05/08/2026
ππ **MARAMING SALAMAT, MGA KA-BARANGAY!** ππ
Matagumpay na nating nairaos ang **5 araw na munting handog** ng **Sangguniang Kabataan ng Kaytome** at **Sangguniang Barangay ng Kaytome** bilang bahagi ng ating **Fiesta 2026**.
Sa loob ng limang araw, napuno ng saya, pagkakaisa, at masasayang alaala ang ating barangay sa pamamagitan ng iba't ibang programa at palaro:
π Free Zumba
π£ Bangkarera
π Amazing Race
π Gay vs. Boy Basketball
π Mayor's Cup 2026 Finals
πΊ Banda Serenata
β΅ Pagoda 2026
π€ Amateur Singing Contest
π Fireworks Display
π Team Sakuragi vs. Team Kaytome Kids Exhibition Game
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong pinansyal, oras, pagod, at suporta upang maging matagumpay ang ating mga programa.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating masipag na **Punong Barangay Florencio M. Dominguez**, sa lahat ng ating mga kagawad, kay **SK Chairman John Craven**, at sa buong hanay ng **Sangguniang Kabataan ng Kaytome** sa kanilang dedikasyon at walang sawang paglilingkod.
Maraming salamat din sa lahat ng mga kalahok, sponsors, volunteers, at sa bawat mamamayang nakiisa at nakisaya. Kayo ang dahilan kung bakit naging matagumpay at makabuluhan ang ating pagdiriwang.
Hanggang sa muli po nating pagho-host ng ating mga programa at selebrasyon. Asahan ninyo na mas pagagandahin at mas pasasayahin pa natin ang mga susunod na events para sa ating minamahal na Barangay Kaytome.
**Maraming salamat po sa inyong lahat! God bless po sa ating lahat!** β€οΈπ΅π