Barangay Dela Paz

Call Directions Contact the organization

Barangay Dela Paz Official Page of Barangay Dela Paz City of Binan Laguna

🚨 NAWAWALA / LOST PHONE - PLEASE HELP 🚨NAHULOG PO BANDANG P. PATERNO!Magandang araw po, baka po may nakapulot ng cellpho...
22/10/2026

🚨 NAWAWALA / LOST PHONE - PLEASE HELP 🚨

NAHULOG PO BANDANG P. PATERNO!

Magandang araw po, baka po may nakapulot ng cellphone ko kanina. Pakiusap po paki-balik πŸ™

PALATANDAAN NG PHONE:

> πŸ“± INFINIX NOTE 60 PRO - BLUE
> πŸ”΅ Clear Case na may PUTING MAGNET sa likod
> πŸ‘§ May 1x1 PICTURE NG BABAE na nakalagay sa loob
> πŸ”’ Wallpaper: Kaming dalawa ng GF ko na nakatalikod
> πŸ•’ Orasan sa Lock Screen: KULAY PINK
> πŸ’” May CRACK ang tempered sa taas, bandang front camera

Kung sino man po ang nakapulot, parang awa nyo na po...

Paki-contact po:
CEDRIC RODIO
πŸ“ž 0985-547-5375

Meron pong kaunting PABUYA sa makakapag-sauli. Napakahalaga po ng mga laman ng phone na yon.

Paki-SHARE po ng post na ito para mas mabilis makita. Maraming salamat po! πŸ˜­πŸ™

*πŸ“’ PAALALA / LOST AND FOUND πŸ“’**Baka po may nakakakilala!*May *nakitang bag* sa *Barangay San Vicente, Ipil*. Ang bag po ...
22/10/2026

*πŸ“’ PAALALA / LOST AND FOUND πŸ“’*

*Baka po may nakakakilala!*

May *nakitang bag* sa *Barangay San Vicente, Ipil*. Ang bag po ay may pangalang:

*RAMON MARFIL IPIL*

Ang nasabing bag at mga gamit ay kasalukuyang nasa pangangalaga po ng *Barangay San Vicente*.

Mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa Barangay Hall ng San Vicente o mag-message po sa page na ito para sa pag-claim. Mangyaring magdala po ng valid ID bilang patunay ng pagmamay-ari. πŸ’™

PAGSASAGAWA NG BARANGAY FULL DISCLOSURE POLICY BOARD AT SK FULL PUBLIC DISCLOSURE POLICY BOARD INSPECTION (1st & 2nd QUA...
21/10/2026

PAGSASAGAWA NG BARANGAY FULL DISCLOSURE POLICY BOARD AT SK FULL PUBLIC DISCLOSURE POLICY BOARD INSPECTION (1st & 2nd QUARTER) AT INVENTORY NG BARANGAY AT SK PROPERTIES, FINANCIAL RECORDS, DOKUMENTO AT MONEY ACCOUNTABILITY.

Oktubre 21, 2026 | Barangay Dela Paz, Lungsod ng BiΓ±an, Laguna*

Ngayong araw, Oktubre 21, 2026, matagumpay na naisagawa sa Barangay Dela Paz, Lungsod ng BiΓ±an, Laguna ang Inspeksyon ng Barangay Full Disclosure Policy Board at SK Full Public Disclosure Policy Board para sa 1st at 2nd Quarter Documents kasabay ng Inventory ng mga Ari-arian, Financial Records, Dokumento at Money Accountability ng Barangay at SK.

Pinangunahan ito ng Sangguniang Barangay ng Dela Paz sa pamumuno ng ating Punong Barangay Gino Hernandez Guico kasama ang Sangguniang Barangay Members, SK Chairperson at SK Council, Barangay Secretary at Barangay Treasurer, katuwang ang DILG Lungsod ng BiΓ±an, City Accounting office at ang *City YASDO Office (Youth Affairs and Sports Development Office).*

Layunin ng aktibidad na ito na masiguro ang transparency, accountability, at maayos na pamamahala ng pondo, ari-arian at dokumento ng Barangay at Sangguniang Kabataan, alinsunod sa patakaran ng Full Disclosure Policy ng DILG.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa DILG Lungsod ng BiΓ±an, City Accounting office at sa City YASDO Office sa kanilang patuloy na gabay at suporta para sa tapat at maayos na paglilingkod sa ating mga kabarangay.

Bilang pagtugon sa ating mga ka-barangay na humingi ng tulong para maisaayos ang mga nagpuputukan na wire agad po natin ...
16/10/2026

Bilang pagtugon sa ating mga ka-barangay na humingi ng tulong para maisaayos ang mga nagpuputukan na wire agad po natin nireport sa meralco sa pangunguna ng ating Kapitan Gino Hernandez Guico kasama ang buong Sangguniang barangay para maayos at hindi na magdala ng pangamba o pagkasunog sa lugar ng Sitio Pulo sinamahan natin ang meralco hanggang sa matapos gawin at palitan ang mga sunog na kable ng kuryente. πŸ’™

πŸ“’ ABISO PUBLIKO | NOTICE OF ROAD CLOSUREIpinapaalam sa lahat ng mga motorista at residente na sa Miyerkules, Oktubre 14,...
11/10/2026

πŸ“’ ABISO PUBLIKO | NOTICE OF ROAD CLOSURE

Ipinapaalam sa lahat ng mga motorista at residente na sa Miyerkules, Oktubre 14, 2026, pansamantalang isasara ang mga kalsada sa Sta. Bernardita at Sta. Catalina upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng Drainage Canal Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat, planuhin ang biyahe, at gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Para sa kaalaman ng lahat.




10/10/2026

Pabatid:
Wala po muna tayong LIBRENG Konsulta bukas sa kadahilanan po na wala si Doktora po bukas.
Salamat po πŸ’™
Next week nalang po ulit. πŸ’™

08/10/2026

πŸ’™πŸ“’ *ABISO: CHECK-UP NG BUNTIS* πŸ’™πŸ“’

πŸ’™Paumanhin po mga Ka-Barangay, walang check-up ng buntis kanina *October 8* dahil nagkaroon po tayo ng *Libreng Implant* sa Barangay handog ng City Health Office 1 katuwang ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kap Gino Hernandez Guico.

πŸ’™πŸ‘‰ *Magkakaroon po ng CHECK-UP NG BUNTIS BUKAS, OCTOBER 9 sa Dela Paz Health Center.*

πŸ’™ Inaanyayahan po ang lahat ng buntis na pumunta bukas. Maraming salamat po sa pang-unawa! πŸ™ πŸ€°πŸ’™πŸ€

πŸ’™πŸ“’ π‹πˆππ‘π„ππ† πˆπŒππ‹π€ππ“ ππ†π€π˜πŽππ† 𝐀𝐑𝐀𝐖! πŸ’™πŸ“’πŸ’™ Handog ng City Health Office 1 katuwang ang buong Sangguniang Barangay sa pangungun...
08/10/2026

πŸ’™πŸ“’ π‹πˆππ‘π„ππ† πˆπŒππ‹π€ππ“ ππ†π€π˜πŽππ† 𝐀𝐑𝐀𝐖! πŸ’™πŸ“’

πŸ’™ Handog ng City Health Office 1 katuwang ang buong Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating Kapitan *Gino Hernandez Guico*.

πŸ’™ Inaanyayahan po ang lahat ng interesadong kababaihan na magtungo na ngayong araw sa ating Barangay Health Center para sa libreng implant service.

πŸ’™ Para sa mas ligtas at planadong pamilya, nandito kami para sa inyo!
πŸ’™ Kitakits po! πŸ™


Bukas na po! πŸ’™πŸ’™πŸ’™
07/10/2026

Bukas na po! πŸ’™πŸ’™πŸ’™

πŸ’™πŸ’› *LIBRENG IMPLANT | MAHAL KONG DELA PAZ* πŸ’›πŸ’™

Magandang araw, mga Ka-Barangay!

Inaanyayahan po ang lahat ng kababaihan na nais mag-avail ng *LIBRENG CONTRACEPTIVE IMPLANT* mula sa City Health office 1 Kasama ang buong Sangguniang Barangay at ang ating Kapitan Gino Hernandez Guico πŸ’™

πŸ—“οΈ *Kailan:* OCTOBER 8, 2026 (Huwebes)
⏰ *Oras:* 8:00 AM hanggang 12:00 NOON
πŸ“ *Saan:* DELA PAZ HEALTH CENTER, City of BiΓ±an, Laguna

πŸ“Œ *PAALALA / REQUIREMENTS:*
KUNG MAY PHILHEALTH PO KAYO P**I DALA PO ANG ID
*KAHIT WALA PONG ID, OKEY LANG PO!* Pwede pa rin po kayong mag-avail.

βœ… Ligtas at epektibo hanggang 3 taon
βœ… Libre ang konsulta at pagkabit
βœ… Confidential at safe

First come, first served. Limited slots lang po kaya agahan po natin.

Para sa katanungan, mag-message lamang po o magpunta sa ating Health Center.


Address

BinΓ£n
4024

Telephone

+639858496438

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Dela Paz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Dela Paz:

Shortcuts

Share