04/08/2025
Ang buwan ng Agosto ay Pambansang Buwan ng Kasaysayan! 🇵🇭
Sa paggunita ng Pambansang Buwan ng Kasaysayan 2025, inaalala natin hindi lamang ang mga dakilang pangyayari at bayani ng ating nakaraan, kundi pati na rin ang patuloy na papel ng kabataan sa pagsusulat ng kasaysayan ng kasalukuyan at hinaharap.
Ang kasaysayan ay hindi lamang mga pahina ng kahapon. Ito ay buhay na alaala, aral at gabay. At sa puso ng bawat kabataang Pilipino, naroroon ang sigla ng bayan na patuloy na lumalaban, lumilikha at nagmamahal sa Inang Bayan.
MALIGAYANG BUWAN NG KASAYSAYAN!!!