16/08/2026
๐ข WALANG PASOK | AGOSTO 17, 2026
PANSAMANTALANG SUSPENSIYON NG FACE-TO-FACE CLASSES SA BUONG MUNICIPALITY OF BINMALEY
Ipinababatid sa lahat ng mag-aaral, magulang, g**o, at kawani ng paaralan na SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas, kapwa pampubliko at pribadong paaralan, sa buong Municipality of Binmaley, Pangasinan ngayong Lunes, Agosto 17, 2026.
Ang pagsususpinde ng mga klase ay ipinatutupad bilang pag-iingat dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat) at upang higit na mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at school personnel.
Sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes, hinihikayat ang lahat ng paaralan na ipatupad ang naaangkop na Alternative Delivery Modalities (ADM) upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas, mapagmatyag, at handa, lalo na sa posibleng pagbabago ng kondisyon ng panahon. Mangyaring patuloy na subaybayan ang opisyal na mga anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley at ng paaralan para sa mga susunod na abiso at kaukulang update.
Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.
Manatiling ligtas, Camaley NHS community! ๐๐ซ๐