19/08/2026
📢 ALAM MO BA? MAY KARAPATAN KANG MAGSABI NG “TAMA NA.”
Ang karahasan laban sa kababaihan at mga bata ay hindi dapat balewalain, itago, o tiisin.
Kung ikaw o isang taong kilala mo ay nakakaranas ng:
🔴 Physical Abuse
🔴 Emotional o Psychological Abuse
🔴 Sexual Abuse
🔴 Economic Abuse
🔴 Pananakot, harassment, o anumang uri ng pang-aabuso
Hindi mo kailangang harapin ito nang mag-isa.
Bilang bahagi ng ating komunidad, mahalagang matuto tayong makinig, umunawa, at tumulong sa mga nangangailangan ng proteksyon at suporta.
🤝 Magsalita. Humingi ng tulong. Maging ligtas.
Ang VAWC Desk ay narito upang tumulong at magbigay ng tamang impormasyon at referral sa mga nangangailangan.
💜 Walang sinuman ang dapat mamuhay sa takot at karahasan.