28/08/2026
Maraming Salamat po 𝐌 𝐋𝐇𝐔𝐈𝐋𝐋𝐈𝐄𝐑 (𝐌𝐢𝐜𝐡𝐞𝐥 𝐉. 𝐋𝐡𝐮𝐢𝐥𝐥𝐢𝐞𝐫 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬, 𝐈𝐧𝐜.), sa inyong agarang pagtugon sa aming kahilingan para sa mga TENT na magagamit ng ating barangay.
Malaking tulong po ito sa ating mga ka-barangay, lalo na sa mga programa, aktibidad, at serbisyong patuloy nating isinasagawa para sa ating komunidad.
Ang inyong suporta ay hindi lamang simpleng donasyon—ito ay pakikiisa at malasakit sa kapakanan ng ating mga kabarangay. Maraming salamat sa pagtulong na mas mapabuti at mapagsilbihan natin ang ating komunidad.