05/08/2026
https://www.facebook.com/share/1F4fHiBU1r/
𝐂𝐎𝐌𝐄𝐋𝐄𝐂 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | 𝟓 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐔𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐠 “𝐒𝐰𝐨𝐫𝐧 𝐃𝐞𝐜𝐥𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐥𝐢𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐞𝐬𝐭” 𝐬𝐚 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 𝐨𝐟 𝐂𝐚𝐧𝐝𝐢𝐝𝐚𝐜𝐲 𝐒𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬
Intramuros, Manila – Inaprubahan ng COMELEC En Banc sa isang Referendum/Consultation noong July 24, 2026 ang pagsama ng “Sworn Declaration on Conflict of Interest” sa Certificate of Candidacy (COC) na ihahain ng mga balak tumakbo bilang kandidato mula November 2, 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (2026 BSKE) hanggang sa mga susunod na halalan matapos nito. Ang Sworn Declaration on Conflict of Interest ay mababasa sa COC bilang:
“𝙄 𝙪𝙣𝙙𝙚𝙧𝙩𝙖𝙠𝙚, 𝙤𝙣𝙘𝙚 𝙚𝙡𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙, 𝙩𝙤 𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙮 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙩𝙝𝙚 𝙥𝙧𝙤𝙫𝙞𝙨𝙞𝙤𝙣𝙨 𝙤𝙣 𝙘𝙤𝙣𝙛𝙡𝙞𝙘𝙩 𝙤𝙛 𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙚𝙨𝙩 𝙪𝙣𝙙𝙚𝙧 𝙍𝙚𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙘 𝘼𝙘𝙩 𝙉𝙤𝙨. 3019 𝙖𝙣𝙙 6713, 𝙥𝙖𝙧𝙩𝙞𝙘𝙪𝙡𝙖𝙧𝙡𝙮 𝙖𝙨 𝙩𝙤 𝙩𝙝𝙚 𝙥𝙧𝙤𝙝𝙞𝙗𝙞𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙤𝙣 𝙝𝙖𝙫𝙞𝙣𝙜 𝙙𝙞𝙧𝙚𝙘𝙩 𝙤𝙧 𝙞𝙣𝙙𝙞𝙧𝙚𝙘𝙩 𝙛𝙞𝙣𝙖𝙣𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙤𝙧 𝙥𝙚𝙘𝙪𝙣𝙞𝙖𝙧𝙮 𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙚𝙨𝙩 𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙮 𝙗𝙪𝙨𝙞𝙣𝙚𝙨𝙨, 𝙘𝙤𝙣𝙩𝙧𝙖𝙘𝙩, 𝙤𝙧 𝙩𝙧𝙖𝙣𝙨𝙖𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙮 𝙗𝙚 𝙤𝙥𝙥𝙤𝙨𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙤𝙧 𝙖𝙛𝙛𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙 𝙗𝙮 𝙩𝙝𝙚 𝙛𝙖𝙞𝙩𝙝𝙛𝙪𝙡 𝙥𝙚𝙧𝙛𝙤𝙧𝙢𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙤𝙛 𝙤𝙛𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙙𝙪𝙩𝙮, 𝙤𝙧 𝙞𝙣 𝙬𝙝𝙞𝙘𝙝 𝙄 𝙖𝙢 𝙥𝙧𝙤𝙝𝙞𝙗𝙞𝙩𝙚𝙙 𝙗𝙮 𝙩𝙝𝙚 𝘾𝙤𝙣𝙨𝙩𝙞𝙩𝙪𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙤𝙧 𝙖𝙣𝙮 𝙡𝙖𝙬 𝙛𝙧𝙤𝙢 𝙝𝙖𝙫𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙮 𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙚𝙨𝙩.”
Ayon sa Section 3(i) ng Republic Act No. 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials, mayroong “Conflict of Interest” kung ang isang pampublikong opisyal o kawani ay miyembro ng board, o opisyal, o mahalagang stockholder ng isang pribadong korporasyon o may-ari o may malaking interes sa negosyo, at ang interes sa nasabing korporasyon o negosyo, o ang mga karapatan o tungkulin doon, ay maaaring hindi sang-ayon sa o makaapekto sa tapat na pagsasagawa ng opisyal na tungkulin.
Ipinagbabawal din sa ilalim ng Section 3(h) ng Republic Act No. 3019, o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na magkaroon ng pinansyal o pecuniary interes, direkta man o hindi, ang isang pampublikong opisyal sa anumang negosyo, kontrata o transaksyon na maaari siyang mamagitan o makibahagi sa kanyang opisyal na kapasidad.
Kahalintulad ng pagsumite ng Certificate of Live Birth o Birth Certificate, ang pagsama ng deklarasyon na ito sa COC ay hindi dagdag kwalipikasyon o kondisyon para sa mga nais kumandidato, bagkus ito ay isang pahayag ng pagsunod sa mga umiiral na batas at bahagi ng pagsulong ng transparency para sa sambayanang Pilipino. # # #