Barangay Lunsad

Barangay Lunsad Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Lunsad, Government Organization, Antiporda Street , Extension, Lunsad Binangonan, Rizal, Binangonan.

📢 MAHALAGANG ANUNSYO: BAGONG PILIPINAS BARANGAY SCHOLARS PROGRAM 📚 Magandang araw po, mga kabarangay! Ipinababatid namin...
01/06/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO: BAGONG PILIPINAS BARANGAY SCHOLARS PROGRAM 📚

Magandang araw po, mga kabarangay!

Ipinababatid namin ang pagsisimula ng “Bagong Pilipinas Barangay Scholars Program” sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang Program ng pamahalaan. Ito ay tulong pinansyal para sa ating mga mag‑aaral na nais makatapos ng pag‑aaral.

🔢 ILAN ANG MAKAKATANGGAP?
Ayon sa mahigpit na alituntunin ng programa:

✅ LIMANG (5) ESTUDYANTE LANG ang mapipili bawat Barangay — ito po ay itinakda ng programa at hindi pasya ng ating barangay.

✅ Bawat isa ay tatanggap ng ₱20,000.00 na tulong pang‑edukasyon (pambayad sa matrikula, gamit, libro, pamasahe, at iba pang gastusin sa paaralan).

✅ OPISYAL NA PAMANTAYAN SA PAGPILI
Ang pagtukoy at pagpili ay gagawin ng Sangguniang Barangay at Education Committee, at ibabase lamang sa mga sumusunod na kondisyon (ITO PO ANG BATAS NG PROGRAMA):

1️⃣ Antas ng Pag‑aaral:

- Dapat ay papa*ok sa IKA‑APAT NA TAON (4th Year College) ngayong Taong Panuruan 2026–2027.
​
- (Kung walang kwalipikadong 4th Year, saka lang titingin sa: 3rd Year College, mag‑aaral sa TESDA na may National Certificate, o estudyanteng 5th/6th year na matatapos na).

2️⃣ Kalagayang Panlipunan:

- Mula sa mahihirap o bulnerableng pamilya (mga pamilyang kailangang‑kailangan ng tulong).

3️⃣ Panganib na Huminto:

- Nasa panganib na hindi makatapos o huminto sa pag‑aaral kung walang matatanggap na tulong pinansyal.

4️⃣ PINAKAMAHALAGANG PRAYORIDAD:

- Mula sa pamilyang WALANG SINUMANG NAKATAPOS NG KOLEHIYO. Ito ang pangunahing batayan — ang magiging UNANG NAKATAPOS NG KOLEHIYO SA KANILANG PAMILYA ang uunahin natin.

5️⃣ Paninirahan:

- Dapat ay rehistrado at nakatira sa Barangay na ito.



📝 PAANO ANG PAGPILI AT PAGPASA SA DILG?
Dahil kailangan nang ipasa ang listahan ng mga napili sa DILG Office, ang ating pamunuan ay tutukoy at pipiliin agad ang limang (5) pinaka‑kwalipikado at pa*ok sa lahat ng kondisyon mula sa listahan at kaalaman natin sa ating mga kabataan dito sa barangay — hindi na kailangang maghintay ng aplikasyon, dahil ito ay tungkulin at kapangyarihan ng Sangguniang Barangay ayon sa gabay ng programa.

Ang pangalan ng mga napili ay iaanunsyo at aabisuhan agad para sa pagpapasa ng mga kinakailangang dokumento at paglagda sa kasunduan.

📌 PARA SA MGA INTERESADO.
Maaari po kayo personal na dumulog sa Tanggapan ng ating barangay.

Sama‑sama nating itaguyod ang pangarap ng ating mga kabataan! 🫡

Maraming salamat po.

— Pamunuan ng Barangay Lunsad

📢 SA PUBLIKONG PAHAYAG Maraming salamat po sa inyong mga ipinahayag na saloobin, obserbasyon, at pagmamalasakit sa ating...
30/05/2026

📢 SA PUBLIKONG PAHAYAG

Maraming salamat po sa inyong mga ipinahayag na saloobin, obserbasyon, at pagmamalasakit sa ating komunidad. Nais po naming magbigay ng malinaw at tapat na paliwanag upang maiwasto ang anumang maling pagkaunawa at paratang:

Ang mga nasabing proyekto—kabilang ang pagpapagawa ng mga kanal at kalsada—ay direktang pinangangasiwaan, inaprubahan, at isinasagawa ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan o DPWH. Sila po ang pumipili at nag-aapruba sa mga kontratista na magsasagawa ng gawain, at sila rin ang may hawak ng buong pamamahala, disenyo, at paggamit ng pondo. Ang Barangay ay walang kapangyarihan o kinalaman sa kung sino ang mapipiling tagapagtayo o paano isinasagawa ang proyekto. Ang aming tungkulin ay tumulong lamang sa pag-uugnayan at pagbibigay ng impormasyon.

At para naman sa mga nagsasabing may kumikita o nakikinabang, para sa inyong kaalaman: si Kapitan Tiburcio U. Mesa, ang kasalukuyang Punong Barangay na inyong tinutukoy, ay WALANG TINANGGAP ni isang sentimo o kahit singko man lamang mula sa sinumang kontratista na gumagawa ng mga nasabing proyekto. Malinis ang kanyang pangalan at kalooban sa usaping ito.

Tungkol naman sa sinasabi ninyong mga kanal na barado at hindi nililinis: kung kayo ay tunay na nakatira at residente ng Lunsad, makikita at masasaksihan ninyo mismo—tulad ng makikita sa mga nakalakip na larawan—na aktibo at patuloy na kumikilos si Kapitan Tiburcio U. Mesa at ang kanyang mga tauhan para sa ating barangay. Kahit sa matinding init ng panahon o anumang hirap, makikita ninyong siya ay nasa labas at kasama ng mga kawani na tumutulong at nangangasiwa sa mga gawain at masigasig na paglilinis ng mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha at pagdami ng sakit.

Kung susuriin nang maayos, hindi po lahat ng pagkukulang o problema ay maaring isisi agad at ibunton sa mga nakaupo at nanunungkulan. Mahalagang maunawaan din natin na ang kaunlaran at kalinisan ay responsibilidad ng bawat isa. Kailangan po nating magtulungan at magkaroon ng tamang pag-uugali bilang mabuting mamamayan. Ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat tahanan at bawat tao—sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga basura sa tamang oras at sa itinalagang basurahan, at sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kani-kanilang mga bakuran at kapaligiran. Ang ating pagsisikap na maging disiplinado ay malaking bahagi ng solusyon sa mga suliraning ating kinakaharap.

Tungkol naman sa iba pang inyong napansin tulad ng lokasyon ng mga kanal at kalidad ng gawa, agad po naming ipaparating ang inyong mga reklamo at mungkahi sa kinauukulan upang masuri at maaksyunan ito nang naaayon.

Muli, maraming salamat po sa inyong pagbabantay at pakikilahok para sa ikabubuti ng ating bayan.

Pamunuan ng Barangay Lunsad

Pagbati ng Maligayang Kaarawan sa isa ating Kagawad, Francis Teologo. More birthdays to come po and Godbless!
21/05/2026

Pagbati ng Maligayang Kaarawan sa isa ating Kagawad, Francis Teologo.

More birthdays to come po and Godbless!

PABATID PUBLIKO!Ongoing po PSA ID Registration dito sa ating Barangay. Isang araw lang po ito.Requirements5 yrs old - 17...
21/05/2026

PABATID PUBLIKO!

Ongoing po PSA ID Registration dito sa ating Barangay.
Isang araw lang po ito.

Requirements
5 yrs old - 17 years old - Original Birth Cert. or School ID.
18 yrs old - Any government I.D.

Halina po kayo at huwag nating palampasin ang pagkakataong ito.

Maraming Salamat po

12/05/2026

Mga kabarangay Paalaala po bukas na po ito.

Tulad ng dati, may dalawang lugar po na pupuntahan ang grupo ng ating MAO upang maasika*o po ang mga nasa Saudi village, at Gupiing.

Huwag po nating palampasin ang pagkakataong ito para sa kaligtasan at proteksyon ng ating pamayanan, pati na rin ng ating mga alagang a*o at pusa.

Maraming salamat po!🙏

10/05/2026

🌷Happy Mother's Day to every wonderful woman!🌷

08/05/2026

Address

Antiporda Street , Extension, Lunsad Binangonan, Rizal
Binangonan
1940

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Lunsad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share