26/04/2026
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐จ๐ฌ-๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐๐ฒ
๐๐ญ ๐๐๐ข๐ง๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข!
Buong galak naming ipinagdiriwang ang tagumpay ng mga g**o ng Baybay Elementary School na matagumpay na naitaas ang kanilang ranggo sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) Program ng Department of Education, sa ilalim ng gabay ng mahusay na Punongg**o, Dr. Ernesto Lomibao Estrada Jr., at ng Tagamasid Pampurok na si Dr. Sonia Caronongan Adversalo.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang bunga ng taon ng serbisyo, kundi patunay ng kanilang walang kapantay na dedikasyon, husay, at malasakit sa edukasyon. Sa loob at labas ng silid-aralan, sila ay naging mga huwarang tagapanday ng kaalaman: nagbibigay inspirasyon sa kabataan, naglilingkod sa komunidad, at patuloy na nag-aambag sa paghubog ng isang mas maunlad na bansa.
Sa bawat aral na kanilang itinanim, sa bawat batang kanilang hinubog, at sa bawat hamong kanilang hinarap nang may tapang at paninindigan: nag-iwan sila ng marka na hindi lamang sa paaralan, kundi sa puso ng bawat Pilipinong kanilang naantig.
Ang inyong promosyon ay hindi lamang personal na tagumpay, kundi isang tagumpay ng buong Baybay Elementary School at ng sambayanan. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang pagningasin ang inyong adhikain sa pagtuturo at paglilingkod.
Muli, mabuhay kayo at taos-pusong pagbati! ๐๐โจ