24/08/2026
𝐁𝐈Ñ𝐀𝐍, 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐑𝐄-𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐅𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐔𝐒 𝐃𝐈𝐒𝐄𝐀𝐒𝐄𝐒!
August 24, 2026 | Isang mahalagang pagpupulong ang isinagawa ng Biñan City Health Office kasama ang Biñan City Disaster Risk Reduction and Management Office - BinanC3 (CDRRMO) upang talakayin ang kahandaan ng Lungsod ng Biñan sa pagtugon sa 𝙀𝙢𝙚𝙧𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙙 𝙍𝙚-𝙚𝙢𝙚𝙧𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙄𝙣𝙛𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙪𝙨 𝘿𝙞𝙨𝙚𝙖𝙨𝙚𝙨 (𝙀𝙍𝙀𝙄𝘿𝙨).
Kasama si DMO IV Rene Fernando ng DOH CHD CALABARZON, napag-usapan ang pagpapalakas ng koordinasyon, disease surveillance, preparedness, at response mechanisms ng lungsod.
Tinalakay rin ang pagsusuri sa kahandaan ng mga government at private hospitals sa Biñan, kabilang ang kanilang kakayahan sa detection, isolation, referral, infection prevention and control, at response sa mga posibleng EREID cases.
Bilang bahagi ng paghahanda, napag-usapan din ang pagsasagawa ng EREID Drill upang masubok at mapalakas ang coordination, communication, at response capabilities ng mga health facilities at concerned agencies.
Sa pamumuno ni Mayor GEL Alonte at sa pangunguna ni Dr. Arlene Alonte Ancheta, City Health Officer, patuloy nating pinapalakas ang kahandaan ng Biñan para sa anumang banta sa kalusugan.
𝙂𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙀𝙥𝙚𝙠𝙩𝙞𝙗𝙤𝙣𝙜 𝙇𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙆𝙖𝙡𝙪𝙨𝙪𝙜𝙖𝙣!