดแด: สแด๊ฑแดแดษด๊ฑษชสษชสษชแด
แดแด
แดแด แดสษชสษชสแดสษชสแด
Ayon kay Nida, โAng โSerbisyo Publikoโ ay isang malaking responsibilidad and at the same time isang pribilehiyo. Hindi lang ito tungkol sa pagtatrabaho at pagtupad sa mga tungkulin, kundi tungkol sa tapat at maayos na paglilingkod sa mga taong umaasa sa atin. Masarap sa pakiramdam na sa maliit ay nakatulongka sa kapwa at maging bahagi ka sa isang serbisyong may kabuluhan.โ
Para kay Nida, may kakaibang saya sa pakiramdam na malaman na kahit sa maliit na paraan, nakatulong siya sa kapwa, naging bahagi siya ng isang serbisyong may kabuluhan at ang oras, pagod at pagsisikap na inilaan niya ay may napuntahan.
แดษดษข แดแดษขแดแดแดแดส ษดแด สษชษดแด
ษช ษดแด๊ฑแด๊ฑแดแดแดแด ๊ฑแด แดแดสแดษดษขแดส
Ang tunay na tagumpay ay ang makapaglingkod nang tapat at maayos sa loob ng maraming taon.
Ang makapagtapos ng isang araw na may malinis na konsensiya, ang masabing ginawa niya ang kanyang makakaya para sa kanyang trabaho, at ang malaman na naging bahagi siya ng pagtulong sa mga taong kanyang pinaglilingkuran.
Sapagkat sa huli, maaaring mawala ang mga titulo, maaaring lumipas ang mga parangal at magbago ang mga posisyon.
Ngunit ang magandang alaala ng isang taong naglingkod nang tapat ay nananatili sa mga taong kanyang natulungan at sa mga taong kanyang nakasama.
At marahil, ito ang pinakamagandang kuwento ni Maโam Nidaโna sa isang mundong mabilis magbago, pinili niyang manatiling tapat sa kanyang tungkulin, mabuti sa kanyang mga kasama, maalaga sa kanyang pamilya, at higit sa lahat, may puso sa paglilingkod.
Dahil para sa kanya, ang tunay na tagumpay ay hindi kung gaano karaming pagkilala ang natanggap.
Ito ay kung makakatayo siya sa huli at masasabi:
โGinawa ko ang aking makakayaโpara sa aking trabaho, para sa aking pamilya, at para sa mga taong aking pinaglilingkuran.โ
At sa 37 taon ng kanyang serbisyo, masasabi niyang ang DAR ay hindi lamang naging bahagi ng kanyang career.
Naging bahagi ito ng kanyang buhay.