Brgy. Bungahan, City of Biñan

Brgy. Bungahan, City of Biñan News & Updates

07/08/2026
𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗟𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛“𝘕𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘵 𝘒𝘶𝘮𝘪𝘬𝘪𝘭𝘰𝘴 𝘛𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘉𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴.”𝘛𝘢𝘰𝘴-𝘱𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘳𝘢...
07/08/2026

𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗟𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛
“𝘕𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘵 𝘒𝘶𝘮𝘪𝘬𝘪𝘭𝘰𝘴 𝘛𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘉𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴.”

𝘛𝘢𝘰𝘴-𝘱𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘉𝘶𝘯𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘢𝘯𝘥 𝘊𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳, 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘶𝘯𝘨𝘶𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺, 𝘏𝘰𝘯. 𝘌𝘭𝘮𝘦𝘳 𝘖𝘱𝘪𝘯̃𝘢, 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘯𝘨𝘨𝘶𝘯𝘪𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺, 𝘴𝘢 Biñan City Disaster Risk Reduction and Management Office - BinanC3 𝘯𝘨 𝘓𝘶𝘯𝘨𝘴𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘉𝘪𝘯̃𝘢𝘯, 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘶𝘯𝘨𝘶𝘯𝘢 𝘯𝘪 𝘚𝘪𝘳 𝘙𝘰𝘯𝘢𝘭𝘥𝘰 𝘙𝘰𝘴𝘤𝘢𝘪𝘯, 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘨𝘢𝘣𝘢𝘺, 𝘴𝘶𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢, 𝘢𝘵 𝘥𝘦𝘥𝘪𝘬𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘶𝘯𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘺𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘴𝘢𝘴𝘵𝘦𝘳 𝘙𝘪𝘴𝘬 𝘙𝘦𝘥𝘶𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘨𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵.

𝘉𝘶𝘯𝘨𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘊𝘋𝘙𝘙𝘔𝘖, 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘋𝘪𝘴𝘢𝘴𝘵𝘦𝘳 𝘙𝘦𝘴𝘪𝘭𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘔𝘰𝘯𝘵𝘩 2026:

𝘔𝘨𝘢 𝘕𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢:
*𝘕𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 – 𝘔𝘢𝘩𝘶𝘴𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘨𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘋𝘦𝘬𝘢𝘭𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘢𝘵 𝘌𝘱𝘦𝘬𝘵𝘪𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘳𝘰𝘺𝘦𝘬𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯𝘢𝘯.
*𝘛𝘰𝘱 4 – 𝘉𝘦𝘴𝘵 𝘗𝘦𝘳𝘧𝘰𝘳𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 6𝘵𝘩 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘋𝘙𝘙𝘔𝘊 𝘐𝘯𝘴𝘱𝘦𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 2026.
*𝘊𝘦𝘳𝘵𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘵𝘦 𝘰𝘧 𝘗𝘢𝘳𝘵𝘪𝘤𝘪𝘱𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 – 1𝘴𝘵 𝘛𝘢𝘵𝘢𝘬 𝘎𝘌𝘓 𝘚𝘶𝘳𝘷𝘪𝘷𝘢𝘭 𝘢𝘯𝘥 𝘙𝘦𝘴𝘤𝘶𝘦 𝘕𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘌𝘹𝘩𝘪𝘣𝘪𝘵 2026.
*𝘊𝘦𝘳𝘵𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘵𝘦 𝘰𝘧 𝘗𝘢𝘳𝘵𝘪𝘤𝘪𝘱𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 – 𝘛𝘩𝘢𝘯𝘬𝘴𝘨𝘪𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘴𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘗𝘢𝘳𝘢𝘥𝘦 2026.
*𝘊𝘦𝘳𝘵𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘵𝘦 𝘰𝘧 𝘗𝘢𝘳𝘵𝘪𝘤𝘪𝘱𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 – 𝘉𝘐𝘋𝘈 𝘒𝘪𝘥𝘴: 𝘉𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘪𝘯̃𝘢𝘯 𝘍𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘈𝘪𝘥 𝘙𝘦𝘴𝘱𝘰𝘯𝘥𝘦𝘳 2026.
*𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘪𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 – 𝘚𝘶𝘣𝘮𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘉𝘋𝘙𝘙𝘔 𝘗𝘭𝘢𝘯𝘴 2026–2028.

𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘶𝘮𝘱𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘮𝘢-𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘥𝘪𝘬𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭, 𝘬𝘢𝘸𝘢𝘯𝘪, 𝘷𝘰𝘭𝘶𝘯𝘵𝘦𝘦𝘳𝘴, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨𝘶𝘺𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴, 𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘉𝘶𝘯𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯.

𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵, 𝘚𝘪𝘳 𝘙𝘰𝘯𝘢𝘭𝘥𝘰 𝘙𝘰𝘴𝘤𝘢𝘪𝘯, 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘊𝘋𝘙𝘙𝘔𝘖 𝘉𝘪𝘯̃𝘢𝘯! 𝘗𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘱𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘶𝘰 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴 𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘴 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘬𝘰𝘮𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥.



🎉 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻, 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗘𝗹𝗺𝗲𝗿 𝗢𝗽𝗶𝗻̃𝗮! 🎉𝘚𝘢 𝘦𝘴𝘱𝘦𝘴𝘺𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰, 𝘵𝘢𝘰𝘴-𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘱𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘢𝘣𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮...
06/08/2026

🎉 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻, 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗘𝗹𝗺𝗲𝗿 𝗢𝗽𝗶𝗻̃𝗮! 🎉

𝘚𝘢 𝘦𝘴𝘱𝘦𝘴𝘺𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰, 𝘵𝘢𝘰𝘴-𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘱𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘢𝘣𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘪𝘯𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘵𝘪 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯. 𝘕𝘢𝘸𝘢'𝘺 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘗𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘺𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘶𝘴𝘶𝘨𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴, 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘳𝘶𝘯𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘉𝘶𝘯𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯.

𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘥𝘪𝘬𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯, 𝘱𝘢𝘮𝘶𝘮𝘶𝘯𝘰, 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪𝘬𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘢𝘺𝘶𝘴𝘢𝘯, 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘯𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘮𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥. 𝘒𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘰 𝘢𝘺 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘴𝘱𝘪𝘳𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘸𝘢𝘯𝘪 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘶𝘳𝘢𝘯.

𝘔𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘌𝘮𝘱𝘭𝘰𝘺𝘦𝘦𝘴 𝘢𝘵 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘯𝘨𝘨𝘶𝘯𝘪𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺, 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘒𝘢𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺, 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘱𝘰 𝘢𝘺 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘭𝘪𝘨𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯!

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆, 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗘𝗹𝗺𝗲𝗿 𝗢𝗽𝗶𝗻̃𝗮!




𝗕𝗨𝗡𝗧𝗜𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲“𝘞𝘈𝘓𝘈𝘕𝘎 𝘕𝘈𝘕𝘈𝘠 𝘈𝘕𝘎 𝘋𝘈𝘗𝘈𝘛 𝘔𝘈𝘔𝘈𝘛𝘈𝘠 𝘚𝘈 𝘗𝘈𝘎𝘉𝘐𝘉𝘐𝘎𝘈𝘠 𝘉𝘜𝘏𝘈𝘠”Matagumpay na naisagawa ang ating taunang Buntis Pa...
31/07/2026

𝗕𝗨𝗡𝗧𝗜𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲
“𝘞𝘈𝘓𝘈𝘕𝘎 𝘕𝘈𝘕𝘈𝘠 𝘈𝘕𝘎 𝘋𝘈𝘗𝘈𝘛 𝘔𝘈𝘔𝘈𝘛𝘈𝘠 𝘚𝘈 𝘗𝘈𝘎𝘉𝘐𝘉𝘐𝘎𝘈𝘠 𝘉𝘜𝘏𝘈𝘠”

Matagumpay na naisagawa ang ating taunang Buntis Party, isang programa ng ating barangay na naglalayong kilalanin, suportahan, at gabayan ang ating mga buntis na ina tungo sa isang ligtas, malusog, at masayang pagbubuntis.

Pinangunahan ito ng ating masipag na Punong Barangay Elmer Opiña, katuwang ang ating mga dedikadong Barangay Health Workers at ang ating Midwife Wiena Lao, sa ating BNS Lovely Niedo, na walang sawang nagsisilbi para sa kapakanan ng bawat ina at sanggol sa ating barangay.

Layunin ng programang ito na mabigyan ang bawat buntis ng sapat na kaalaman tungkol sa tamang pangangalaga sa kanilang kalusugan at sa kalusugan ng kanilang dinadala. Sa pamamagitan ng mga health lectures, nutritional guidance, at iba pang mahahalagang impormasyon, hinihikayat ang mga ina na magkaroon ng regular na prenatal check-up, wastong nutrisyon, at malusog na pamumuhay upang mabawasan ang panganib sa pagbubuntis at matiyak ang ligtas na panganganak. Higit sa lahat, ang Buntis Party ay isang paraan ng ating barangay upang ipakita ang pagpapahalaga, suporta, at pagkalinga sa mga ina, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng isang malusog at matatag na komunidad.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mga katuwang mula sa Biñan City Hospital Francis Sanares, MD, City Population Office of BIÑAN, Biñan City Nutrition Action Office, BiñanCity Agriculture, at Biñan City Health Office, gayundin sa kanilang mga Department Heads, at maraming salamat din po sa aming CSO partnership sa kalusugan ng ating barangay ang Mother Ignacia Medical and Diagnostic Center,

Maraming salamat pong muli sa paglalaan ng inyong oras, pagbabahagi ng inyong kaalaman, at patuloy na suporta upang mabigyan ng makabuluhang gabay ang aming mga buntis na kababayan. Ang inyong pakikiisa ay patunay na sa sama-samang pagtutulungan, mas mapapalakas natin ang pangangalaga sa kalusugan ng bawat ina at sanggol.




𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗔𝗧𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦! 𝗚𝗿𝗲𝗰𝗲𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗹𝗶𝘆𝗮𝗵!Isang taos-pusong pagbati mula sa Punong Barangay Elmer Opiña sa ating mga kabarangay...
30/07/2026

𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗔𝗧𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦! 𝗚𝗿𝗲𝗰𝗲𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗹𝗶𝘆𝗮𝗵!

Isang taos-pusong pagbati mula sa Punong Barangay Elmer Opiña sa ating mga kabarangay na nagbigay ng karangalan sa Barangay Bungahan sa pagtatapos ng National Disability Rights (NDR) Week 2026.

𝗔𝗹𝗶𝘆𝗮𝗵 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗼𝘀 – 2nd Place, Chess Tournament
𝗚𝗿𝗲𝗰𝗲𝗹 𝗦. 𝗥𝗲𝘆𝗲𝘀 – Distinguished Finalist for Most Outstanding Person with Disability (PWD) 2026

Ang inyong dedikasyon, husay, at inspirasyon ay patunay na walang limitasyon ang kakayahan ng bawat isa. Kayo ay tunay na ipinagmamalaki ng buong Barangay Bungahan.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating Punong Lungsod, Mayor Gel Alonte, sa patuloy na suporta sa mga programa para sa Persons with Disability. Gayundin, taos-pusong pasasalamat kina Ma'am Olay Casbadillo, Sir Joeffy Salandanan, at BM B**g Bejasa sa kanilang walang sawang paglilingkod at pagsuporta upang maging matagumpay ang pagdiriwang ng National Disability Rights Week 2026.

Patuloy nating isulong ang isang komunidad na inklusibo, may pantay na oportunidad, at nagbibigay-halaga sa kakayahan ng bawat mamamayan.




29/07/2026

📢 FAMILY PLANNING CARAVAN 💜

Mga kababaihan ng Brgy. Bungahan, inaanyayahan kayong makiisa sa ating Family Planning Caravan para sa Progestin Subdermal Implant Insertion, Removal, at Re-insertion.

🗓 Petsa: August 28, 2026🕗 Oras: 8:00 AM📍 Lugar: Sto. Tomas Health Center

📌 PAALALA: Bago makasali sa caravan, kinakailangang magtungo muna sa Bungahan Health Center para sa screening ng ating Midwife upang matiyak na kayo ay angkop para sa serbisyo.

📄 Huwag kalimutang magdala ng inyong PhilHealth ID sa araw ng screening.

Ang family planning ay ligtas, epektibo, at tumutulong sa tamang pagpaplano ng pamilya at kalusugan ng ina.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Bungahan Health Center o makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Workers.

29/07/2026

CHED TULONG DUNONG (TDP) OPEN FOR APPLICATION
SA BIÑAN CONGRESSIONAL DISTRICT OFFICE

QUALIFICATIONS

- Residente ng Biñan

- Kasalukuyang 𝟐𝐍𝐃 𝐘𝐄𝐀𝐑 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐆𝐄 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 (1st Semester SY 2026-2027) na naka-enroll sa anumang undergraduate degree
program sa mga SUCs, CHED Recognized LUCs, o PHEIs.

- Hindi benepisyaryo ng kahit anong government-funded scholarship program na may kagayang benipisyo.

REQUIREMENTS

- Certified True Copy (CTC) ng Certificate of Registration
1st Semester SY 2026-2027.

- Photocopy of School ID

- Photocopy of ANY Government ID

- Barangay Certificate of Indigency

- 3 COPIES of 2X2 LATEST PICTURE

MAGTUNGO LAMANG PO SA BIÑAN CONGRESSIONAL DISTRICT OFFICE UPANG IPASA ANG INYONG MGA REQUIREMENTS.

LIMITED SLOTS ONLY

29/07/2026

🤰💖 BUNTIS PARTY 2026 💖🤰

📣 Calling all pregnant moms ng Brgy. Bungahan!

Inaanyayahan namin kayo sa ating Buntis Party na puno ng kaalaman, saya, suporta, at mga handog para sa ating mga magiging nanay.

📅 Date: July 31, 2026 (Friday)
🕗 Time: 8:00 AM
📍 Venue: Brgy. Hall Conference Room

🎁 May mga exciting activities, health education, buntis kits, at iba pang sorpresa para sa mga dadalo!

📝 MAGPALISTA NA SA BUNGAHAN HEALTH CENTER!
Limited slots only.

❤️ Healthy Nanay, Healthy Baby, Healthy Family!

See you, mga Mommy! 🤱🌸


𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗩𝗘𝗚𝗘𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘𝗦  |  𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡Bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Nutrition Month, pinanguna...
29/07/2026

𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗩𝗘𝗚𝗘𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘𝗦 | 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Nutrition Month, pinangunahan ng ating Punong Barangay Elmer Opiña, katuwang sina Barangay Nutrition Scholar (BNS) Lovely Niedo, Midwife Wiena Lao, at Child Development Worker Nora Masaling, ang pamamahagi ng masusustansyang gulay sa ating mga daycare students.

Ang gawaing ito ay naglalayong mahikayat ang mga bata at kanilang mga magulang na pahalagahan ang wastong nutrisyon at gawing bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ang pagkain ng masustansyang gulay. Sa pamamagitan ng simpleng handog na ito, inaasahan nating mas mapapalakas ang kalusugan ng ating mga kabataan at maitataguyod ang tamang pagkain bilang pundasyon ng kanilang paglaki at pag-unlad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa mga aktibidad ng Nutrition Month. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating isabuhay ang wastong nutrisyon para sa isang mas malusog at mas matatag na Barangay Bungahan.

"𝘍𝘰𝘰𝘥 𝘢𝘵 𝘕𝘶𝘵𝘳𝘪𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘚𝘦𝘤𝘶𝘳𝘪𝘵𝘺, 𝘔𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘳𝘪𝘰𝘳𝘪𝘵𝘺! 𝘚𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯, 𝘒𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘯!"




Address

Brgy. Bungahan
Binãn
4024

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 5am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Bungahan, City of Biñan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share