City Population Office of BIÑAN

City Population Office of BIÑAN City Population Office of Binan.

Programs: Pre-Marriage Counselling; Responsible Parenthood: Adolescent Health and Development; Population Development Integration

03 Setyembre 2026 || Sa patnubay ng City Leadership Team Chairman at Mayor GEL Alonte, MPA, at sa pangunguna ni Concurre...
03/09/2026

03 Setyembre 2026 || Sa patnubay ng City Leadership Team Chairman at Mayor GEL Alonte, MPA, at sa pangunguna ni Concurrent Acting City Population Officer Ms. Ma. Fritzie R. Javier, MPA, matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad na nilahukan ng mga mag-aaral ng paaralan.

Isinagawa ng Biñan City Senior High School - San Antonio Campus ang seminar na pinamagatang “Malusog na Kabataan, Matatag na Kinabukasan,” kung saan inimbitahan ang City Population Office bilang katuwang sa pagbibigay ng mahahalagang kaalaman at impormasyon para sa mga kabataan.

Kasabay rin ng aktibidad ang pagpapakilala ng Walking Teen Kiosk, isang inisyatiba ng City Population Office na naglalayong ilapit sa mga kabataan sa bawat paaralan ang mga makabuluhang impormasyon, programa, at serbisyong nakatuon sa kanilang kalusugan, kapakanan, at pag-unlad.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa mga g**o at pamunuan ng Biñan City Senior High School - San Antonio Campus sa kanilang mainit na pagtanggap at pakikipagtulungan, lalo na kina Ms. Eleonofebiatriz A. Marasigan, Assistant Principal II; Ms. Johnelie I. Abrera, Assistant School Principal; Ms. Precy C. Calvez, RGC, LPT, Guidance Counselor, Teen Center Coordinator, at Mental Health Coordinator ng paaralan, at kay Mr. Sam A. Marcellana, PhDN, RN, DM, CMHA, HACT Coordinator ng Biñan City Hospital.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy nating mabibigyan ang kabataan ng tamang kaalaman, suporta, at serbisyong kinakailangan upang maging malusog, responsable, at handa sa pagharap sa kinabukasan.






SETYEMBRE 3, 2026 || Sa ilalim ng pamumuno ng ating City Leadership Team Chairman at Punong Lungsod, Hon. Angelo “GEL” B...
03/09/2026

SETYEMBRE 3, 2026 || Sa ilalim ng pamumuno ng ating City Leadership Team Chairman at Punong Lungsod, Hon. Angelo “GEL” B. Alonte, MPA, matagumpay na isinagawa ng Tanggapang Pampopulasyon ng Lungsod ng Biñan ang Pre-Marriage Orientation (PMO) sa pamamahala ni Gng. Ma. Fritzie R. Javier, Acting City Population Officer.

Pinangunahan ang sesyon ng mga akreditadong kasapi ng Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) Team, na kinabibilangan nina:G. Hilario D. Pantua, Jr., MPA – PPO III; Bb. Gladys Caspe – Agricultural Technologist I;Gng. Gladeewyn F. Decena – CSWDO;Gng. Raquel San Pascual, RN – City Health Office (CHO); G. Genaro Reyes – Administrative Aide II

Sa isinagawang oryentasyon, tinalakay ng PMOC Team ang mahahalagang paksa bilang paghahanda ng mga magkapareha sa buhay may-asawa, kabilang ang:
Marriage and Relationships
Responsible Parenthood and Home Management
Family Planning, Maternal, Newborn, Child Health and Nutrition (MNCHN), at HIV/AIDS Awareness
Violence Against Women and Children (VAWC)
Application for Marriage License

May kabuuang labing-anim (16) na magkapareha na nagnanais magpakasal ang nakiisa sa nasabing programa. Layunin ng PMO na mabigyan ang mga prospective couples ng sapat na kaalaman, gabay, at paghahanda upang harapin ang mga responsibilidad ng buhay may-asawa at pagiging magulang.

🌿 Pakikilahok ng City Population Office sa Simultaneous Clean-up Drive  Nakikiisa ang City Population Office sa Simultan...
03/09/2026

🌿 Pakikilahok ng City Population Office sa Simultaneous Clean-up Drive

Nakikiisa ang City Population Office sa Simultaneous Clean-Up Drive ngayong September 3, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 120th Philippine Civil Service Anniversary.

Sama-sama sa bayanihan para sa malinis at maayos na pamayanan. 🧹🌱

Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan! 🇵🇭

📚 LEARNING BITES | RESPONSIBLE PARENTHOOD & FAMILY PLANNINGNakikiisa ang City Population Office sa Learning Bites initia...
28/08/2026

📚 LEARNING BITES | RESPONSIBLE PARENTHOOD & FAMILY PLANNING

Nakikiisa ang City Population Office sa Learning Bites initiatives ng CHRDO, bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na maghatid ng makabuluhang kaalaman at impormasyon sa mga kawani.

Sa patnubay ng City Leadership Team Chairman at Mayor GEL Alonte, MPA, at sa gabay ni Concurrent Acting City Population Officer Ms. Ma. Fritzie R. Javier, MPA, patuloy na isinusulong ng City Population Office ang mga programa para sa Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP).

Para sa learning session na ito, tampok ang Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP), isang mahalagang programa ng City Population Office na naglalayong palawakin ang kaalaman tungkol sa responsableng pagpapamilya, wastong pagpaplano, at paggawa ng mga responsableng desisyon para sa pamilya.

Sa pamamagitan ng makabuluhang online learning session na pinangunahan ni Clinic Nurse,
Ms. Sachi Hidalgo, nabigyan ang mga kalahok ng mahahalagang impormasyon na makatutulong sa paggawa ng responsableng desisyon para sa kanilang sarili, pamilya, at kinabukasan. Pasasalamat din para kay Ms. Mylin Mirasol Quiray, mula sa CPD Central Office, para sa mga learning materials na nagbigay na mahahalagang impormasyon.

Taos-pusong pasasalamat kay Ms. Jenny Anne B. Sarmiento, MPsy, CHRDO Head, sa kanyang patuloy na pamumuno, suporta, at paggabay na naging mahalagang bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng inisyatibong ito.







28/08/2026

📢 FAMILY PLANNING: PLANADO, PROTEKTADO, PANALO! 💚💙

Inaanyayahan po namin ang lahat ng BIÑAN CITY HALL EMPLOYEES na makiisa at maging bahagi ng isang makabuluhang talakayan tungkol sa Responsible Parenthood and Family Planning.

Tayo na’t makinig, matuto, at makiisa sa serbisyong hatid ng City Population Office of Biñan! 🫶

📺 Abangan ngayong 1:00 PM sa HRDO BIÑAN YouTube Channel!

📌 Paalala:
Para sa ating attendance at online feedback, ang mga form ay nasa “Description” Section ng youtube video post. Huwag kalimutang sagutan ang mga ito pagkatapos ng session. 📝

✨ Planado. Protektado. Panalo!
Dahil ang responsableng pagpaplano ng pamilya ay susi sa mas maayos, ligtas, at masaganang kinabukasan. 👨‍👩‍👧‍👦💚

Ito po ang link:

Agosto 27, 2026 Isinagawa ang Pre-Marriage Orientation (PMO) ng mga akreditadong kasapi ng Pangkat ng Pre-Marriage Orien...
27/08/2026

Agosto 27, 2026

Isinagawa ang Pre-Marriage Orientation (PMO) ng mga akreditadong kasapi ng Pangkat ng Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) ng Lungsod ng Biñan. Ang sesyon ay pinangunahan nina G. Hilario D. Pantua, Jr., MPA-PPO III; Bb. Gladys Caspe, Agricultural Technologist I;Gng. Gladeewyn F. Decena, CSWD; Gng. Raquel San Pascual,RN, City Health Office (CHO); G. Genaro Reyes, Administrative Aide II; at si Gng. Gemma Nieto ng Local Civil Registrar

Sa panahon ng oryentasyon, tinalakay ng Pangkat ng PMOC ang mga mahahalagang paksa na kailangan sa buhay may-asawa, kabilang ang:

Marriage and Relationships

Responsible Parenthood and Home Management

Family Planning and Maternal, Newborn, Child Health, and Nutrition, HIV/AIDS Awareness

Violence Against Women and Children

Application of Marriage License

May kabuuang labinlima(15) na magkapareha na nagnanais magpakasal ang nakilahok sa sesyon ng PMO. Nabigyan ang mga dumalo ng mahalagang kaalaman at gabay na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-aasawa, mapanagutang pagiging magulang, at pagtataguyod ng mapayapa, malusog, at matatag na buhay-pamilya.

| SI LOLO’T LOLA: Kabalikat sa Pag-aalaga ng PamilyaBilang bahagi ng pagdiriwang ng Family Planning Month 2026, matagump...
27/08/2026

| SI LOLO’T LOLA: Kabalikat sa Pag-aalaga ng Pamilya

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Family Planning Month 2026, matagumpay na isasagawa ang programang “Si Lolo’t Lola: Kabalikat sa Pag-aalaga ng Pamilya” sa 2nd Floor People’s Center, Biñan City Hall Compound, Brgy. Zapote, Biñan City, Laguna.

Sa patnubay ng City Leadership Team Chairman at Mayor GEL Alonte, MPA, at sa gabay ni Concurrent Acting City Population Officer Ms. Ma. Fritzie R. Javier, MPA, layunin ng programa na kilalanin ang mahalagang papel ng ating mga senior citizens sa pagbibigay ng tamang impormasyon, gabay, at suporta sa kanilang mga anak at apo tungkol sa responsableng pagiging magulang at pagpaplano ng pamilya.

Sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan at pagbabahagi ng kaalaman, binibigyang-diin ang papel ng mga lolo’t lola bilang katuwang sa paghubog ng responsableng magulang at matatag na pagpaplano ng pamilya.

Si Lolo’t Lola — Kabalikat sa Pag-aalaga, Gabay sa Responsableng Pagpapamilya at Matatag na Pagpaplano 💚






26 Agosto 2026 | KATROPA — Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya. 💙 Bilang bahagi ng pagdiriwan...
26/08/2026

26 Agosto 2026 | KATROPA — Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya. 💙

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Family Planning Month 2026, matagumpay na isinagawa ng City Population Office ang KATROPA (Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya) na kung saan bahagi ng pagsusulong ng Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP), mahalagang magkaroon ang bawat kumpanya at industriya ng mga programa at aktibidad na nakatuon sa adbokasiya ng family planning. Ang mga gawaing ito ay bahagi ng pagtugon at pagsunod ng lokal na pamahalaan sa Republic Act No. 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Act of 2012, kabilang ang pagsasagawa ng RPFP Classes.

Sa patnubay ng City Leadership Team Chairman at Mayor GEL Alonte, MPA, at sa gabay ni Concurrent Acting City Population Officer Ms. Ma. Fritzie R. Javier, MPA, naging makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng isang seminar na naglalayong palalimin ang kaalaman at kamalayan ng mga kalalakihan tungkol sa kanilang responsibilidad sa pamilya. Isinagawa rin ang Pampering Haircut bilang espesyal na handog sa mga kalahok.

Sa pamamagitan ng KATROPA, patuloy na binibigyang-diin ang mahalagang papel ng kalalakihan bilang katuwang sa Responsible Parenthood and Family Planning at sa pagtataguyod ng matatag na pamilya.





24/08/2026

Ngayong National Family Planning Month, ating isinusulong ang responsableng pagpapamilya at tamang kaalaman upang makabuo ng malusog, handa, at mas matatag na pamilyang Biñanense. 👨‍👩‍👧‍👦💗



#

24/08/2026

Address

City Hall Bldg
Binãn
4024

Telephone

63495135070

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Population Office of BIÑAN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City Population Office of BIÑAN:

Shortcuts

Share

Category