Bing "malambing" Cariño

Bing "malambing" Cariño Official page of Bing Cariño

Ngayong araw, ating inaalala ang Ninoy Aquino Day bilang paggunita sa anibersaryo ng pagpanaw ni dating Senador Benigno ...
21/08/2026

Ngayong araw, ating inaalala ang Ninoy Aquino Day bilang paggunita sa anibersaryo ng pagpanaw ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating bansa.

Batay sa Proclamation No. 1006, s. 2025, idineklara ang araw na ito bilang Special Non-Working Holiday. Dahil dito, suspendido ang pasok sa mga paaralan, tanggapan ng pamahalaan, at pribadong sektor sa buong bansa.


Tayo po ay bumisita sa ating mga kababayang mangangalakal sa Night Market upang kamustahin sila at makita ang kalagayan ...
21/08/2026

Tayo po ay bumisita sa ating mga kababayang mangangalakal sa Night Market upang kamustahin sila at makita ang kalagayan ng kanilang mga negosyo.

Bilang isa ring mangangalakal, dama natin ang kanilang sipag, tiyaga, at pagmamahal sa kanilang kabuhayan. Patuloy po tayong makikinig, makikiramdam, at makikiisa sa ating mga maliliit na negosyante.

Tuloy-tuloy lang po ang serbisyong may puso at malasakit para sa bawat Biñanense. 🧡

August 19, 2026 | Almazora Compound, Brgy. Canlalay Tayo po ay dumalaw sa ating mga kababayang naapektuhan ng sunog sa A...
19/08/2026

August 19, 2026 | Almazora Compound, Brgy. Canlalay

Tayo po ay dumalaw sa ating mga kababayang naapektuhan ng sunog sa Almazora Compound, Brgy. Canlalay.

Nakikiramay tayo sa sampung pamilyang nawalan ng tahanan. Sa abot ng ating makakaya, naghatid tayo ng kaunting tulong bilang pakikiisa at malasakit sa kanilang pinagdaraanan.

Sa panahon ng pagsubok, hindi natin sila pababayaan.

17/08/2026

📢 WALANG PASOK | ABISO SA PUBLIKO

Alinsunod sa inanunsyo ng Malacañang, suspendido ang klase sa lahat ng antas ngayong HAPON, August 17, 2026 (Monday) dahil sa epekto ng Hanging Habagat.

Pinapayuhan ang lahat ng Biñanense na manatiling alerto, iwasan ang mga lugar na maaaring bahain, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa mga kinauukulang ahensya at sa Pamahalaang Lungsod ng Biñan.

Kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.

Vice Mayor Dada Reyes✨


17/08/2026
Flag Raising Ceremony | August 17, 2026Sinimulan natin ang panibagong linggo sa pamamagitan ng panalangin at pagbibigay-...
17/08/2026

Flag Raising Ceremony | August 17, 2026

Sinimulan natin ang panibagong linggo sa pamamagitan ng panalangin at pagbibigay-pugay sa ating watawat, kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Biñan.

Patuloy nating isabuhay ang malasakit, pagkakaisa, at dedikasyon sa paglilingkod para sa bawat Biñanense.

Happy Monday po sa ating lahat! Nawa’y maging makabuluhan at produktibo ang ating linggo. God bless! 💗

Masayang pagbati sa lahat ng mamamayan ng Barangay Timbao sa inyong Kapistahan! 🎉Nawa’y maging masaya at makulay ang iny...
16/08/2026

Masayang pagbati sa lahat ng mamamayan ng Barangay Timbao sa inyong Kapistahan! 🎉

Nawa’y maging masaya at makulay ang inyong pagdiriwang kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay. Patuloy nawa ang pagkakaisa at magandang samahan sa inyong barangay.

Maligayang Fiesta, Barangay Timbao! 💙🧡

Masiglang pagbati sa Barangay Platero sa inyong pagdiriwang ng Kapistahan! 🎉Nawa’y mapuno ng saya, pagkakaisa, at magand...
15/08/2026

Masiglang pagbati sa Barangay Platero sa inyong pagdiriwang ng Kapistahan! 🎉

Nawa’y mapuno ng saya, pagkakaisa, at magandang samahan ang espesyal na araw na ito. Patuloy nawa ang diwa ng bayanihan at pagmamalasakit sa bawat isa. Maligayang Fiesta! 💙🧡

15/08/2026
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟓 | 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐤𝐢𝐰𝐚, 𝐁𝐢ñ𝐚𝐧, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚 Nakiisa tayo sa pagtitipon ng ating mga lolo at lola upang makisaya at makibah...
15/08/2026

𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟓 | 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐤𝐢𝐰𝐚, 𝐁𝐢ñ𝐚𝐧, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚

Nakiisa tayo sa pagtitipon ng ating mga lolo at lola upang makisaya at makibahagi sa kanilang masayang araw.

Kasama natin sina Kapitan Rodolfo “Popit” Montañez, Bokal B**g Bejasa, at Bokal Jigcy Pecaña, katuwang ang Sangguniang Barangay ng Langkiwa.

Isang simpleng pagtitipon, puno ng saya, kwentuhan, at malasakit para sa ating mga nakatatanda.

Address

Biñan, Philippines, Binãn
Biñan
4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bing "malambing" Cariño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share