Mayor Pedro "Pete" A. Merrera III

Mayor Pedro "Pete" A. Merrera III The Official page of Mayor Pedro "Pete" A. Merrera III

WALANG PASOK | SEPTEMBER 3, 2026Alinsunod sa Executive Order No. 110, Series of 2026, ipinababatid sa publiko na ang fac...
02/09/2026

WALANG PASOK | SEPTEMBER 3, 2026

Alinsunod sa Executive Order No. 110, Series of 2026, ipinababatid sa publiko na ang face-to-face classes sa lahat ng antas, sa mga pampubliko at pribadong paaralan, ay suspendido sa buong Bayan ng Binmaley, Pangasinan sa Huwebes, Setyembre 3, 2026.

Ang nasabing suspensiyon ay ipinatutupad bilang pag-iingat at pag-iwas sa anumang panganib na maaaring idulot ng banta ng malakas na pag-ulan, pagbaha, at iba pang rain-induced hazards sa kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, kawani, at iba pang stakeholders ng mga paaralan.

Ang lahat ay pinapayuhang manatiling mapagmatyag at nakatutok sa mga opisyal na anunsyo at abiso ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley at ng kinauukulang mga paaralan. Hinihikayat din ang mga paaralan na ipatupad ang naaangkop na learning continuity measures, alinsunod sa umiiral na mga patakaran at alituntunin.

Ang Pamahalaang Bayan ng Binmaley ay patuloy na nakikiisa sa lahat ng kinauukulang tanggapan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan, lalo na ng ating mga mag-aaral, sa harap ng umiiral na kondisyon ng panahon.

Para sa kaligtasan ng lahat, mangyaring makipagtulungan at sumunod sa mga opisyal na kautusan at abiso.

WALANG PASOK | SETYEMBRE 2, 2026Ipinababatid sa lahat na SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas, kapwa pa...
01/09/2026

WALANG PASOK | SETYEMBRE 2, 2026

Ipinababatid sa lahat na SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas, kapwa pampubliko at pribadong paaralan, sa buong Municipality of Binmaley, Pangasinan, sa Miyerkules, Setyembre 2, 2026.

Ang pagsususpinde ng klase ay bunsod ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat) at bilang bahagi ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan.

Pinahihintulutan ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na magpatupad ng naaangkop na Alternative Delivery Modalities (ADM) o iba pang learning continuity arrangements upang maipagpatuloy ang pagkatuto sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes.

Mangyaring manatiling ligtas, mapagmatyag, at sumubaybay lamang sa mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley at ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para sa mga susunod na abiso.

BAYAN MUNA BAGO SARILI

WORK-FROM-HOME ARRANGEMENT | SETYEMBRE 1, 2026Bilang tugon sa patuloy na sitwasyon dulot ng pagbaha at bilang pag-iingat...
31/08/2026

WORK-FROM-HOME ARRANGEMENT | SETYEMBRE 1, 2026

Bilang tugon sa patuloy na sitwasyon dulot ng pagbaha at bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga kawani at mamamayan, ipatutupad ng Municipal Government of Binmaley ang Work-From-Home Arrangement sa Martes, Setyembre 1, 2026, alinsunod sa Executive Order No. 108, Series of 2026, at Memorandum Circular No. 133 ng Office of the President.

Mananatiling tuloy-tuloy ang operasyon ng mga tanggapan na may kinalaman sa essential services, emergency response, health, disaster response, public safety, at iba pang mahahalagang serbisyo ng pamahalaang bayan.

Hinihiling ang pang-unawa at pakikiisa ng lahat sa pagpapatupad ng nasabing alternatibong work arrangement.

WALANG PASOK | SETYEMBRE 1, 2026Ipinababatid sa lahat na SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas, kapwa pa...
31/08/2026

WALANG PASOK | SETYEMBRE 1, 2026

Ipinababatid sa lahat na SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas, kapwa pampubliko at pribadong paaralan, sa buong Municipality of Binmaley, Pangasinan, sa Martes, Setyembre 1, 2026.

Ang pagsususpinde ng klase ay bunsod ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat) at bilang bahagi ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan.

Pinahihintulutan ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na magpatupad ng naaangkop na Alternative Delivery Modalities (ADM) o iba pang learning continuity arrangements upang maipagpatuloy ang pagkatuto sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes.

Mangyaring manatiling ligtas, mapagmatyag, at sumubaybay lamang sa mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley at ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para sa mga susunod na abiso.

BAYAN MUNA BAGO SARILI

๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ๐—›๐—”๐—ก: ๐——๐—œ๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข Sa paggunita natin sa ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ 2026, inaalala natin hindi lamang ang mga p...
31/08/2026

๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ๐—›๐—”๐—ก: ๐——๐—œ๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข

Sa paggunita natin sa ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ 2026, inaalala natin hindi lamang ang mga pangalan na nakaukit sa ating kasaysayan, kundi ang diwa ng kabayanihan na patuloy na nabubuhay sa bawat Pilipino.

Ang kanilang mga ipinaglaban at isinakripisyo ay nagsilbing pundasyon ng bansang mayroon tayo ngayon. Sa paglipas ng panahon, nagbabago man ang anyo ng mga hamon, nananatiling mahalaga ang tapang at malasakit sa kapwa.

Sa mga panahong sinusubok ang ating mga pamayanan ng kalamidad, makikita ang kabayanihan sa mga taong kusang tumutugon at umaalalay. Sa ating mga rescuers, first responders, volunteers, at frontliners, saludo kami sa inyong dedikasyon at kahandaang tumulong sa oras ng pangangailangan.

Ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa malalaking sakripisyo. Ito ay makikita rin sa simpleng pagtulong, pagdamay sa nangangailangan, pagprotekta sa kapwa, at tapat na pagtupad sa tungkulin.

Sa araw na ito, ang Municipality of Binmaley ay nakikiisa sa buong bansa sa pagbibigay-pugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan at sa mga Pilipinong patuloy na nagbibigay ng kanilang panahon, lakas, at kakayahan para sa kapwa.

๐˜•๐˜ข๐˜ธ๐˜ข'๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏโ€”๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ.

MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT NG MGA KABABAYAN SA BINMALEYPara sa ating kaligtasan at kahandaan sa oras ng anumang emergen...
29/08/2026

MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT NG MGA KABABAYAN SA BINMALEY

Para sa ating kaligtasan at kahandaan sa oras ng anumang emergency, narito ang mga opisyal na emergency hotline numbers ng ibaโ€™t ibang tanggapan at ahensya sa ating bayan.

Hinihikayat ko ang bawat isa na i-save at itala ang mga numerong ito upang madali nating matawagan ang kinauukulang tanggapan kung kinakailangan.

Ang maagap na pagtugon at tamang pakikipag-ugnayan ay malaking tulong upang mapanatili ang kaligtasan ng ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng sakuna at iba pang emergency.

Maging alerto, maging handa, at higit sa lahat, magtulungan tayo para sa kaligtasan ng bawat Binmalenian.

MAHALAGANG PAALALA: BINMALEY EMERGENCY HOTLINES

Sa oras ng emergency o anumang sitwasyong nangangailangan ng agarang tulong, narito ang mga emergency hotline na maaaring tawagan ng mga mamamayan ng Bayan ng Binmaley.

๐Ÿ“ž BINMALEY MDRRMO
0949-614-4842 | (075) 649-5714

๐Ÿ“ž BINMALEY POLICE STATION
0949-940-0713 | 0998-598-5106 | (075) 632-1258

๐Ÿ“ž RHU BINMALEY
(075) 522-5908

๐Ÿ“ž BFP BINMALEY
0917-185-4611

๐Ÿ“ž CENPELCO BINMALEY
0921-525-7872

Paalala: I-save ang mga numerong ito at gamitin lamang sa mga lehitimong emergency upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga nangangailangan.

Sa panahon ng sakuna at emergency, ang pagiging handa at maagap ay mahalaga.

SUSPENSIYON NG TRABAHO SA MUNICIPAL GOVERNMENT OFFICESAlinsunod sa Memorandum Circular No. 132 ng Office of the Presiden...
28/08/2026

SUSPENSIYON NG TRABAHO SA MUNICIPAL GOVERNMENT OFFICES

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 132 ng Office of the President at Executive Order No. 106, Series of 2026, suspendido ang regular na trabaho sa mga tanggapan ng Municipal Government of Binmaley simula 1:00 P.M. ngayong Agosto 28, 2026.

Patuloy namang mag-ooperate ang mga personnel na kinakailangan para sa essential, emergency, health, disaster-response, public safety, at iba pang vital services.

Kaligtasan ng ating mga kawani at ng publiko ang pangunahing prayoridad.

BAYAN MUNA BAGO SARILI

WALANG PASOK | AGOSTO 28, 2026Ipinababatid sa lahat na SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas, kapwa pamp...
27/08/2026

WALANG PASOK | AGOSTO 28, 2026

Ipinababatid sa lahat na SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas, kapwa pampubliko at pribadong paaralan, sa buong Municipality of Binmaley, Pangasinan, sa Biyernes, Agosto 28, 2026.

Ang pagsususpinde ng klase ay bunsod ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat) at bilang bahagi ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan.

Inaatasan ang lahat ng paaralan na ipatupad ang naaangkop na Alternative Delivery Modalities (ADM) upang magpatuloy ang pagkatuto sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes.

Mangyaring manatiling ligtas, mapagmatyag, at sumubaybay lamang sa mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley para sa mga susunod na abiso.

BAYAN MUNA BAGO SARILI.

MAHALAGANG ANUNSYO | EXECUTIVE ORDER NO. 104, SERIES OF 2026Alinsunod sa Executive Order No. 104, Series of 2026, walang...
26/08/2026

MAHALAGANG ANUNSYO | EXECUTIVE ORDER NO. 104, SERIES OF 2026

Alinsunod sa Executive Order No. 104, Series of 2026, walang awtomatikong suspensyon ng face-to-face classes sa buong Municipality of Binmaley, Para sa Huwebes, Agosto 27, 2026.

Sa halip, ipatutupad ang localized, risk-based, at school-specific approach, kung saan ang bawat pampublikong paaralan ay magsasagawa ng pagtatasa batay sa aktuwal na kondisyon at kaligtasan sa kanilang lugar.

Ang mga pribadong paaralan at iba pang institusyong pang-edukasyon ay hinihikayat ding magsagawa ng sariling agarang safety at risk assessment at magpatupad ng naaangkop na hakbang alinsunod sa kanilang awtoridad at umiiral na mga patakaran.

Subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng inyong paaralan at mga kinauukulang awtoridad.

Bayan Muna Bago Sarili

WALANG PASOK | AGOSTO 26, 2026Alinsunod sa Executive Order No. 103, Serye ng 2026, ipinababatid ng Pamahalaang Bayan ng ...
25/08/2026

WALANG PASOK | AGOSTO 26, 2026

Alinsunod sa Executive Order No. 103, Serye ng 2026, ipinababatid ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley, Pangasinan na ang face-to-face classes sa lahat ng antas, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Bayan ng Binmaley, ay suspendido sa Miyerkules, 26 Agosto 2026.

Ang suspensyon ay ipinatutupad bilang pag-iingat at para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, kawani ng paaralan, at ng buong komunidad, bunsod ng banta ng malakas na pag-ulan, posibleng pagbaha, hindi ligtas na kondisyon ng mga lansangan, at iba pang panganib na may kaugnayan sa masamang panahon.

Sa kabila ng suspensyon ng face-to-face classes, ipagpapatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga naaangkop na learning modality, alinsunod sa mga umiiral na panuntunan at direktiba ng Department of Education.

Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas, mapagmatyag, at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley at ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at buong komunidad ay ating pangunahing prayoridad.

Address

Binmaley Municipal Hall, Pangasinan
Binmaley
2417

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Pedro "Pete" A. Merrera III posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share