Barangay Mamplasan City of Biñan

Barangay Mamplasan City of Biñan Barangay Mamplasan Contact No. : 0947-113-1019
BHERT Conctact No. : 0906-374-6816

03/09/2026

TEAM BUILDING AND SEMINAR 2026

SEPTEMBER 2, 2026 | WEDNESDAYPatuloy ang pangangalaga sa kalinisan at kagandahan ng ating mga kalsada sa pamamagitan ng ...
02/09/2026

SEPTEMBER 2, 2026 | WEDNESDAY

Patuloy ang pangangalaga sa kalinisan at kagandahan ng ating mga kalsada sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga plastic bottle mula sa mga trash bins sa kahabaan ng LIIP Avenue, sa tapat ng Print Town. Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Barangay Mamplasan upang mapanatiling malinis, maayos, at kaaya-aya ang ating kapaligiran sa pamumuno ni Punong Barangay Evelyn Dicdican.

Sama-sama nating panatilihing malinis ang ating barangay, disiplina at wastong pagtatapon ng basura ay responsibilidad ng bawat isa.

02/09/2026
SEPTEMBER NA! VIVA SAN GABRIEL ARCANGHEL!
31/08/2026

SEPTEMBER NA! VIVA SAN GABRIEL ARCANGHEL!

📄 Maaaring i-view ang kumpletong Alituntunin at Mekaniks dito:https://drive.google.com/file/d/1bYEZmIJ69ENA8ipCIYeO6a04w...
29/08/2026

📄 Maaaring i-view ang kumpletong Alituntunin at Mekaniks dito:
https://drive.google.com/file/d/1bYEZmIJ69ENA8ipCIYeO6a04wuW6AMv5/view?usp=sharing

BATTLE OF THE BANDS 2026

Para sa lahat ng interesadong banda, mangyaring basahin at unawaing mabuti ang opisyal na Alituntunin at Mekaniks ng Battle of the Bands 2026 bago magsumite ng inyong audition at registration requirements. Ang lahat ng proseso ng screening, pagpili ng official participants, confirmation, registration, at iba pang mahahalagang detalye ay nakasaad sa kumpletong mechanics.

📩 Para sa mga katanungan at paglilinaw, mangyaring makipag-ugnayan sa pamamagitan lamang ng aming opisyal na Email at Messenger upang masigurong maayos at documented ang lahat ng komunikasyon.

📄 Maaaring i-view ang kumpletong Alituntunin at Mekaniks dito:

https://drive.google.com/file/d/1bYEZmIJ69ENA8ipCIYeO6a04wuW6AMv5/view?usp=sharing

Ihanda ang inyong banda, ipakita ang inyong talento, at baka kayo na ang mapabilang sa 10 official bands na haharap sa entablado ngayong Fiesta Week Celebration ng Barangay Mamplasan!

29/08/2026

𝗪𝗔𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗢 𝗢 𝗠𝗔𝗚𝗟𝗔𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔 — 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬!

Ang baha ay maaaring kontaminado ng ihi ng daga na maaaring magdulot ng Leptospirosis, isang sakit na maaaring maging malubha at nakamamatay.

- Iwasang maligo, lumusong, o maglaro sa baha.
- Takpan ang sugat o gasgas at gumamit ng bota bago lumabas.
- Maghugas agad gamit ang malinis na tubig at sabon kung na-expose sa baha.
- Kapag nakaranas ng lagnat, pananakit ng katawan o binti, sakit ng ulo, pamumula ng mata, o pagsusuka matapos ma-expose sa baha, magpatingin agad sa health center o ospital.

𝐊𝐚𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐦𝐮𝐧𝐚, 𝐁𝐢ñ𝐚𝐧! 𝐈𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐩𝐭𝐨𝐬𝐩𝐢𝐫𝐨𝐬𝐢𝐬!

Sa pangunguna ni Mayor GEL Alonte, katuwang si Dr. Arlene Alonte Ancheta, City Health Officer, patuloy ang Biñan City Health Office sa pagbibigay ng impormasyon at proteksyon para sa kalusugan ng bawat Biñense.

"𝙂𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙀𝙥𝙚𝙠𝙩𝙞𝙗𝙤𝙣𝙜 𝙇𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙆𝙖𝙡𝙪𝙨𝙪𝙜𝙖𝙣".

29/08/2026
29/08/2026

**BARANGAY ADVISORY:**
Ang ating lungsod ay kasalukuyang nasa **ORANGE RAINFALL WARNING**. Inaasahan ang malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha. Pinapayuhan ang lahat na manatili sa ligtas na lugar at maging alerto sa mga abiso ng barangay at awtoridad.

**EMERGENCY HOTLINES:**
Barangay Hotline: 0947-113-1019
City DRRMO: 0968-185-8911/0917-120-8911
BFP Biñan: 0992-419-3585/0916-211-1879
PNP Biñan: 0998-598-5631/0916-261-9833

Address

Purok 1 Brgy. Mamplasan
Binãn
4024

Telephone

+639958966374

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Mamplasan City of Biñan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Mamplasan City of Biñan:

Shortcuts

Share