City Human Settlements and Livelihood Office-Biñan

City Human Settlements and Livelihood Office-Biñan Your go-to source for the latest updates, resources, and assistance on government housing programs.

We provide valuable information on affordable housing, homeownership assistance, and community development initiatives.

07/08/2026
06/08/2026
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Panlungsod na Tanggapan ng Pananahanang Pantao at Pangkabuhayan (City Human S...
05/08/2026

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Panlungsod na Tanggapan ng Pananahanang Pantao at Pangkabuhayan (City Human Settlements and Livelihood Office - CHSLO) kay Sir Jimmy Manes, SHFC Vice President for South Luzon, sa pagbibigay ng oras at pagbabahagi ng mahalagang impormasyon bilang espesyal na panauhin sa "TAHANAN,"isang Radyo Biñan segment na naglalayong magbigay ng makabuluhang impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyong pangpabahay para sa ating mga kababayan.

Lubos din po naming pinasasalamatan sina Sir James Mabulay, SHFC Manager, at Ma'am Brenda Amo, OIC-Chief, Loan Administration, sa kanilang pakikiisa at pagbabahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa mga programa at serbisyong hatid ng Social Housing Finance Corporation para sa ating mga kababayan.





Nawa'y maging espesyal ang araw na ito at pagpalain ka ng Diyos ng marami pang kaarawan !🥳🥳🥳
03/08/2026

Nawa'y maging espesyal ang araw na ito at pagpalain ka ng Diyos ng marami pang kaarawan !🥳🥳🥳

Abangan ang paparating na kabanata ng "TAHANAN"!Inaanyayahan namin ang lahat na tumutok sa Radyo Biñan ngayong Agosto 4,...
03/08/2026

Abangan ang paparating na kabanata ng "TAHANAN"!

Inaanyayahan namin ang lahat na tumutok sa Radyo Biñan ngayong Agosto 4, 2026 (Martes), 1:00 ng hapon para sa panibagong yugto ng TAHANAN.

Makakasama natin bilang espesyal na panauhin si Ginoong Jimmy Manes, SHFC Vice President for South Luzon, na magbabahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyong makatutulong sa ating mga Homeowners Associations at mga pamilyang nangangarap ng ligtas at maayos na tahanan.

📻 Manood at makinig!






Noong Linggo, August 2, 2026, naging bahagi ang Panlungsod na Tanggapan ng Pananahanang Pantao at Pangkabuhayan (City Hu...
03/08/2026

Noong Linggo, August 2, 2026, naging bahagi ang Panlungsod na Tanggapan ng Pananahanang Pantao at Pangkabuhayan (City Human Settlements and Livelihood Office - CHSLO) sa Pangkalahatang Pagpupulong ng Best Town Homeowners Association Inc. (HOAI) bilang isa sa mga inimbitahang panauhin.

Patuloy ang aming tanggapan sa pakikipag-ugnayan at pakikiisa sa ating mga Homeowners Associations upang maihatid ang mga mahahalagang impormasyon, mapalakas ang ugnayan ng komunidad, at maisulong ang maayos na pamamahala sa bawat samahan.

Noong ika-2 ng Agosto, araw ng Linggo, ay nagsagawa ng Collection Campaign at pamamahagi ng mga Sertipiko ng Pagsasanay ...
03/08/2026

Noong ika-2 ng Agosto, araw ng Linggo, ay nagsagawa ng Collection Campaign at pamamahagi ng mga Sertipiko ng Pagsasanay ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) sa mga benepisyaryo, sa tulong at pakikipag-ugnayan ng Panlungsod na Tanggapan ng Pananahanang Pantao at Pangkabuhayan (City Human Settlements and Livelihood Office - CHSLO).

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa sipag, disiplina, at pagtupad ng mga benepisyaryo sa kanilang mga obligasyon bilang mga responsableng may-ari ng tahanan. Patuloy ding ipinapakita ng SHFC at CHSLO ang kanilang matatag na pagtutulungan upang maisulong ang ligtas, maayos, at pangmatagalang pabahay para sa mga mamamayan ng Lungsod ng Biñan.

Ngayong araw, matagumpay na naisagawa ang ELECOM Orientation para sa Villa Agila HOAI, Pragmatic Labas HOAI, at Dreamlan...
29/07/2026

Ngayong araw, matagumpay na naisagawa ang ELECOM Orientation para sa Villa Agila HOAI, Pragmatic Labas HOAI, at Dreamland2 HOAI sa pangunguna ng City Human Settlements and Livelihood Office (CHSLO).
Layunin ng orientation na maihanda ang bawat samahan sa maayos, transparent, at organisadong pagdaraos ng kanilang halalan. Tinalakay dito ang mahahalagang proseso, guidelines, at responsibilidad ng Election Committee upang masiguro ang patas at maayos na eleksyon sa kanilang mga komunidad.

HOA CONCERNS AND CONSULTATIONSMalugod na tinanggap ng City Human Settlements and Livelihood Office ang mga kinatawan mul...
29/07/2026

HOA CONCERNS AND CONSULTATIONS
Malugod na tinanggap ng City Human Settlements and Livelihood Office ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang Homeowners Associations (HOAs) sa Biñan upang humingi ng gabay at payo kaugnay ng kanilang mga suliranin at alalahanin sa kanilang mga samahan.
Patuloy na naninindigan ang tanggapan sa kanyang pangakong suportahan at palakasin ang mga komunidad sa pamamagitan ng wastong impormasyon, maayos na koordinasyon, at sama-samang pagtutulungan

July 25, 2026 | Community Assembly and Final Briefing with the 12 Project Affected Persons (PAPs) from Barangay San Vice...
28/07/2026

July 25, 2026 | Community Assembly and Final Briefing with the 12 Project Affected Persons (PAPs) from Barangay San Vicente for their permanent relocation to The Meadow, Barangay Langkiwa.

The activity discussed the project implementation procedures, addressed the questions and concerns of the PAPs, and ensured that all beneficiaries were fully informed of the next steps in the relocation process.

Address

3rd Floor Biñan City Hall Compd. Barangay Zapote
Binãn
4024

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Human Settlements and Livelihood Office-Biñan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share