RHU Benito Soliven

RHU Benito Soliven Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RHU Benito Soliven, Government Website, Benito Soliven.

๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข ๐ง๐  ๐ง๐š๐›๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š๐ก๐š๐ง!๐Œ๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ ,๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐  ๐š๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ค๐š ๐ฉ๐š ๐๐ข๐ง ๐›๐š?93.61% na ng mga batang nasa listahan ang nabakunahan.Ka...
21/08/2026

๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข ๐ง๐  ๐ง๐š๐›๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š๐ก๐š๐ง!๐Œ๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ ,๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐  ๐š๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ค๐š ๐ฉ๐š ๐๐ข๐ง ๐›๐š?

93.61% na ng mga batang nasa listahan ang nabakunahan.Katumbas ito ng 1641 na bata na nabigyan ng proteksyon laban sa tigdas at rubella.

Malaking hakbang ito para maprotektahan ang ating mga anak at komunidad.Ayon sa pag aaral,ang mataas na antas ng vaccination coverage ay makakatulong upang makamit ang โ€œherd immunityโ€ para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa komunidad na maaaring humantong sa disease outbreak.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga nakiisaโ€”mga magulang,barangay officials,barangay health workers,BNS, day care workers at iba pang mga indibidwal na tumutulong upang mapataas ang ating vaccine coverage.

Gayundin ang aming pasasalamat sa ating LGU na pinangungunahan ni Mayor JP "Idol" Azur sa inyong suporta sa ating mga programang pangkalusugan.

Magpapatuloy pa rin ang bakunahan sa mga vaccination sites sa inyong barangay.Kumuha lamang ng tamang impormasyon sa mga health workers at huwag basta basta maniwala sa mga nakikita sa social media.

Patuloy na magsisikap ang ating mga health workers upang makamit ang 100% vaccination coverage.

Dahil sa bayan na may PUSO,IDOL ang bawat batang bakunado!

๐‘ฏ๐‘ถ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐‘ด๐‘จ๐‘ต, ๐‘ป๐‘ผ๐‘ณ๐‘ถ๐’€ ๐‘ท๐‘จ ๐‘น๐‘ฐ๐‘ต ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ฒ๐‘ผ๐‘ต๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต!Kahit holiday,naging abala ang MR-SIA vaccination team sa pagsuyod sa mga barang...
21/08/2026

๐‘ฏ๐‘ถ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐‘ด๐‘จ๐‘ต, ๐‘ป๐‘ผ๐‘ณ๐‘ถ๐’€ ๐‘ท๐‘จ ๐‘น๐‘ฐ๐‘ต ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ฒ๐‘ผ๐‘ต๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต!

Kahit holiday,naging abala ang MR-SIA vaccination team sa pagsuyod sa mga barangay upang mabakunahan ang lahat ng batang kasama sa target na mabigyan ng proteksyon kontra Tigdas at Rubella. Kabilang sa mga lugar na napuntahan ngayong araw ang barangay District 1,Villaluz,Danipa, Punit at Sitio Fugo,Maluno Norte.

Layunin na vaccination na makamit ang herd immunity o sapat na antas ng proteksyon sa komunidad.

Sa bayan na may PUSO,IDOL ang bawat batang bakunado!

20/08/2026
19/08/2026
๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’ ๐“๐ˆ๐†๐ƒ๐€๐’ ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐‘๐ˆ๐!Sa ikalawang linggo ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity,umabot na sa ๐Ÿ—๐ŸŽ.๐Ÿ...
19/08/2026

๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’ ๐“๐ˆ๐†๐ƒ๐€๐’ ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐‘๐ˆ๐!

Sa ikalawang linggo ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity,umabot na sa ๐Ÿ—๐ŸŽ.๐Ÿ๐Ÿ—% ng mga masterlisted na bata ang nabakunahan laban sa tigdas at Rubella.

Nagsagawa naman ng monitoring ngayong araw ang Provincial Department of Health Office sa pangunguna ni Dr. Elsie A. Pintucan,Development Management Officer V at Ms.Kahren P.Justo, Development Management Officer IV upang masigurong maayos ang pagpapatupad ng aktibidad.

Muli ring binisita ni Dr.Jesusa Christina Legaspi ang barangay Punit upang hikayatin ang mga magulang na hindi pa nakapagpabakuna ng kanilang mga anak.

Patuloy pa rin na sinisikap ng mga health workers na maabot ang 100% immunization coverage, kaya naman sa mga magulang, dalhin na ang inyong mga anak sa vaccination site at samantalahin ang pagkakataon na maprotektahan sila!

Dahil sa Bayan na May Puso,IDOL ang batang bakunado!

๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ“ ๐๐€!๐๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š๐๐จ ๐ง๐š ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐š๐ค ๐ฆ๐จ ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐Œ๐ž๐š๐ฌ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐š๐ญ ๐‘๐ฎ๐›๐ž๐ฅ๐ฅ๐š?Kung hindi pa,huwag ng maghintay pa.Lumapit at magtanong...
14/08/2026

๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ“ ๐๐€!๐๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š๐๐จ ๐ง๐š ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐š๐ค ๐ฆ๐จ ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐Œ๐ž๐š๐ฌ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐š๐ญ ๐‘๐ฎ๐›๐ž๐ฅ๐ฅ๐š?

Kung hindi pa,huwag ng maghintay pa.Lumapit at magtanong sa mga Barangay Health Workers sa mga susunod na iskedyul ng bakunahan sa barangay.

Ngayong araw, masigasig pa rin na umiikot ang vaccination team at mga health workers,upang hikayatin ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa vaccination site.

Samantala,sa barangay Punit, nagbigay din ng malinaw na impormasyon si Dr.Jesusa Christina A.Legaspi,Municipal Healh Officer,upang tugunan ang mga tanong at pangamba ng mga magulang tungkol sa bakuna.

Patuloy naman ang suporta ni Mayor JP "Idol" Azur sa pamamagitan ng pag iikot at pakiisa sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa isinasagawang bakunahan sa barangay.

Magpapatuloy ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity sa buobg buwan ng Agosto.Kaya naman sa mga magulang dalhin na ang inyong mga anak sa pinakamalapit na vaccination site.

Dahil sa Bayan na May PUSO,IDOL ang bawat batng bakunado!

๐— ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ-๐—ฅ๐—จ๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—œ๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ญ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—ฌ๐——๐—”๐—ฌ ๐ŸฐSa ikaapat na araw ng Measles-Rubella Supplemental Immunization A...
13/08/2026

๐— ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ-๐—ฅ๐—จ๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—œ๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ญ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—ฌ
๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿฐ

Sa ikaapat na araw ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA), patuloy na umiikot ang mga vaccination teams upang matiyak na walang batang maiiwan at bawat isa ay maprotektahan laban sa tigdas at rubella.Kasabay din nito ang pagbibigay ng vitamin A upang mas mapalakas ang immune system ng mga bata.

Kabilang sa mga nabakunahan ngayong araw ang mga anak ng mga empleyado sa LGU Benito Soliven, gayundin ang mga anak ng ating mga health workers.Patunay lamang ito ng kanilang tiwala at suporta sa kahalagahan ng pagbabakuna para sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak.

Tila wala ring kapaguran ang ating Mayor JP "Idol" Azur,na patuloy na umiikot sa mga barangay upang masubaybayan ang isinasagawang bakunahan at makasama sa pagbibigay ng tamang impormasyon at gabay sa mga magulang.

Patuloy na hinihikayat ang lahat ng mga magulang at taga pag-alaga na kung hindi pa nabakunahan ang inyong mga anak,dalhin na sila sa pinakamalapit na vaccination site.Bukas din ang ang Rural Health Unit araw-araw sa mga nais magpabakuna.

Dahil sa bayan na may PUSO,IDOL ang bawat batang bakunado!

๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’ ๐“๐ˆ๐†๐ƒ๐€๐’ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐€'๐“ ๐ˆ๐๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜Patuloy ang Ligtas Tigdas team sa pag-iikot sa iba't ibang barangay upa...
12/08/2026

๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’ ๐“๐ˆ๐†๐ƒ๐€๐’ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐€'๐“ ๐ˆ๐๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜

Patuloy ang Ligtas Tigdas team sa pag-iikot sa iba't ibang barangay upang maabot ang bawat bata at mabigyan sila ng proteksyon laban sa tigdas at rubella.

Kasabay sa pag-iikot si Mayor JP "Idol" Azur upang personal na magbigay ng suporta at matiyak na maayos ang pagpapatupad ng programa sa bawat barangay.

Nagbahagi si Mayor Azur ng mensahe sa mga magulang,lalo na sa mga may agam-agam tungkol sa pagbabakuna. Personal na hinikayat nya ang mga ito at mariing ipinaliwanag ang kahalagahan ng pagbabakuna.Ipinaalala ng alkalde sa mga magulang na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita sa social media at kumuha lamang ng tamang impormasyon sa mga health workers upang magabayan sila sa tamang desisyon para sa kanilang mga anak.

Bumisita rin ang monitoring team ng Isabela - Integrated Provincial Health Office upang masubaybayan ang pagpapatupad ng aktibidad at matiyak na nasusunod ang tamang proseso at mga pamantayan sa pagbabakuna.

Sa patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, Provincial Health Office, health workers at barangay officials at mga magulang, mas mapapalakas ang kampanya para sa kalusugan at kaligtasan ng bawat bata.

Dahil sa Bayan na may PUSO,IDOL ang bawat batang bakunado!

Address

Benito Soliven
3331

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639338217848

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Benito Soliven posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to RHU Benito Soliven:

Shortcuts

Share