Project Lakbay-Basa cm Kolong-Kolong Mobile Library

Project Lakbay-Basa cm Kolong-Kolong Mobile Library Lakbayin natin ang Hiwaga ng Pagbabasa
Est 2023

Maligayang Kaarawan sa isa sa mga patuloy na nagsisikap na isulong ang Edukasyon, Ma'am Marina! ๐ŸฅณSalamat po sa pagsisilb...
18/02/2026

Maligayang Kaarawan sa isa sa mga patuloy na nagsisikap na isulong ang Edukasyon, Ma'am Marina! ๐Ÿฅณ
Salamat po sa pagsisilbi mong instrumento upang masilayan ng mga kabataan ang magandang kinabukasan. ๐Ÿ’š

Maligayang Kaarawan sa'yo Ma'am ! ๐ŸฅณMaraming Salamat sa bukaspalad mong pagbabahagi ng iyong mga biyaya. Pagpalain ka pa ...
18/02/2026

Maligayang Kaarawan sa'yo Ma'am ! ๐Ÿฅณ
Maraming Salamat sa bukaspalad mong pagbabahagi ng iyong mga biyaya.
Pagpalain ka pa ng Amang May Likha. ๐Ÿ’š

15/02/2026

๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š!

Patas na edukasyon sa likod ng mga rehas
Nalimitahan man ang Kalayaan, hindi naman lilimitahan na bumasa, sumulat, at kumawala sa kamangmangan.

Ika-12 ng Pebrero, 2026 sa ganap na 2:00 ng hapon, muling isinagawa ang taunang paglulunsad ng โ€œ๐‘ท๐’“๐’๐’‹๐’†๐’„๐’• ๐‘ณ๐’‚๐’Œ๐’ƒ๐’‚๐’š-๐‘ฉ๐’‚๐’”๐’‚ ๐’„๐’–๐’Ž ๐‘ฒ๐’๐’๐’๐’๐’ˆ-๐‘ฒ๐’๐’๐’๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’๐’ƒ๐’Š๐’๐’† ๐‘ณ๐’Š๐’ƒ๐’“๐’‚๐’“๐’š ๐’€3โ€.

Noon pa maโ€™y dama na ang malamin na layunin at adhikain nina Maโ€™am Babylyn P. Ambatali, Maโ€™am Joana Mae C. Castaneto, at Maโ€™am. Joanna Jasmin C. Dela Cruz, ang ilapit ang aklatan o library sa mga barangay at muling ibalik ang interes ng bawat indibidwal sa pagbabasa. Mula Brngy. Busilac taong 2023-2024, Brngy, Magsaysay taong 2024-2025, ngayon naman pinili ng pangkat na magtungo sa ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐•๐ข๐ณ๐œ๐š๐ฒ๐š ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐‰๐š๐ข๐ฅ, isang barangay din na maituturing.

Bawat barangay ay espesyal ngunit ang NVPJ ay natatangi, napakaraming programa ang sinusuportahan ng organisasyon at buong kababaang-loob na nagpapasalamat sa pagtitiwala at mainit na pagtanggap ni Warden, SP04 Carmelo B. Andrada, na mailunsad ang proyektong ito, katuwang ang mga mahuhusay na ALS Teacher Maโ€™am Jovelyn B. Asuncion at Maโ€™am Joy Santos, kasama sina Assistant Warden Rufino Lumase Jr., Maโ€™am Rebecca Bautista, ang mga Prison Guard, at ang buong staff ng NVPJ.

Gayundin din taos-pusong pasasalamat sa napakahusay na ina ng paaralang NVGCHS, Dr. Luviminda M. Cordero, sa kaniyang pagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa mga PDL kasama ang Assistant Principal Maโ€™am Anna Marie J. Jasmin, at Librarian, Maโ€™am Chingbe Antonio.

Sa buong pwersa ng Filipino Department sa pamumuno ni Sir Arnaldo Santos, salamat po sa pagsama sa panibagong misyon.
Laging magpapasalamat sa puso at dedikasyon ng Novice: The Volume Project, sa pangunguna ni Sir Allen Esteban sa adbokasiyang ang lahat ay hinihikayat na muling makahawak at magbuklat ng aklat. Hindi magtatagagumpay ang pagsisimula kung wala ang inihandog na โ€œMobile Cart Library o Lagablibraryโ€ na may humigit-kumulang 300 aklat na siya ring ibabahagi at ipagkakalaob sa Provincial Jail.
Sa mga taong nagsisilbing biyaya rin sa iba, maraming salamat po sa pagtuloy na pagsuporta sa pamamagitan ng mga donasyon at tulong-pinasyal:
Maโ€™am Vergie B. Salamanca
Maโ€™am Violeta D. Gajes
Sir Alforie Bicera
Maโ€™am Ninette T. Crisostomo
Maโ€™am Rosemarie P. Sierra
Dr. Luviminda M. Cordero
Maโ€™am Nova Arlet Bucad
Maโ€™am Danica Dainty Angon
Maโ€™am Alpha Sparrow
Maโ€™am Denice Ysabel T. Cayago
Mga Kapamilya, Kaibigan,Katrabaho

Salamat Ama sa paggabay, sa paggamit bilang mga instrumento at daluyan ng iyong pagpapala.

Ang proyekto ay isasagawa hanggang ika-24 ng Pebrero, 2026.
Sa lahat po ng nais pang magpaabot ng biyaya at tulong, mag-message po at magagalak kaming tutugon. ๐Ÿ˜Š

Bagong Destinasyon!Bagong Misyon! Halina't muli kaming samahan sa paglalakbay ng ating LAGABLIBRARY! Muling ibalik ang a...
12/02/2026

Bagong Destinasyon!
Bagong Misyon!
Halina't muli kaming samahan sa paglalakbay ng ating LAGABLIBRARY!
Muling ibalik ang alab sa pagbabasa ng mga aklat! ๐Ÿ›ž๐Ÿ“š๐Ÿค—๐Ÿ”ฅ

Maligayang Kaarawan Consi! ๐Ÿค—Maraming Salamat po sa maalab na pagsuporta ninyo sa aming proyekto, sa pagsisilbing boses n...
22/08/2025

Maligayang Kaarawan Consi! ๐Ÿค—

Maraming Salamat po sa maalab na pagsuporta ninyo sa aming proyekto, sa pagsisilbing boses ng mga kabataan, at sa isa sa mga patuloy na nagsusulong sa pag-unlad ng kalidad na edukasyon ng mga mag-aaral.

Maraming Salamat po sa Navis-Navis (labis-labis) na pagmamahal sa mga mag-aaral๐ŸŽ‰๐Ÿค—๐Ÿฅณ

Huling Sabado03-22-2025๐Ÿ“šProject Lakbay-Basa cm Kolong-Kolong Mobe Library Y2๐Ÿ›žWalang pagsidlan ang kaligayan at pasasala...
31/03/2025

Huling Sabado
03-22-2025

๐Ÿ“šProject Lakbay-Basa cm Kolong-Kolong Mobe Library Y2๐Ÿ›ž

Walang pagsidlan ang kaligayan at pasasalamat ng lahat ng mga mag-aaral, mga Volunteer, mga g**o, at mga tagapangasiwa ng programang ito.

Idinaos ang pangwakas na programa ng nasabing proyekto noong Marso 22,2025 sa Barangay Hall ng Magsaysay. Ito ay dinaluhan ng 31 mag-aaral na kabilang sa ika-7 baitang ng NVGCHS na naninirahan sa Brngy Magsaysay.

Sinimulan ang programang ito ng pambungad na panalangin kasunod ang Tinapay ng buhay na siyang ibinahagi ng Resident Pastor ng Magsaysay UMC, Ptr Randy Querol. Ito ay sinundan ng mensahe at hamom ng Fil Dept Head, Sir Arnaldo Santos. 2 representatib din ng mga mag-aaral ang nagbahagi ng kanilang maging naging karanasan sa 5 sabado nilang pakikibahagi.๐Ÿฅฐ

Ang mga mag-aaral na nakumpleto sa 5 Sabado ng Lakbay-Basa ,ay nakatanggap ng munting regalo mula sa nga bukaspalad nating mga Sponsor. Maraming maraming salamat po sa mga napakaespesyal na regalo Ma'am Ninette Todenio- Crisostomo at Ma'am Violeta Gajes. Gayundin ang pasasalamat sa nagsponsor ng pananghalin at Words of encouragement Ma'am Kris Hope Aban. Salamat sa pagbabahagi ng inyong mga biyaya.

Bukod sa regalo, nakatanggap din ang mga batang kalahok ng Ilang Cash Award, School Supplies, st Sertipiko ng Parangal bilang pakikibahagi, gayundin, nabigyan din ang lahat ng mga nagsilbing Reading Volunteer Tutors ng mga sertipiko.

Lubos na nagpapasalamat ang buong kaguruan ng Filipino Dept ng NVGCHS, sa mainit na pagtanggap ng Barangay Magsasay na pinangungunahan ng Kapitan Eduardo Dumayas.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga naging instrumento para maging maisakatuparan ito.

Ngiting tagumpay ang baon pauwi ng lahat ng mga nakibahagi sa programang ito.

Balang -araw dalangin namin na wala nang bata ang hindi marunong bumasa.๐Ÿ˜

See you again soon para sa ating Year3!
Sa lahat ng mga Sponsor! Maraming maraming salamat po!!!! ๐Ÿฅฐ

Ikaapat na Sabado03-15-2025"Project Lakbay Basa Y2: Isang Makabuluhang Paglalakbay sa Pagbasa! ๐Ÿ“š๐Ÿ›žโœจ"Sa pangunguna ng mga ...
15/03/2025

Ikaapat na Sabado
03-15-2025

"Project Lakbay Basa Y2: Isang Makabuluhang Paglalakbay sa Pagbasa! ๐Ÿ“š๐Ÿ›žโœจ"

Sa pangunguna ng mga tagapangasiwa ng proyekto, matagumpay na naisakatuparan ang panibagong araw ng pagbabasa, araw na punong-puno ng kaalaman. Kasama ang 31 mag-aaral, katuwang ang Grade 12 Apolinario Mabini, 4 Practice Teachers mula sa NVSU at SMU , mga piling g**o ng Filipino Department, at ang Filipino Central Club.

Sa loob ng ilang Sabado, naging layunin ng proyekto ang pagtulong sa mga mag-aaral ng Baitang 7 ng NVGCHS na mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagbabasa at pag-unawa. At ngayong huling Sabado ng pagbabasa, Sabado bago ang lundo o pangwakas na program, higit pang pinagtibay ang kanilang kaalamanโ€”hindi lamang sa pagbabasa kundi pati sa First Aid, na ibinahagi ng Grade 12 Apolinario Mabini kasama ang kanilang g**o/adviser na si Gng. Diane Carino. Samantala, nagbigay saya naman ang Filipino Central Club sa pamamagitan ng kanilang mga inihandang pampasiglang laro.

Bagaman, patapos na ang ating proyekto, nawaโ€™y magpatuloy ang sigasig ng bawat mag-aaral sa pagbabasa at pagkatuto. Salamat sa lahat ng naging bahagi ng Lakbay- Basa Y2 ; isang hakbang patungo sa mas maliwanag na kinabukasan! ๐Ÿ“š๐Ÿ’กโœจ



Maligayang Kaarawan po Architect! ๐ŸฅณMaraming Salamat po sa pagbabahagi ng biyaya sa proyektong ito! Salamat po sa pagtiti...
11/03/2025

Maligayang Kaarawan po Architect! ๐Ÿฅณ

Maraming Salamat po sa pagbabahagi ng biyaya sa proyektong ito! Salamat po sa pagtitiwala Pagpalain ka pa ng Diyos.

Ikatlong Sabado 03-08-2025๐Ÿ“šProject Lakbay-Basa cm Kolong-Kolong Mobile Library Y2๐Ÿ›žKasabay ng pagbuhos ng ulan ang pag-a...
08/03/2025

Ikatlong Sabado
03-08-2025

๐Ÿ“šProject Lakbay-Basa cm Kolong-Kolong Mobile Library Y2๐Ÿ›ž

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pag-alingawngaw ng malulutong na tawanan sa Brngy Magsaysay.
Bagaman nakakubli sa ulap si Haring araw , di naman maikukubli ang galak sa araw na ito na masisilayan sa mukha ng ating mga munting mambabasa.

Ang ikatlong sabado ng Project Lakbay-Basa cm Kolong-Kolong Mobile Library ay dinaluhan ng 29 na mag-aaral mula sa ika-7 baitang ng NVGCHS.
Kakaibang tuwa sa puso ang naramdaman ng mga nagpapakadalubhasang g**o (Practice Teachers) mula sa NVSU, ang umalalay sa pagtalakay ng binasang akda.
Hindi rin matatawaran ang galing at talento ng mga Ate at Kuya mula sa Filipino Central Club at SPA, sa pagganyak sa mga bata na aktibong makibahagi sa mga laro at pa-trivia.
Upang mas maging maayos ang daloy ng proyekto, 4 na G**o sa Filipino Department ang umagapay.

Muli, maraming salamat po sa pagtuloy na pagsuporta sa proyektong ito.



Ikalawang Sabado03-01-2025๐Ÿ“šโœจ ๐™‡๐™–๐™ ๐™—๐™–๐™ฎ-๐˜ฝ๐™–๐™จ๐™– ๐™˜๐™ช๐™ข ๐™†๐™ค๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ-๐™ ๐™ค๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™ค๐™—๐™ž๐™ก๐™š ๐™‡๐™ž๐™—๐™ง๐™–๐™ง๐™ฎ Y2 โœจ๐Ÿ“šIsang makabuluhang Sabado ng Pagbabasa an...
01/03/2025

Ikalawang Sabado
03-01-2025

๐Ÿ“šโœจ ๐™‡๐™–๐™ ๐™—๐™–๐™ฎ-๐˜ฝ๐™–๐™จ๐™– ๐™˜๐™ช๐™ข ๐™†๐™ค๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ-๐™ ๐™ค๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™ค๐™—๐™ž๐™ก๐™š ๐™‡๐™ž๐™—๐™ง๐™–๐™ง๐™ฎ Y2 โœจ๐Ÿ“š

Isang makabuluhang Sabado ng Pagbabasa ang naganap para sa mga mag-aaral ng NVGCHS na kabilang sa ikapitong baitang na nakatira sa Magsaysay! ๐Ÿคฉ๐Ÿ’ก

Sa pangunguna ng mga proponent, katuwang ang Filipino Central Club at mga piling g**o ng Filipino Department, matagumpay nating naihatid ang saya ng pagbabasa sa 36 na munting mambabasa. ๐Ÿ“–โค๏ธ

Maraming salamat kay Ms. Hope Aban sa muling pagbibigay ng meryenda para sa mga bata! ๐Ÿช๐Ÿฅค Ang iyong suporta ay nagbibigay-inspirasyon sa ating misyon na palaganapin ang pagmamahal sa pagbabasa.

Padayon sa paglalakbay ng kaalaman! ๐Ÿš€๐Ÿ“–



Maligayang Kaarawan sa isa sa mga mapagbigay at matulungin na sponsor ng programang ito! Maraming Salamat po sa pagsupor...
28/02/2025

Maligayang Kaarawan sa isa sa mga mapagbigay at matulungin na sponsor ng programang ito! Maraming Salamat po sa pagsuporta! Nawa'y pagpalain pa kayo ng Diyos! ๐Ÿฅณ

Address

Bayombong
3700

Opening Hours

9am - 5pm

Telephone

+639161735913

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Project Lakbay-Basa cm Kolong-Kolong Mobile Library posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Project Lakbay-Basa cm Kolong-Kolong Mobile Library:

Share

Category