15/08/2026
LINGGO NG KABATAAN 2026
Linggo ng Kabataan 2026 ay isang pagdiriwang na nagbibigay-halaga sa talento, at kakayahan ng mga kabataan. Sa temang “Youth Advancing Multilateral Cooperation Through Technology and Partnership,” hinihikayat ang bawat kabataan na makiisa, makipagtulungan, at gamitin ang kanilang mga kakayahan at teknolohiya para sa ikabubuti ng komunidad.
Ito ay panahon upang magsama-sama, matuto, magsaya, at makilahok sa mga gawaing nagpapalakas ng pagkakaisa at samahan. Bilang Kabataang Binalbaganon, sama-sama nating ipakita ang ating talento, malasakit, at pagiging aktibong bahagi ng komunidad.
Tayo ay may kakayahang gumawa ng pagbabago. Sa pagkakaisa at pagtutulungan, walang imposible para sa kabataan.
Kabataang Binalbaganon, magkaisa, makiisa, at manguna!💙
Padayon, Binalbaganon!✨