07/05/2026
𝐍𝐂𝐈𝐏 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐍𝐚𝐧𝐜𝐲 𝐀. 𝐂𝐚𝐭𝐚𝐦𝐜𝐨, 𝐈𝐤𝐢𝐧𝐚𝐭𝐮𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐓𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐬𝐚 𝐀𝐝𝐡𝐢𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐡𝐞𝐧𝐬𝐲𝐚
QUEZON CITY — Ikinagalak ni NCIP Secretary and Chairperson Nancy A. Catamco ang paglulunsad ng bagong gabay sa adhikain ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP):
“𝙈𝙖𝙨𝙖𝙜𝙖𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙗𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣: 𝙎𝙖𝙣𝙙𝙞𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙪𝙣𝙡𝙖𝙧𝙖𝙣.”
Ayon kay Sec. Nancy, sumasalamin ang nasabing pahayag sa tunay na diwa ng mandato ng Komisyon na itaguyod ang mas maunlad, empowered, at matatag na mga katutubong pamayanan bilang mahalagang haligi ng pambansang kaunlaran.
“Hindi lamang ito simpleng pahayag kundi isang malinaw na deklarasyon ng ating mandato at layunin bilang isang institusyon,” ani Sec. Nancy.
“Ang masagana at nagkakaisang pamayanang katutubo ay mahalaga hindi lamang sa pagpapanatili ng kultura kundi maging sa pagsusulong ng isang inklusibo at maunlad na bansa,” patuloy niya.
Binigyang-diin ni Sec. Nancy na magsisilbing gabay at panawagan ang bagong adhikain para sa lahat ng opisyal, kawani, at katuwang ng NCIP sa pagpapatupad ng mga programa at patakarang magpapabuti sa kabuhayan, karapatan, at pangkalahatang kalagayan ng mga katutubong Pilipino.
Pinasalamatan din ni Sec. Nancy ang mga bumuo ng nasabing pahayag, na aniya’y sumasalamin sa kolektibong adhikain ng pagkakaisa, pagbibigay-lakas, at pambansang pag-unlad.
“Sa pamamagitan ng adhikaing ito, tayo ay magpapatuloy nang may panibagong sigla at malinaw na direksyon. Tinitiyak natin na walang maiiwang katutubong pamayanan sa ating paglalakbay tungo sa sustenableng kaunlaran,” dagdag pa ni Sec. Nancy.
Muling pinagtibay ni Sec. Nancy ang pangako ng NCIP na manatiling matatag sa pagsusulong at pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga katutubo bilang mahalagang katuwang sa pagkamit ng tunay at pangmatagalang kaunlaran ng bansa.
PambansangKaunlaran