26/08/2026
βΌ Payment of 5,000 Abatement Fee shall be made within 5 days upon submission of the Abatement Application βΌ
Reiteration on Question 7 of RMC 84-2026
Tanong:
Kung ang isang taxpayer ay mag-a-apply sa One-Time Abatement Program at kailangan niyang magbayad ng β±5,000 abatement fee, ano ang ilalagay sa Item 8 β Tax Type ng BIR Form No. 0605 kung maraming uri ng buwis ang kasama sa application?
Sagot:
Kahit maraming tax types ang kasama sa application, βMAβ ang ilalagay sa Item 8 (Tax Type) ng BIR Form No. 0605.
π Hindi na kailangang ilagay isa-isa ang bawat uri ng buwis. Ang code na βMAβ ang gagamitin para sa payment ng β±5,000 abatement fee.
Paano ang β±5,000 payment?
Ang β±5,000 abatement fee ay ilalagay sa Item 21 ng BIR Form No. 0605.
Bago magbayad, dapat mayroon kang Application Form na may tatak na βReceivedβ ng BIR. Ito na ang magiging sapat na basehan para makapagbayad ng β±5,000.
Hindi mo kailangang hintayin ang approval ng BIR Form 0605 bago magbayad.
Kailan dapat magbayad?
May 5 working days mula sa araw ng pag-file ng application para:
1. Mag-file ng BIR Form 0605; at
2. Magbayad ng β±5,000 abatement fee.
Pagkatapos magbayad, kailangan mong isumite ang proof of payment sa RDO within 5 working days mula sa date ng payment.
Importanteng tandaan β οΈ
Kung hindi mo maisumite ang proof of payment sa loob ng 5 working days, magiging VOID ang application.
Ibig sabihin, hindi na magiging valid ang application na iyon. Pero maaari kang mag-file ulit, basta pasok pa sa period kung kailan puwedeng mag-avail ng One-Time Abatement Program.
Paano naman kung ma-deny o i-withdraw ang application?
Ang β±5,000 ay hindi basta ibabalik sa taxpayer.
Kung ma-deny ang application o i-withdraw ito, ang β±5,000 ay gagamitin bilang partial payment ng mga buwis at/o penalties na nais sanang ipa-abate.
Sa madaling salita:
Application β BIR receives/stamps the application β File BIR Form 0605 β Put βMAβ in Item 8 β Put β±5,000 in Item 21 β Pay within 5 working days β Submit proof of payment to RDO within another 5 working days.
Pinakasimpleng tandaan:
π’ Item 8 = MA
π’ Item 21 = β±5,000
π’ Pay within 5 working days from application filing
π’ Submit proof of payment within 5 working days from payment
π΄ Failure to submit proof = application becomes VOID