04/08/2026
Noong Agosto 3, 2026, muling nagsagawa ang DILG - Nueva Vizcaya ng monitoring sa pagpapatupad ng Rice Distribution Program sa Bayan ng Solano na ginanap sa Thomas Dacayo Community Center, Solano, Nueva Vizcaya.
Ang programang ito ay pinondohan sa ilalim ng FY 2026 Local Government Support Fund – Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) na naglalayong magbigay ng maagap at sapat na ayuda ng bigas para sa mga mahihirap na indibidwal at pamilyang higit na naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sa pamamagitan ng patuloy na monitoring at masusing pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, nananatiling matatag ang pangako ng DILG Nueva Vizcaya sa pagsusulong ng transparency, pananagutan, at epektibong pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan na naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay at kapakanan ng mga komunidad.