29/07/2026
Nagbabasa po ba kayo? ๐คญ Basahin nang maigi at intindihin bago mag-comment. Paalala lamang po muliโkahit paulit-ulit na.
โผ๏ธBago mag-comment, magbasa po muna ng BUONG post. ๐
โ๏ธSa tuwing may bagyo o malakas na buhos ng ulan, paulit-ulit nating nakikita ang pare-parehong mga tanong:
โBakit wala pang announcement?โ
โSa kabilang bayan wala nang pasok, bakit dito meron?โ
โSigurado bang meron?โ,
โWaterproof ang mga taga-Binangonan.โ, โMay sariling araw sa Binangonan.โ, โTulog pa yata si Mayor.โ ๐ฅด
at napakarami pang ibaโฆ..
Una, nagdesisyon po ang ibang bayan at maski mga paaralan base sa sinasabi ng DepEd Order No. 014, s. 2026 at DepEd Order No. 022, s. 2024, at higit sa lahat, BASE SA MISMONG SITWASYON SA KANILANG LUGAR. Base po sa dalawang DepEd order, kapag Yellow Warning, HINDI AUTOMATIC NA WALANG PASOK. Kapag walang signal, MAY PASOK.
Pero, hindi kailangang buong bayan muna ang ulanin o bahain para magsuspinde ng klase. Puwede pong mag-suspend ng klase ang SCHOOL PRINCIPAL kahit wala pang announcement ang LGU o kaya sa Provincial or National agencies. ๐ซก
Pangalawa, hindi po pinagsasawalang-bahala ang kalagayan ng mga estudyante na papasok. Pero bukod dito, naiintindihan din po namin na hindi pare-pareho ang sitwasyon ng mga bayan at maging ng mga paaralan. Puwedeng umuulan sa Janosa, pero maaraw sa Pantok. Puwedeng binabaha na sa ganitong bayan, pero umaambon lang sa iba. Ito po mismo ang rason bakit may kapangyarihan ang mga SCHOOL PRINCIPAL na magdesisyon tungkol sa suspension para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
๐ฃIlang beses na rin pong nag-post ang Pamahalaang Bayan tungkol sa batayan ng class suspension. Nandito po lahat ng links, mangyaring balikan at pindutin ang kulay blue para mapunta sa orihinal na post:
๐ Kailan Nga Ba Matic na Walang Pasok?
https://www.facebook.com/share/14g4CNS52L5/
๐ 4H Learning Continuity Framework (DepEd Order No. 014, s. 2026) https://www.facebook.com/share/1EWbg95kSD/
๐ Automatic Class Suspension Kapag May Bagyo o Masamang Panahon (DepEd Order No. 022, s. 2024) https://www.facebook.com/share/1RfKqBbJds/
Kaya bago magtanong, mag-comment ng kung ano-ano, at mag-share ng impormasyon:
โ๏ธ Basahin ang buong advisory.
โ๏ธ Huwag umasa sa โsabi nilaโ o sa comment section.
โ๏ธ Umantabay sa announcement ng school at ng mga kinauukulan.
โ๏ธ Mag-verify bago mag-share dahil marami pong page ang DOST-PAGASA para sa ibaโt ibang rehiyon.
Mas madali para sa ating lahat kung maglalaan tayo ng ilang minuto para magbasa at umunawa. Ang layunin ng mga advisory ay magbigay ng malinaw na impormasyon, kaya gamitin at isaisip natin ito.
๐