15/07/2026
Hulyo 15, 2026 | Reinforcement of School Safety Protocols
Patuloy na pinagtitibay ang pagpapatupad ng School Safety Protocols sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng paaralan, MBES-SPTA, at ng ating mga Barangay Officials, bilang pagpapakita ng iisang layunin na mapanatili ang isang ligtas at maayos na paaralan para sa lahat.
Lubos ang aming pasasalamat kay Kapitan Raul "Toto" Co sa pangunguna ng ating LGU sa mahalagang inisyatibong ito na naglalayong higit pang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating Principal - Jael Faith T. Ledesma sa kanyang matatag na pamumuno at patuloy na pagsusulong ng mga programang nagpapatibay sa kultura ng kaligtasan sa loob ng paaralan.
Nagpapasalamat din kami sa ating Schools Division Superintendent - Dr. Arlene S. Ricasa, CESO VI at Public Schools District Supervisor District II -Leonora Cruz, sa walang sawang pagbibigay ng suporta at patnubay sa patuloy na pagpapatupad ng mga hakbang para sa seguridad, ligtas, disiplinado, at handang paaralan.
Sa pagtutulungan ng paaralan, pamilya, pamahalaang lokal, at komunidad, mas napagtitibay natin ang isang ligtas na kapaligiran para sa bawat batang mag-aaral!