01/06/2026
Magtiwala ka lang kung sigurado kang may sasalo 🤝
Gaya ng trust fall, ang pagbibigay ng personal na impormasyon sa Philippine Statistics Authority ( ), sa pamamagitan ng Community-Based Monitoring System ( ), ay nangangailangan ng tamang tiwala. Siguraduhing lehitimo ang kumukuha ng data, malinaw ang layunin, at may sapat na proteksyon ang iyong impormasyon.
Sa CBMS, ang datos mo ay hindi basta-basta. Ito ay ginagamit para sa mas maayos na serbisyo at mas inklusibong pag-unlad ng komunidad, habang pinangangalagaan ang iyong privacy. Tandaan: ang iyong datos ay may halaga. Pangalagaan natin ito, sama-sama.