27/08/2026
Naka-Fillup nba lahat?
Ang link nasa baba👇🏻👇🏻
Mas bukas at mas malinaw na ang aplikasyon para sa TUPAD at AKAP ✨https://forms.gle/pvhXjQ5gviirwbi48
Hindi na lihim at hindi na din chismis.
Sa direksiyong itinakda ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan na pinangungunahan ng ating alkalde, mas pinalilinaw ngayon ang proseso ng aplikasyon para sa TUPAD at AKAP upang mas maraming pamilya ang magkaroon ng patas na pagkakataon.
Lahat, may pagkakataong makapag-apply.
Ginagawa natin ito upang:
1. Mas luminaw ang daloy ng tulong
2. Magkaroon ng tamang record ng mga nakatanggap o napili na
3. Mabigyan ang lahat ng pagkakataon, hindi paulit-ulit sa iilan habang may iba pang naghihintay
🔎PAALALA: Ilang bagay na dapat tandaan
Application pa lang po ito, hindi approval. Ang inyong aplikasyon ay subject for approval kapag naipasa na sa Pamahalaang Nasyonal.
1. May criteria batay sa totoong pangangailangan ng pamilya at kabuhayan. (Ang mga kawani ng DSWD ay may verification o imbestigasyon na ginagawa upang makumpirma ang tamang impormasyon)
2. Hindi ito paunahan, dahil ang tulong ay para sa mga mas hirap sa panahon na iyon.
3. Kung nakatanggap ka na dati, magbibigay-daan muna sa iba sa susunod.
Sa ganitong paraan at sa pagbubukas ng digital application forms, mas mabilis nang makakapag-verify at mas marami na magkakaron ng pagkakataong maabot ng tulong mula sa Nasyonal na Pamahalaan.
Wala ng SANA ALL.
💙