Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagpos

Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagpos Official page of Sangguniang Kabataan ng Tagpos
(1)

EDUKALINGA 2026: KALINGA PARA SA KABATAANG TAGA-BINANGONAN ROUND 2 ๐ŸŽ“Ang pundasyon ng magandang kinabukasan ay nagsisimul...
01/09/2026

EDUKALINGA 2026: KALINGA PARA SA KABATAANG TAGA-BINANGONAN ROUND 2 ๐ŸŽ“

Ang pundasyon ng magandang kinabukasan ay nagsisimula sa maayos na edukasyon. ๐ŸŒŸ

Handog ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan sa pamamagitan ng Scholarship Office at MSWDO, para sa mga high school and college students na nangangailangan ng tulong-pinansyal sa kanilang pag-aaral.

๐Ÿ“ฉ APPLICATION FORM:
โ€ข https://forms.gle/LpGGkTvFGAz6UPFU9

๐Ÿ“‹ MGA SLOT:
โ€ข 300 High School (Junior at Senior High) Students
โ€ข 350 College Students

โœ… QUALIFICATIONS:
Para makasali at maging benepisyaryo ng programa, ang aplikante ay dapat na:

โ€ข Lehitimong (bona fide) residente ng Binangonan.
โ€ข Mula sa pamilyang indigent, within or below poverty threshold na nangangailangan ng suportang pinansyal sa pag-aaral.
โ€ข Junior High School, Senior High School, o College student lamang.
โ€ข May average grade na hindi bababa sa 80%, at walang subject na may grade na mas mababa sa 80%.
โ€ข Walang INC (Incomplete Grades), OD (Officially Dropped), o UD (Unofficially Dropped) na subject.

๐Ÿ”ด MGA HINDI KWALIPIKADO:
Hindi qualified mag-apply ang mga sumusunod:

โ€ข Mga Elected at Appointed Sangguniang Kabataan (SK) Officials
โ€ข Mga benepisyaryo noong nakaraang taon (2025) at ngayong taon (2026) ng alinmang educational assistance, ayuda, o scholarship mula sa Pamahalaang Bayan, iba pang ahensya ng pamahalaan, o mga katuwang na institusyon, gaya ng:
- EduKalinga (Municipality of Binangonan Educational Assistance Program)
- Iskolar ng Bayan (Municipality of Binangonan Scholarship Program)
- SEAP (Municipality of Binangonan Student Employment Assistance Program)
- DOLE Programs (e.g., GIP and SPES)
- ICC/TLGU Scholarship Program
- Training for Work Scholarship Program (TWSP)
โ€ข Anak ng Solo Parent ID holder na kasalukuyang benepisyaryo ng MSWD ngayong taong 2026, sa ilalim ng programang educational assistance o subsidy.
โ€ข Anak ng government employee

๐Ÿ“ APPLICATION PROCESS:
๐Ÿ“Œ Paalala: ang aplikasyon ay online lamang. Walang papel na isusumite nang personal sa unang bahagi ng proseso.

1โƒฃ Step 1 โ€“ Online Application
โ€ข Buksan at basahin ang scholarship application form.
โ€ข Punan at isumite ang application form. Siguraduhing kumpleto, tama, at totoo ang lahat ng impormasyong ilalagay, lalo na ang contact number, dahil dito ipapadala ng Scholarship Office ang mahahalagang update tungkol sa application at sa mga susunod na proseso.

2โƒฃ Step 2 โ€“ Initial Screening
โ€ข Susuriin, iba-validate, at ipoproseso ng Scholarship Office ang application upang malaman kung ang aplikante ay pasok sa mga kwalipikasyon at itinakdang pamantayan.

3โƒฃ Step 3 โ€“ Resulta ng Initial Screening
โ€ข Kapag pumasa sa initial screening, makakatanggap ang aplikante ng text message o tawag mula sa Scholarship Office ukol sa schedule ng final assessment (face-to-face interview).

4โƒฃ Step 4 โ€“ Mga Kinakailangang Dokumento
โ€ข Kalakip ng text o tawag, ibibigay rin ang listahan ng mga requirements na kailangang ihanda at dalhin para sa final assessment.

5โƒฃ Step 5 โ€“ Final Assessment at Pagpapasa ng mga Dokumento
โ€ข Kapag nakatanggap ng text o tawag, pumunta sa final assessment (face-to-face interview) sa Scholarship Office na matatagpuan sa 3rd Floor ng New Municipal Building.
โ€ข Dalhin ang kumpletong documentary requirements. Mga kumpletong dokumento lamang ang tatanggapin.

6โƒฃ Step 6 โ€“ Announcement
โ€ข Hintayin ang opisyal na listahan ng mga nakapasa sa Mahal Kong Binangonan page.

๐Ÿ”’ DATA PRIVACY NOTICE:
โ€ข Ang personal na impormasyong isusumite sa Scholarship Office ay kokolektahin at ipoproseso alinsunod sa Data Privacy Act of 2012 (RA 10173) para lamang sa pagproseso, beripikasyon, at pagpapatupad ng educational assistance o scholarship programs ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan.

Tinitiyak ang pagiging confidential ng inyong impormasyon at hindi ito ibabahagi sa third party, maliban kung kinakailangan ng batas o para sa lehitimong layunin ng programa. Sa pagsusumite ng datos, kayo ay nagbibigay ng pahintulot sa nasabing pangongolekta, pagproseso, at paggamit.

โ„น๏ธ Para sa mga katanungan at karagdagang gabay sa application, maaaring bisitahin ang Scholarship Office sa 3rd Floor, New Municipal Hall, mula Monday to Friday, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.


๐Ÿ’™

TAAS NOO, KABATAANG RIZALEร‘OS! ๐Ÿ’š๐Ÿ†It is a great honor for the SK Council of Barangay Tagpos to be named a Finalist in the...
26/08/2026

TAAS NOO, KABATAANG RIZALEร‘OS! ๐Ÿ’š๐Ÿ†

It is a great honor for the SK Council of Barangay Tagpos to be named a Finalist in the Taas Noo Kabataang Rizaleรฑo Gawad Parangal 2026! โœจ

This Friday, SK Chairperson Abbeygail Luklukan Lirio will represent the entire SK Tagpos Council and the youth of Barangay Tagpos during the Executive Panel Evaluation, where we will showcase the programs, projects, and services we continue to provide for our young people.

Thank you to all the youth who continue to support and take part in our programs. This recognition is not just for us, but most especially for the youth of Barangay Tagpos. ๐Ÿซถ

๐—Ÿ๐—ก๐—ž ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐๐๐€๐Ÿ๐Š ๐“๐Ž๐”๐‘๐๐€๐Œ๐„๐๐“๐Ÿ€๐ŸŽฎMatagumpay nating naisagawa ang ๐๐๐€๐Ÿ๐Š ๐“๐Ž๐”๐‘๐๐€๐Œ๐„๐๐“ bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026! ...
23/08/2026

๐—Ÿ๐—ก๐—ž ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐๐๐€๐Ÿ๐Š ๐“๐Ž๐”๐‘๐๐€๐Œ๐„๐๐“๐Ÿ€๐ŸŽฎ

Matagumpay nating naisagawa ang ๐๐๐€๐Ÿ๐Š ๐“๐Ž๐”๐‘๐๐€๐Œ๐„๐๐“ bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026! ๐ŸŽฏ

๐Ÿฅ‡Clive Zaragoza
๐ŸฅˆBrent Tolero
๐Ÿฅ‰Mark Angeles

Muli nating nasaksihan ang isa sa mga hilig ng ating kabataan. Through this activity, we give every young person a chance, showing that everyone can has the ability to succeed, in their own way.

Mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagpos, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumali at sumuporta. Patuloy nating palakasin ang samahan at suportahan ang bawat kabataan!๐Ÿค๐Ÿปโœจ


๐—Ÿ๐—ก๐—ž ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ| ๐‚๐Ž๐ƒ๐Œ - ๐Ÿ๐•๐Ÿ ๐“๐Ž๐”๐‘๐๐€๐Œ๐„๐๐“ Matagumpay nating naisagawa ang CODM - 1v1 Tournament bilang bahagi ng Linggo ng Kabataa...
22/08/2026

๐—Ÿ๐—ก๐—ž ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ| ๐‚๐Ž๐ƒ๐Œ - ๐Ÿ๐•๐Ÿ ๐“๐Ž๐”๐‘๐๐€๐Œ๐„๐๐“

Matagumpay nating naisagawa ang CODM - 1v1 Tournament bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026! ๐ŸŽฏ

And we have our winners! ๐Ÿ”ฅ
๐Ÿฅ‡Jhon Denver Baylon
๐ŸฅˆKhalil Magdasoc
๐Ÿฅ‰Gabriel Fermin

Through activities like this, patuloy nating nabibigyan ng pagkakataon ang ating kabataan na makilahok, mag-enjoy, at maipakita ang kanilang skills. ๐ŸŽฎ

Mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagpos, maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta. Patuloy nating susuportahan ang mga interes at talento ng ating kabataan! ๐Ÿ’œ๐ŸŽฏ


๐—Ÿ๐—ก๐—ž ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ| ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ ๐ŸซŸMatagumpay na naisagawa ang ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด: Poster Making Contest bilang ba...
22/08/2026

๐—Ÿ๐—ก๐—ž ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ| ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ ๐ŸซŸ

Matagumpay na naisagawa ang ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด: Poster Making Contest bilang bahagi ng LNK 2026, with the theme โ€œ๐˜‹๐˜ช๐˜ง๐˜ง๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜น๐˜ต, ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ˆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด.โ€

๐Ÿฅ‡ 1st Place: Paul David
๐Ÿฅˆ 2nd Place: Niko Artates
๐Ÿฅ‰ 3rd Place: James Walter Espiritu

Your artworks showed not only your artistic skills, but also your ideas, dreams, and hopes as young people.

Maraming salamat sa ating mga judges, Mr. Jayvan F. Rance - Binangonan Representative @ Rizal PPO - Youth Summit 2024 & Hon. Moses Cerrero -SK Federation President, sa paglaan ng oras at pagbibigay ng suporta sa ating mga kabataang artists! ๐ŸŽจ

Mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagpos, sama-sama nating palalakasin ang talento at boses ng kabataan sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at oportunidad. ๐Ÿ™Œโœจ


๐Ÿ“‹SANGGUNIANG KABATAAN INVENTORY TEAM 2026Bilang pagbibigay-halaga sa accountability at transparency, opisyal na po natin...
19/08/2026

๐Ÿ“‹SANGGUNIANG KABATAAN INVENTORY TEAM 2026

Bilang pagbibigay-halaga sa accountability at transparency, opisyal na po nating binuo ang Sangguniang Kabataan Inventory Team 2026 (SKIT). ๐Ÿ’™

Layunin nito na masigurong maayos ang pag-check, pag-iimbentaryo, at pagdodokumento ng mga kagamitan, ari-arian, records, at iba pang pananagutan ng SK bilang paghahanda para sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at sa maayos na turnover at transition.

Alinsunod sa SK Order No. 1, Series of 2026 at sa mga itinakdang alituntunin ng DILG, patuloy nating inaayos ang bawat proseso para sa mas malinaw, organisado, at responsableng pamamahala.

Mahalaga sa atin na maayos ang lahat, dahil ang bawat bagay na ipinagkatiwala samin ay para sa kabataan ng Barangay Tagpos.๐Ÿคโœจ


๐Ÿฒ LNK 2026 | ๐™Ž๐™š๐™ง๐™–๐™ฃ๐™ฎ ๐™๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™„๐™ฃ๐™˜. ๐™๐™š๐™š๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™œ๐™ง๐™–๐™ขโœจNoong nakaraang Biyernes, muling naghatid ng saya at pagmamahal sa m...
16/08/2026

๐Ÿฒ LNK 2026 | ๐™Ž๐™š๐™ง๐™–๐™ฃ๐™ฎ ๐™๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™„๐™ฃ๐™˜. ๐™๐™š๐™š๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™œ๐™ง๐™–๐™ขโœจ

Noong nakaraang Biyernes, muling naghatid ng saya at pagmamahal sa mga kabataan ng Barangay Tagpos ang Serany Foundation Inc.,. ๐Ÿ’™

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-alala, suporta, at malasakit. Sa ika-4 na pagkakataon, muli po ninyong ipinakita na ang tunay na serbisyo ay hindi lang nasusukat sa tulong na ibinibigay, kundi sa pusong kasama nito. ๐Ÿฅนโœจ

Taos-puso po kaming nagpapasalamat kina Mayor Rhea Ynares, Sir Carlos Ryan R. Ynares, Maโ€™am Elvie Ynares , at Boss Boyet Ynares, pati na rin sa lahat ng volunteers at sa bawat taong nasa likod ng Serany Foundation. Salamat po sa oras, effort, at pagmamahal na ibinibigay ninyo para sa ating komunidad. ๐Ÿซถ๐Ÿป

Mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagpos at sa aming mga kabataan, maraming-maraming salamat po! ๐Ÿ’™

๐™Ž๐™† ๐™๐˜ผ๐™‚๐™‹๐™Š๐™Ž | ๐™‡๐™„๐™‰๐™‚๐™‚๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐˜ผ๐™‰ 2026! โœจReady na ba, Kabataang Tagpos? ๐Ÿ‘€Ngayong Linggo ng Kabataan, sama-sama nating ipagd...
14/08/2026

๐™Ž๐™† ๐™๐˜ผ๐™‚๐™‹๐™Š๐™Ž | ๐™‡๐™„๐™‰๐™‚๐™‚๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐˜ผ๐™‰ 2026! โœจ

Ready na ba, Kabataang Tagpos? ๐Ÿ‘€

Ngayong Linggo ng Kabataan, sama-sama nating ipagdiwang ang talento, pangarap, at kakayahan ng bawat kabataan. With this yearโ€™s theme, โ€œ๐˜‹๐˜ช๐˜ง๐˜ง๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜น๐˜ต๐˜ด, ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ˆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ดโ€ iba-iba man ang ating pinanggagalingan, nagkakaisa tayo sa iisang hangarin para sa mas magandang kinabukasan.

Lagiโ€™t lagi, para sa kabataan! ๐Ÿ™Œ๐Ÿ’œ

Stay tuned for more announcements, registration details, and activity updates! ๐Ÿ‘€

Address

Tagpos
Binangonan
1940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagpos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share