03/09/2026
𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟎𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐅𝐎𝐆𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐉𝐔𝐁𝐈𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐖𝐄𝐒𝐓!
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kgg. Angelito A. Naval, kasama sina Kgg. Alvin S. Heredia at Kgg. Aga D. Naval, matagumpay nating naisagawa kanina ang Anti-Dengue Fogging Operation sa buong Jubilation West para mapanatiling safe at mosquito-free ang ating subdivision.
QUICK REMINDERS LANG PO ALANG-ALANG SA LAHAT:
🟢Hugas at Takip: Hugasan nang mabuti ang mga plato at utensils, at siguraduhing nakatakip ang mga inumin at pagkain.
🟢TAng ginawang fogging kanina ay para sa mga adult na lamok lamang. Upang mapigilan ang muling pagdami ng mga ito, paki-suri ang ating mga paso, lumang gulong, timba, at iba pang lalagyan—itapon ang mga nakaimbak na tubig na maaaring panggalingan ng mga kiti-kiti!
🟢Health First: Kapag may nakaramdam ng lagnat o pananakit ng katawan, wag mag-atubiling pumunta sa ating Health Center.
Maraming salamat sa mainit na kooperasyon ng bawat pamilya sa Jubilation West! Tuloy-tuloy lang ang ating pag-iingat at pagtutulungan!
Dahil sa bagong pamunuan ng Barangay Zapote ang lahat ay may partisipasyon!