07/10/2026
๐ฃ OPISYAL NA BAGONG LOGO NG LUNGSOD NG BIรAN
Alinsunod sa mga umiiral na batas at patakaran ng Pamahalaang Nasyunal hinggil sa mga opisyal na logo at iba pang heraldic items and devices, at sa rekomendasyon ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), bumuo ang Pamahalaang Lungsod ng Biรฑan ng isang komite sa pamamagitan ng isang Executive Order na nilagdaan ni Mayor Angelo Alonte upang magsagawa ng masusing pagsusuri at magrekomenda ng rebisyon sa magiging bagong opisyal na logo ng Lungsod ng Biรฑan.
Ang bagong opisyal na logo ay halaw pa rin sa mga naunang opisyal na logo ng Bayan at Lungsod ng Biรฑan. Ito ay binigyang-rebisyon upang mapanatili at maiangkop ang mahahalagang elemento ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan, alinsunod sa mga umiiral na pamantayan para sa mga opisyal na heraldic device ng mga institusyon ng pamahalaan.
โผ๏ธ Mahalagang Paunawa: Ang bagong opisyal na logo ng Lungsod ng Biรฑan ay inaprubahan ng Malacaรฑang noong Setyembre 29, 2026 at OPISYAL NANG GAGAMITIN SIMULA NGAYONG ARAW, alinsunod sa mga itinatadhana ng Section 7 at 11 ng City Ordinance No. 21-2026.
Alinsunod dito, ang kasalukuyang logo na ginagamit ay itinuturing nang โOBSOLETEโ simula ngayong araw at hindi na ituturing na opisyal na logo ng Lungsod.
๐ I-DOWNLOAD ANG BAGONG OFFICIAL LOGO NG LUNGSOD NG BIรAN AT BASAHIN ANG MGA DOKUMENTO UKOL SA OPISYAL NA PAGGAMIT NITO: https://bit.ly/NewBiรฑanLogo
Gayunman, alinsunod sa Section 8 ng City Ordinance No. 21-2026, magkakaroon ng isang (1) taong transition period upang bigyang-panahon ang pagpapalit ng mga lumang logo na ginagamit sa mga dokumento, kagamitan, pasilidad, materyales, at iba pang opisyal na gamit ng lungsod, at upang tuluyang maiayon ang mga ito sa bagong opisyal na logo.
Ang bagong logo ay hindi pagtalikod sa ating nakaraan, kundi pagpapatuloy nito. Nananatili rito ang mahahalagang elemento ng mga naunang logo ng Bayan at Lungsod ng Biรฑan - mga simbolo na kumakatawan sa ating kasaysayan at pagkakakilanlan. Ang mga pagbabagong isinagawa ay kinakailangang tugon sa mga umiiral na pamantayan at rekomendasyon upang magkaroon ang Lungsod ng Biรฑan ng isang opisyal na logo na naaayon sa kasalukuyang mga patakaran, habang nananatiling nakaugat sa ating pinagmulan.