01/05/2026
๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐ผ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐ผ๐๐๐๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ผ๐ฝ๐๐ฝ๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐ฟ!
Ngayong Araw ng Manggagawa, kinikilala natin ang dignidad ng bawat manggagawang Pilipino, kabilang ang mga magulang, kapatid, at kapwa natin kabataan na araw-araw kumakayod para maitawid ang pangarap. Gayunpaman, hindi kailanman sapat ang pasasalamat kung hindi sinasabayan ng pakikinig, pagkilos, at pagtindig. Sa harap ng tumataas na presyo at patuloy na hirap ng pamumuhay, ang nakabubuhay na sahod ay karapatan.
Bilang Kabataang Sulo, kasama tayo sa laban na ito. Tayo ang susunod na papasok sa mundo ng paggawa, at ngayon pa lang, may boses na tayo. Makialam. Makilahok. Makipaglaban. Para sa makatarungang sahod, disenteng kondisyon sa trabaho, at sistemang inuuna ang tao. Igiit nating ang paggawa ay may dangal, at ang manggagawa ay nararapat sa sapat at makatarungang kabuhayan.
--