Binmaley Mps Ftp's Aviation Security Group Class 2020-02

Binmaley Mps Ftp's Aviation Security Group Class 2020-02 Philippine National Police - Aviation Security Group Class 2020-02

21/12/2020

APAT NA SEGUNDO

Apat na segundo tumahimik ang kapaligiran,
Apat na segundo din nag pigil hininga ang ilan,
Mga mata'y tulala, at di makapaniwala,
Pati ang dibdib ay para bang magigiba,

Apat na putok ng baril ang nangibabaw sa katahimikan,
Apat na kalabit ng gatilyo na di mababalik kelan man,
Desisyon na di mo na mababawi kahit pa pagdusahan,
Ngayon ikay tulala, buong organisasyon ang nasira.

Organisasyong iyong minahal, ngayon ay binabatikos,
Nagdadalamhati, humihingi ng konting yapos,
Akin lang panawagan, wag kaming husgahan,
Dahil ang maling gawa ng iilan ay di nangangahulugan ng pangkalahatan.

Ngayon apat na segundo mo'y tapos na,
Kapalit ng habambuhay sa likod ng selda,
Iyong pag ninilayan ang maling gawa,
Ngunit ano pa ma'y huli na.

✍️Blck Ops

PNP Tuloy-tulou na maglilingkod sa mamamayan...

21/12/2020
12/12/2020
03/12/2020
26/11/2020

BAWAL ISUOT NG HINDI PULIS...

(c) DARAGA MPS

23/11/2020

Ang pamilya ang inspirasyon ng bawat miyembro ng PNP sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

20/11/2020

RANDOM DRUG TEST PARA SA POLICE TRAINEES

Isa sa mga matatag na pagtutuunan ng pansin ni PNP Chief PGEN SINAS ay ang bakuran ng PNP o INTERNAL CLEANSING. Kaya naman dapat mula sa mga bagitong pulis hanggang sa iba pa ay dapat negatibo sa Bawal Na Gamot.

Karagdagan pa kung atin ding matatandaan ng si SINAS pa ang Regional Director ng NCRPO
ginawa din niya ang Random Drug Test sa mga kapulisan ng NCRPO upang tiyakin na ang mga ito ay negatibo sa Bawal Na Gamot. At sunod sunod din ang matagumpay na pakikipaglaban ng NCRPO laban sa ILEGAL NA DROGA, na siya naman pagkahuli ng ibat-ibang sindikato.

Sa pahayag ni SINAS sa 15 Founding Anniversary ng PNP Training Service nitong Huwebes, ilulunsad nito ang RANDOM DRUG TEST sa mga Police Trainees.

"Dapat ilagay at tandaan ng Police Trainees na ang ILEGAL NA DROGA ay walang lugar sa Organization ng PNP."

"I'm hoping sa training niyo, sabihin niyo bawal na bawal ang droga. Bawal ang gumamit ng Droga, bawal ang magprotect ng droga, bawal tumanggap ng suhol galing sa mga drug lords,"

" So effectively immediately, pag mag-open tayo ng calls on the first day, maski ano pa 'yang opening mo, after that, cordon the area then have the drug test..." Dagdag pa ni Sinas.

Photo CTTO

Address

Binmaley

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Binmaley Mps Ftp's Aviation Security Group Class 2020-02 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share