ESIB Russel Callanta Ynares and Binangonan Action Center Volunteers

ESIB Russel Callanta Ynares and Binangonan Action Center Volunteers Official FB page of Vice Mayor Russel Callanta Ynares
(651)

๐Ÿ’ƒ Kabataan, Naglilingkod sa Pamamagitan ng Debosyon at SayawBumisita ang Los Bailadores de Sta. Ursula kay Vice Mayor Ru...
07/09/2026

๐Ÿ’ƒ Kabataan, Naglilingkod sa Pamamagitan ng Debosyon at Sayaw

Bumisita ang Los Bailadores de Sta. Ursula kay Vice Mayor Russel Guiller Ynares para sa isang courtesy call.

Naging pagkakataon ang pagbisita upang makausap ni Vice Mayor Russel ang grupo at upang maibahagi ang kanilang mga gawain at humingi ng suporta para sa kanilang aktibidad.

Ang Los Bailadores de Sta. Ursula ay binubuo ng mga kabataan na iniaalay ang kanilang talento at oras bilang pagpapakita ng debosyon kay Sta. Ursula sa pamamagitan ng pagsasayaw, habang pinapanatili at ipinapasa ang isang tradisyong mahalaga sa kanilang komunidad.

Ipinahayag naman ni Vice Mayor Russel ang kanyang suporta sa grupo at sa kanilang adbokasiya, lalo na sa mga kabataang aktibong nakikilahok sa mga gawaing nagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at kanilang talento.

Patuloy nating suportahan ang mga kabataang may talento at dedikasyon na nagsisikap mapanatili ang mga tradisyon ng ating komunidad.

๐Ÿค Patuloy na Ugnayan para sa Mas Masiglang Lokal na NegosyoBumisita ang Binangonan Chamber of Commerce and Industry Inc....
07/09/2026

๐Ÿค Patuloy na Ugnayan para sa Mas Masiglang Lokal na Negosyo

Bumisita ang Binangonan Chamber of Commerce and Industry Inc. (BCCI) kay Vice Mayor Russel Guiller Ynares para sa isang courtesy call.

Naging pagkakataon ang pagbisita upang magpalitan ng mga pananaw at higit pang mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng BCCI at ng lokal na pamahalaan. Bilang organisasyong kumakatawan at sumusuporta sa mga negosyo sa Binangonan, mahalaga ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang mas maunawaan ang mga pangangailangan at adhikain ng local business community.

Ipinahayag naman ni Vice Mayor Russel ang kanyang pakikiisa at suporta sa mga inisyatiba ng BCCI na naglalayong makatulong sa mga lokal na negosyante at sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng Binangonan.

Patuloy ang pagsusulong ng maayos na ugnayan sa pagitan ng Sangguniang Bayan at business community tungo sa mas masiglang negosyo, mas maraming oportunidad, at mas maunlad na Binangonan.

๐Ÿ“š Suporta sa Edukasyon, Para sa Kabataan ng PipindanBumisita ang School Parents and Teachers Association (SPTA) ng Pipin...
07/09/2026

๐Ÿ“š Suporta sa Edukasyon, Para sa Kabataan ng Pipindan

Bumisita ang School Parents and Teachers Association (SPTA) ng Pipindan Elementary School kay Vice Mayor Russel Guiller Ynares para sa isang courtesy call.

Naging pagkakataon ang pagbisita upang magkausap at makapagbahagi ang SPTA ng kanilang mga programa at mga pangangailangan para sa paaralan at mga mag-aaral. Ibinahagi rin nila ang kanilang mga inisyatiba na nangangailangan ng suporta upang maisakatuparan at higit pang mapalawak.

Ipinahayag naman ni Vice Mayor Russel ang kanyang suporta sa mga programa ng SPTA, lalo na sa mga inisyatibang nakatuon sa kapakanan, pagkatuto, at pag-unlad ng mga mag-aaral.

Patuloy na bukas ang pakikipag-ugnayan ni Vice Mayor Russel sa mga paaralan at mga katuwang ng komunidad upang makatulong sa pagsusulong ng edukasyon at pagbibigay ng mas magandang oportunidad para sa kabataan ng Binangonan.

04/09/2026
๐ŸŒน Puso ni Maria, Bukal ng Pagmamahal at KapayapaanNakiisa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Binangonan at si Mrs....
04/09/2026

๐ŸŒน Puso ni Maria, Bukal ng Pagmamahal at Kapayapaan

Nakiisa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Binangonan at si Mrs. Jacqueline S. Ynares, maybahay ni Vice Mayor Russel Guiller Ynares, sa opening ceremony ng Binangonan Grand Marian Exhibit 2026.

Bitbit ang temang โ€œPuso ni Maria, Bukal ng Pagmamahal, Batis ng Kapayapaan,โ€ tampok sa exhibit ang mga natatanging imaheng Marian bilang pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria at paggunita sa malalim na debosyon ng mga mananampalataya.

Naging pagkakataon din ang pagdaraos ng exhibit upang maipakita ang yaman ng tradisyon at debosyong Marian na patuloy na bahagi ng kultura at pamana ng komunidad ng Binangonan.

Aming binabati ang mga organizers, exhibitors, at lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagbubukas ng Binangonan Grand Marian Exhibit 2026. Nawa'y maging daan ang pagdiriwang na ito sa higit pang pagmamahal, pagkakaisa, at kapayapaan sa ating komunidad.

๐Ÿ… Pagkakaisa at Sportsmanship, Tampok sa PCL Sports Fest 2026Nakiisa sina Vice Mayor Russel Guiller Ynares at ang Sanggu...
27/08/2026

๐Ÿ… Pagkakaisa at Sportsmanship, Tampok sa PCL Sports Fest 2026

Nakiisa sina Vice Mayor Russel Guiller Ynares at ang Sangguniang Bayan ng Binangonan sa pagdaraos ng PCL Sports Fest 2026, isang pagtitipon na pinagsasama ang mga municipal at city councilors, mayors, at vice mayors mula sa iba't ibang bahagi ng Lalawigan ng Rizal sa pamamagitan ng palakasan.

Naging lugar ang Binangonan para sa mga kompetisyon sa bowling, billiards, at table tennis, kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kanilang husay, disiplina, at pagmamahal sa sports.

Higit sa kompetisyon, naging pagkakataon din ang PCL Sports Fest upang mapalakas ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at camaraderie sa hanay ng mga lokal na opisyal. Sa pamamagitan ng sports, nagkaroon sila ng pagkakataong magsama-sama sa isang masayang kapaligiran habang isinusulong ang healthy competition at sportsmanship.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng PCL Sports Fest 2026 sa Binangonan! ๐Ÿ†

26/08/2026
26/08/2026

๐ŸŽ‰ Maligayang Kaarawan Gov. Ito!

Malugod naming binabati ng isang maligayang kaarawan ang dating Gobernador ng Lalawigan ng Rizal at dating Punong Bayan ng Binangonan, Casimiro โ€œItoโ€ Ynares, Jr.

Maraming salamat sa inyong mga taon ng taos pusong paglilingkod para sa mga mamamayan ng Binangonan at ng buong Lalawigan ng Rizal. Ang inyong dedikasyon sa serbisyo publiko at malasakit sa kapwa ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa marami.

Sanaโ€™y iyong makamit ang maayos na kalusugan, kasiyahan, at marami pang taon upang makasama ang inyong pamilya at patuloy na makapaglingkod sa mga Rizaleรฑo.

Maligayang kaarawan, Former Governor and Mayor Casimiro โ€œItoโ€ Ynares, Jr ! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

Address

National Road, Calumpang
Binangonan
1940

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ESIB Russel Callanta Ynares and Binangonan Action Center Volunteers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ESIB Russel Callanta Ynares and Binangonan Action Center Volunteers:

Shortcuts

Share