02/10/2025
๐ฐ๐๐๐๐ข๐๐๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐๐ง, ๐๐๐ข๐ง๐๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ง๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ฅ๐ฒ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐๐๐ค ๐๐๐๐
Sa ika-lawang araw ng pagdiriwang ng 2025 National Celebration of Elderly Filipino Week na may temang โEmbracing Age: Living a Life with Dignity and Purpose,โ isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng Binmaley ang isang Medical Mission para sa mga senior citizen sa Binmaley Evacuation Center ngayong Oktubre 2, 2025.
Pinangunahan ito ni Mayor Pedro A. Merrera III, kasama si OSCA Head Leon Castro, ang Rural Health Unit of Binmaley sa pamumuno ni Rose Anne P. Ferrer, at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ni Governor Ramon Guico III.
Nag-alok ng ibaโt ibang serbisyong medikal para sa kalusugan at kagalingan ng mga nakatatanda.
Kabilang din sa mga tumulong sa pagbibigay ng serbisyong medikal sina:
- Dr. Klaudine Decena, MD
- Dr. John Marlou F. De Guzman, MD
- Dr. Olivan Y. Estrella, MD
- Dr. Virginia Delos Angeles, dating Municipal Dentist
- Dr. Reneland G. Buccat, kasalukuyang Municipal Dentist
Dumalo rin si First Lady Ana Merrera upang magbigay ng libreng gupit para sa mga lola, habang si Councilor Dr. Jun Carrera naman ay nagsagawa ng medical consultation.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang patuloy na malasakit at pagbibigay-halaga ng lokal na pamahalaan sa ating mga Senior Citizen, ang mga haligi ng lipunan at tagapaghatid ng karunungan at pamana ng ating bayan.