31/05/2026
KA-BATCHMATE, BRIGADA ESKWELA NA!
Minsan tayong naging bahagi ng paaralang ito. Ngayon, panahon naman para magbalik at magbahagi ng ating oras, talento, at malasakit.
Inaanyayahan namin ang lahat ng alumni na makiisa sa BRIGADA ESKWELA 2026 bukas!
🏫 Sama-sama nating pagandahin, ayusin, at ihanda ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.
💙 Isang araw ng bayanihan.
💙 Isang pagkakataong magbalik-tanaw.
💙 Isang paraan ng pagbibigay-pugay sa paaralang humubog sa atin.
"Ka-batchmate, tara na! Magkita-kita tayo sa ating alma mater!"
School Head: Geneshar C. Castro, PhD
PSDS: Maria Sylvia M. Garcia, PhD