Bokal Macoy Loto Jinang

Bokal Macoy Loto Jinang Ito po ang Opisyal na page ni Konsehal-Bokal Mark Angelo "MACOY" LOTO JINANG mula sa Bayan ng Boac, Lalawigan ng Marinduque.

Siya din ay kasalukuyang Pangulo ng Philippine Councilors League (PCL) - Marinduque Federation at SP Member (Ex-Officio). Napaka-promising ng career ni KONSEHAL MARK ANGELO LOTO JINANG o mas kilala bilang “KONS MACOY” ng siya ay tumugon sa panawagan ng serbisyo publiko. Ang kanyang mga naging karanasan sa marginalized sector noong siya ay nag-aaral pa lamang ng kolehiyo at maging habang nagsasaga

wa ng community outreach activities sa ilang multinational na kumpanya kung saan naman siya nagtrabaho, ang nagmulat sa kanya sa mahirap na kalagayan ng ating mga kapos-palad na kababayan. Sa kanyang adbokasiya na magkaroon ng maayos na edukasyon at kalusugan para sa lahat,” itinatag ni Konsehal Macoy ang “Tungo sa Magandang Hinaharap Movement” noong taong 2010. Ito ay tumutugon sa mga pangangailangang pang-edukasyon ng mga mag-aaral ng daycare at kinder sa mga pampublikong paaralan at nagsasagawa din ng feeding program sa ibat-ibang komunidad ng ating bayan. Ngunit, ang kanyang mga karanasan na makapagbahagi sa ilan nating mga kababayan ang lalong nagmulat sa kanya sa isang katotohanan na marami talagang nangangailangan at sa abot ng kanyang makakaya ay may magagawa at maitutulong pa siya. Dahil dito, nagdesisyon si Konsehal Macoy na pasukin ang mundo ng paglilingkod bilang isang public servant at tinanggap ang hamon ng bayan na ito ay paglingkuran. Dala-dala ang kanyang prinsipyo at talino na naghahangad ng isang tunay na pagbabago na may malasakit sa tao, nanalo siya noong nakaraang 2019 National and Local Election bilang Municipal Councilor o Sangguniang Bayan Member ng Boac, Marinduque. Sa labis na pagmamahal at pagtitiwala ng tao, ay nakuha agad niya ang pangalawang pinakamataas na bilang ng mga boto na may humigit 13,000 sa kanyang unang paghangad bilang konsehal.. Ang naging desisyon ni Konsehal Macoy ay hindi naging sorpresa sa kanyang mga pamilya, kaibigan at lahat ng sumusuporta at nagtitiwala sa kanya, dahil bata pa lamang siya ay nasa dugo na niya ang paglilingkod. Bakas sa kanya ang mga ito dahil siya ay dating student and youth leader noong elementarya, sekondarya at kolehiyo. Nakilala din si Konsehal Macoy Jinang sa kanyang dalisay na intensyon na makapaglingkod ng tapat at may reputasyon ng epektibong pamumuno at serbisyo publiko. Siya rin ay apo ng dating Konsehal ng Bayan na si Andres Macayaon Jinang Sr. at pamangkin ng dating Senior Provincial Board Member Mel Jinang Go. Siya ay ipinanganak noong 01 Oktubre 1992 sa Boac, Marinduque. Isang tunay na Boakenyo, apo ng Ilaya ng Boac. Natapos ni Macoy ang kanyang elementarya at sekondaryang pag-aaral sa isang pampublikong paaralan kung saan nagtapos siya ng may karangalan noong elementarya at isang parangal sa pamumuno o bilang student leader na nagmula naman kay Vice-President Noli De Castro noong siya ay nasa sekondarya. Nakuha niya ang kanyang diploma sa kolehiyo mula sa Unibersidad ng Santo Tomas na may degree ng BA Sociology at post-graduate units sa Industrial Relations sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Dati siyang nagtrabaho bilang HR Assistant Manager sa isang international bank, Maybank Philippines at HR Assistant sa isang multinational beer manufacturing company, San Miguel Brewery, Inc. Bilang isang batang lingkod-bayan, si Konsehal Macoy ay naglalaan ng oras at sinisikap na ang bawat barangay o komunidad sa bayan ng boac ay mapanatili o magkaroon pa ng higit na pag unlad, himukin ang bawat mamamayan na makilahok sa mga demokratikong proseso, at mailapit ang gobyerno sa tao lalo na pagdating sa mabuting pamamahala at pagtugon sa mga serbisyong panlipunan. At para sa mga nakapag benepisyo na sa iba't ibang ordinansa, programa, aktibidad at proyektong pinasimulan ni Konsehal Macoy at ng Tungo sa Magandang Hinaharap Movement, ang kanyang muling pagkapanalo para sa ikalawang termino noong nakaraang halalan ika-9 ng Mayo taong 2022 ay isang malaking hakbang para maipag-patuloy pa ang kanyang misyon, ang misyon ng bawat isa na makamit ang mas maganda pang hinaharap ng bayan ng Boac.

MOGPOG, TAGAPAGPRESERBA NG KULTURA, TAGAPAGHUBOG NG PAGKAKAKILANLAN!Isang makalahing araw po, mga kasama!Isang makabuluh...
31/08/2026

MOGPOG, TAGAPAGPRESERBA NG KULTURA, TAGAPAGHUBOG NG PAGKAKAKILANLAN!

Isang makalahing araw po, mga kasama!

Isang makabuluhang pagdiriwang po ng kultura ang isinagawang Tubungan Competition sa Bayan ng Mogpog, isang patunay kung gaano kahalaga para sa mga Mogpogueño ang kanilang mga ugat, tradisyon, at pamana. Sa bawat likhang kamay, sayaw, awit, at kuwentong ipinapasa sa susunod na henerasyon, buhay na buhay ang kulturang tunay na atin.

Kapansin-pansin po kung paano binibigyang-halaga ng Bayan ng Mogpog ang pagpapanatili ng ating kultura. Hindi lamang po ito pag-alala sa nakaraan, kundi isang sama-samang pagsisikap na panatilihing buhay ang mga tradisyong bumuo sa pagkakakilanlan ng bawat Mogpogueño at Marinduqueño.

At higit sa lahat, ang ganitong pagpapahalaga sa kultura ay sumasalamin sa bawat mamamayan. Makikita rito ang kanilang pagiging masipag, malikhain, mapagmalaki sa pinagmulan, at higit sa lahat, may malasakit sa pamana na ipapasa sa susunod na salinlahi. Sapagkat ang kulturang inaalagaan ng isang bayan ay kulturang patuloy na nagbibigay-buhay sa pagkakaisa at pagmamahal sa sariling atin.

Maraming salamat po sa Bayan ng Mogpog sa patuloy na pag-iingat at pagpapayabong sa ating kultura. Sa bawat tradisyong pinapahalagahan natin ngayon, mas matatag nating hinaharap ang kinabukasang may pagmamalaki sa kung sino tayo at saan tayo nagmula.





30/08/2026

𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜, 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜𝗛𝗔𝗡, 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗚𝗨𝗧𝗔𝗡

Ngayong National Heroes Day, buong puso po tayong nagbibigay-pugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at sakripisyo para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan.

Ngunit ang kabayanihan ay hindi lamang bahagi ng ating kasaysayan. Sa bawat Pilipinong tapat na nagsisilbi, tumutulong sa kapwa, at gumagawa ng tama para sa bayan, patuloy na nabubuhay ang diwa ng kabayanihan.

Bilang mga lingkod-bayan, gawin nating inspirasyon ang kanilang halimbawa upang patuloy tayong maglingkod nang may malasakit, katapatan, at paninindigan.

𝗦𝗮𝗹𝘂𝗱𝗼 𝗽𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼! 🇵🇭





30/08/2026

PANUNUMPA SA HARAP NG PANGULO, PAGTANGGAP SA MAS MALALIM NA PANANAGUTAN SA BAYAN.

Video courtesy of Radio Television Malacañang - RTVM





30/08/2026

𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐋𝐄𝐍𝐓𝐎 𝐀𝐓 𝐊𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐃𝐔𝐐𝐔𝐄Ñ𝐎: 𝐓𝐔𝐁𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐄𝐓𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐎𝐆𝐏𝐎𝐆 𝟐𝟎𝟐𝟔





PANUNUMPA SA HARAP NG PANGULO, PAGTANGGAP SA MAS MALALIM NA PANANAGUTAN SA BAYAN.Isang maka-kabataan at makabuluhang ara...
29/08/2026

PANUNUMPA SA HARAP NG PANGULO, PAGTANGGAP SA MAS MALALIM NA PANANAGUTAN SA BAYAN.

Isang maka-kabataan at makabuluhang araw po, mga kasama!

Isang malaking karangalan po para sa atin ang makapanumpa sa Malacañang Palace, sa harap po ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang miyembro ng National Board ng Philippine Councilors League (PCL) at ganoon din po bilang Regional Council Chairperson ng PCL MIMAROPA.

Hindi po araw-araw na nabibigyan ng pagkakataong makapanumpa sa loob ng tahanan ng Pangulo ng ating bansa. Kaya sa bawat sandali ng seremonyang ito, higit sa karangalan, ang naramdaman po natin ay isang mas malalim na pananagutan. Ang posisyong ipinagkatiwala sa akin ay hindi lamang titulo o pagkilala. Baon ko po rito ang tiwala ng mga kapwa ko lingkod-bayan, at higit sa lahat, ang pangalan ng ating minamahal na lalawigan ng Marinduque.

Nabigyan din po tayo ng pribilehiyo na makausap nang personal ang ating mahal na Pangulo at atin pong naiparating sa kanya ang ilan sa mga suliranin at pangangailangan ng ating Lalawigan ng Marinduque, tulad na lamang ng problema sa kuryente at ganoon din ang pagpapaunlad pa ng ating ospital at serbisyong medikal.

Kasunod po nito ay nakibahagi po tayo sa isang Lunch Meeting kasama ang ating iginagalang na Cabinet Secretary na si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr., sa tanyag na Goldenberg Mansion. Ito po ay isa sa mga makasaysayang gusali sa Malacañang na sumasalamin sa mayamang kasaysayan at pamana ng ating bansa. Nagkaroon din po tayo ng pagkakataong mabisita ang ilan sa mga heritage museum ng Malacañang, kung saan matutunghayan po ang mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating mga naging pangulo, mga presidential memorabilia, at mga kuwento ng mga naging lider ng ating bansa, pati na rin ang mga mahahalagang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa ating isla hanggang sa National Board, dadalhin po natin ang parehong paninindigan: ang magsilbi nang may puso, makinig nang may malasakit, at gamitin ang bawat pagkakataon upang maitaguyod ang kapakanan ng ating mga kababayan. Ang panunumpa pong ito ay hindi pagtatapos ng isang pangarap. Isa po itong panibagong simula, panibagong hamon, at panibagong panata na mas lalo pang paghusayan ang paglilingkod sa bayan.

Maraming salamat po sa tiwala. Ang karangalang ito ay para sa ating lahat. Patuloy po tayong maglilingkod, kasama kayo, tungo sa mas maganda at mas maunlad pang hinaharap.





17th Sangguniang Panlalawigan48th Regular Session August 20, 2026 – 1:00 PMSP Session Hall, Boac Provincial Capitol Buil...
28/08/2026

17th Sangguniang Panlalawigan
48th Regular Session
August 20, 2026 – 1:00 PM
SP Session Hall, Boac Provincial Capitol Building.
HIGHLIGHTS:

1. Itinukoy sa COMMITTEE ON LAND USE, ZONING, REAL PROPERTY ASSESSMENT, AND URBAN PLANNING AND DEVELOPMENT at sa COMMITTEE ON TOURISM DEVELOPMENT AND CULTURAL HERITAGE ang kopya ng Memorandum No. 077 s. 2026 mula kay Acting Governor Romulo A. Bacorro, Jr., na humihiling ng awtoridad para sa pag-install at operasyon ng Terrestrial Automatic Identification System (AIS) Receiver Station sa Luzon Datum Site, Mogpog, katuwang ang PixelTech Phils., Inc. at Bayan ng Mogpog;

2. Itinukoy sa COMMITTEE ON RULES, LAWS, AND ORDINANCES at sa COMMITTEE ON TOURISM DEVELOPMENT AND CULTURAL HERITAGE ang kopya ng liham mula kay Atty. Benedict S. Cartagena, Provincial Legal Officer, na humihiling ng awtoridad para sa Gobernador na lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Provincial Government of Marinduque at Municipality of Torrijos, kaugnay ng ₱350,000.00 financial assistance para sa 126th Commemoration of the Battle of Pulang Lupa sa Setyembre 13, 2026;

3. Itinukoy sa COMMITTEE ON RULES, LAWS, AND ORDINANCES ang kopya ng liham mula kay Ms. Rosario DG Recalde, SB Secretary ng Santa Cruz, na isinusumite sa Sangguniang Panlalawigan para sa pagsusuri at pag-apruba ng mga sumusunod:

Municipal Ordinance No. 322 s. 2026 na may titulong “AN ORDINANCE TO ESTABLISH/CLOSE A PORTION OF MABINI STREET LOCATED IN BARANGAY BANAHAW, SANTA CRUZ, MARINDUQUE AND DECLARING THE SAME NO LONGER INTENDED FOR PUBLIC USE”; at

Municipal Ordinance No. 327 s. 2026 na may titulong “AN ORDINANCE APPROVING THE RE-ESTABLISHMENT/RECLASSIFICATION OF A DE-ESTABLISHED AND ABANDONED PORTION OF ROAD LOT AT MABINI STREET LOCATED IN BARANGAY BANAHAW, SANTA, CRUZ, MARINDUQUE INTO RESIDENTIAL LOT FOR DISPOSITION TO QUALIFIED BENEFICIARIES UNDER THE LOCAL SOCIALIZED HOUSING PROGRAM”;

4. Itinukoy sa COMMITTEE ON RULES, LAWS, AND ORDINANCES at sa COMMITTEE ON GAMES AND AMUSEMENT ang kopya ng liham mula kay Ms. Rosario DG Recalde, SB Secretary ng Santa Cruz, na isinusumite sa Sangguniang Panlalawigan para sa pagsusuri at pag-apruba ng Municipal Ordinance No. 328 s. 2026 na may titulong “AN ORDINANCE ESTABLISHING THE REVISED AND CONSOLIDATED GUIDELINES, PROCEDURES, REQUIREMENTS, FEES AND REGULATIONS GOVERNING THE GRANT, OPERATION, AND MANAGEMENT OF COCKPIT FRANCHISES/LICENSES IN THE MUNICIPALITY OF SANTA CRUZ, MARINDUQUE, INCLUDING THE REGULATION OF COCKPIT ACTIVITIES AND CLOSED, ON-SITE TECHNOLOGY-BASED BETTING TERMINALS, AND FOR OTHER RELATED PURPOSES”;

5. Itinukoy sa COMMITTEE ON RULES, LAWS, AND ORDINANCES at sa COMMITTEE ON HEALTH AND NUTRITION ang kopya ng liham mula kay Ms. Rosario DG Recalde, SB Secretary ng Santa Cruz, na isinusumite sa Sangguniang Panlalawigan para sa pagsusuri at pag-apruba ng Municipal Ordinance No. 329 s. 2026 na may titulong “AN ORDINANCE MANDATING THE ESTABLISHMENT OF MUNICIPAL PHARMACIES IN THE HEALTH FACILITIES OF THE MUNICIPAL HEALTH OFFICE (RURAL HEALTH UNIT I, RURAL HEALTH UNIT 2, SANTA CRUZ SUPER HEALTH CENTER) PROVIDING FUNDS THEREOF AND FOR OTHER RELATED PURPOSES”;

6. Inaprubahan sa unang pagbasa ang panukalang ordinansa na may titulong “AN ORDINANCE INSTITUTIONALIZING THE REGISTRY OF BARANGAY INHABITANTS AND MIGRANTS (RBIM) AS THE OFFICIAL LOCAL POPULATION AND MIGRATION INFORMATION SYSTEM OF THE PROVINCE OF MARINDUQUE, MANDATING THE PARTICIPATION OF ALL MUNICIPAL AND BARANGAY LOCAL GOVERNMENT UNITS IN ITS IMPLEMENTATION, ESTABLISHING A PROVINCIAL FRAMEWORK FOR THE GENERATION, MANAGEMENT, SHARING, AND UTILIZATION OF POPULATION DATA FOR DEVELOPMENT PLANNING, POLICY FORMULATION, PROGRAM TARGETING, RESOURCE ALLOCATION, AND GOOD GOVERNANCE, APPROPRIATING FUNDS THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES”;

7. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 746 s. 2026 na may titulong “RESOLUTION ADOPTING COMMITTEE REPORT NO. 184-2026 OF THE COMMITTEE OF THE WHOLE REGARDING VARIOUS ITEMS REFERRED TO THE COMMITTEE”.

8. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 748 s. 2026 na may titulong “RESOLUTION FAVORABLY ENDORSING TO THE OFFICE OF THE GOVERNOR THE GRANT OF FINANCIAL ASSISTANCE IN THE AMOUNT NOT EXCEEDING ONE HUNDRED THOUSAND PESOS (P100,000.00) TO MR. JOSHUA MATHEW MACUD, THE OFFICIAL PHILIPPINE REPRESENTATIVE TO THE MISS AND MISTER DEAF WORLD EUROPE AND GLOBAL 2027 TO BE HELD IN PRAGUE, CZECH REPUBLIC, FROM JULY 20 TO 29, 2027”;

9. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 749 s. 2026 na may titulong “RESOLUTION ENDORSING TO THE OFFICE OF THE GOVERNOR THE REQUEST OF THE PROVINCIAL TOURISM AND CULTURAL OFFICE (PTCO) FOR ADDITIONAL APPROPRIATION FOR THE CONDUCT OF THE PROVINCIAL TOURISM SUMMIT ON SEPTEMBER 24-25, 2026, WITH THE PROPOSED ADDITIONAL FUNDING TO BE CONSIDERED FOR CHARGING AGAINST THE REPRESENTATION EXPENSES ACCOUNT AND/OR OTHER ACCOUNTS DEEMED APPROPRIATE UNDER THE OFFICE OF THE GOVERNOR”;

10. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 750 s. 2026 na may titulong “RESOLUTION AUTHORIZING THE HONORABLE GOVERNOR MELECIO J. GO TO ENTER INTO AND SIGN A MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA), FOR AND ON BEHALF OF THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF MARINDUQUE, WITH THE MUNICIPALITY OF TORRIJOS, MARINDUQUE, FOR THE TRANSFER OF FUNDS AMOUNTING TO THREE HUNDRED FIFTY THOUSAND PESOS (P350,000.00) AS FINANCIAL ASSISTANCE FOR THE 126TH COMMEMORATION OF THE BATTLE OF PULANG LUPA ON SEPTEMBER 13, 2026”;

11. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 751 s. 2026 na may titulong “RESOLUTION CONGRATULATING AND COMMENDING MS. JESSICA NIDUAZA, MS. ANDREA CALALANG, AND MR. GENROJ LOUISE LAGUNA, TOGETHER WITH THEIR COACH, MR. CHRISTOPHER J. REBISTUAL, ALL OF MARINDUQUE STATE UNIVERSITY, FOR EMERGING AS CHAMPIONS IN THE DOST RSTW 2026 SCIENCE, TECHNOLOGY AND DIGITAL INNOVATION COMPETITION, UNDER THE THEME "DRIVING FOOD SECURITY, SUSTAINABLE ENERGY AND NATIONAL RESILIENCE," FOR THEIR PROJECT ENTITLED "AGAP – AUTOMATED GRID ALERT PREPAREDNESS";

12. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 752 s. 2026 na may titulong “RESOLUTION CONGRATULATING AND COMMENDING THE MUNICIPALITY OF TORRIJOS, MARINDUQUE, FOR WINNING FIRST PLACE IN THE DOST-MIMAROPA BEST COMMUNITY EMPOWERMENT THROUGH SCIENCE AND TECHNOLOGY (CEST) COMMUNITY AWARD DURING THE 2026 MIMAROPA REGIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK”;

13. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 753 s. 2026 na may titulong “CONGRATULATING AND COMMENDING THE TORRIJOS FIRE STATION FOR BEING HAILED AS THE BEST MUNICIPAL FIRE STATION IN THE MIMAROPA REGION DURING THE 35TH BUREAU OF FIRE PROTECTION ANNIVERSARY CELEBRATION IN ORIENTAL MINDORO”;

14. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 754 s. 2026 na may titulong “RESOLUTION CONGRATULATING AND COMMENDING MR. DAHN ANTHONY LANDOY PELIÑO FROM TUMAGABOK, BOAC, MARINDUQUE FOR HIS OUTSTANDING ACHIEVEMENTS IN NUMEROUS NATIONAL AND INTERNATIONAL MARTIAL ARTS' COMPETITIONS, THEREBY BRINGING IMMENSE PRIDE, HONOR, AND DISTINCTION TO THE PROVINCE OF MARINDUQUE”;

15. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 755 s. 2026 na may titulong “RESOLUTION EXPRESSING THE PROFOUND GRATITUDE AND APPRECIATION OF THE PROVINCE OF MARINDUQUE TO DIRECTOR RAFAEL "CHOLO" HIDALGO LAUREL FOR CHOOSING THE PROVINCE OF MARINDUQUE AS THE MAIN FILMING LOCATION OF THE NETFLIX MOVIE ENTITLED "GANITO, GANYAN, GANOON," THEREBY SHOWCASING THE PROVINCE'S NATURAL BEAUTY, CULTURAL HERITAGE, COMMUNITIES, AND UNIQUE CHARACTER TO A GLOBAL AUDIENCE”;

16. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 757 s. 2026 na may titulong “RESOLUTION ENACTING PROVINCIAL ORDINANCE NO. 273 SERIES OF 2026, AN ORDINANCE ENFORCING AND PROVIDING GUIDELINES IN THE LOCAL IMPLEMENTATION OF PERTINENT PROVISIONS OF REPUBLIC ACT NO. 7920, OTHERWISE KNOWN AS THE NEW ELECTRICAL ENGINEERING LAW AND ITS IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS, CREATING THE PROVINCIAL BOARD OF ELECTRICAL ENGINEERS AND ELECTRICIANS, MANDATING THE CREATION OF MUNICIPAL ELECTRICAL ENGINEERS AND ELECTRICIANS BOARD, AND FOR OTHER PURPOSES”;

17. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 758 s. 2026 na may titulong “RESOLUTION ENACTING PROVINCIAL ORDINANCE NO. 274 SERIES OF 2026, AN ORDINANCE NAMING THE ESTABLISHED TRAINING AND ASSESSMENT CENTER OF THE PROVINCIAL OF MARINDUQUE AS MARINDUQUE SKILLS AND TRAINING CENTER (MSTC), AMENDING FOR THIS PURPOSE CERTAIN PROVISIONS OF PROVINCIAL ORDINANCE NO. 234 SERIES OF 2024”;

18. Ipinasa ang Resolusyon Blg. 760 s. 2026 na may titulong “ADOPTING COMMITTEE REPORT NO. 185-2026 OF THE JOINT COMMITTEE ON WOMEN, FAMILY WELFARE, AND GENDER AND DEVELOPMENT AND THE COMMITTEE ON RULES, LAWS, AND ORDINANCES REGARDING PROPOSED ORDINANCE NO. 17-26, ENTITLED: "AN ORDINANCE RECOGNIZING INDIGENT COUPLES WHO HAVE REACHED THEIR 50TH WEDDING ANNIVERSARY, PROVIDING MEANS-TESTED FINANCIAL ASSISTANCE FOR THEIR RENEWAL OF VOWS, APPROPRIATING FUNDS THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES".





12th Sangguniang Bayan33rd Regular SessionAugust 25, 2026, 1:00 P.M.2nd F/Sangguniang Bayan Session Hall – New Municipal...
28/08/2026

12th Sangguniang Bayan
33rd Regular Session
August 25, 2026, 1:00 P.M.
2nd F/Sangguniang Bayan Session Hall – New Municipal Building

HIGHLIGHTS:

1. Ipinasa ang isang resolusyon na may pamagat na “A RESOLUTION DECLARING THE CALENDAR YEAR 2026 GENERAL FUND SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 1 OF BARANGAYS PILI, TAMPUS, AND BALIMBING, AND GENERAL FUND SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 OF BARANGAY BALIMBING, OPERATIVE IN THEIR ENTIRETY, CONSISTENT WITH LAW, AND WITHIN THE POWERS OF THE RESPECTIVE SANGGUNIANG BARANGAYS TO ENACT, SUBJECT TO THE COMMENTS AND RECOMMENDATIONS OF THE MUNICIPAL BUDGET OFFICER”;

2. Ipinasa ang isang resolusyon na may pamagat na “A RESOLUTION RESPECTFULLY URGING THE LOCAL CHIEF EXECUTIVE, HONORABLE ARMI DC. CARRION, TO CONVENE THE LOCAL FINANCE COMMITTEE AND FORMULATE A COLLECTION PLAN FOR UNSETTLED DISALLOWANCES";

3. Ipinasa ang isang resolusyon na may pamagat na "A RESOLUTION AUTHORIZING THE LOCAL CHIEF EXECUTIVE, HONORABLE ARMI DC. CARRION, TO PURSUE AND FILE ALL NECESSARY LEGAL CLAIMS INVOLVING UNSETTLED DISALLOWANCES FOR AND ON BEHALF OF THE MUNICIPALITY OF BOAC";

4. Ipinasa ang isang resolusyon na may pamagat na “A RESOLUTION SUSPENDING SECTION 7 PARAGRAPH (D) OF MUNICIPAL ORDINANCE NO. 2018-243, OTHERWISE KNOWN AS THE "REVISED REVENUE CODE OF 2018", WHICH GOVERNS THE TERMS AND CONDITIONS FOR PAYMENT AND IMPOSITION OF TAX ON RETAIL BUSINESSES”;

5. Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ang panukalang ordinansa na may pamagat na “AN ORDINANCE REQUIRING ALL NATIONAL GOVERNMENT AGENCIES, OFFICES AND GOVERNMENT CORPORATIONS TO COORDINATE WITH THE LOCAL GOVERNMENT OF BOAC, MARINDUQUE IN ALL PROJECT PLANNING AND IMPLEMENTATION TO BE INTRODUCED, ROLLED OUT OR IMPLEMENTED WITHIN THE MUNICIPALITY OF BOAC, MARINDUQUE”;

6. Ipinasa ang isang resolusyon na may pamagat na “A RESOLUTION COMMENDING AND CONGRATULATING MR. GENE ELPIE LANDOY, MS. RICA MAE ABACHE, AND MR. EMANUEL QUIMORA, MEMBERS OF THE LOCAL YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL (LYDC) OF BOAC, FOR EMERGING AS WINNERS OF THE SOCIAL AND BEHAVIOR CHANGE COMMUNICATION (SBCC) DESIGN CHALLENGE DURING THE 2ND MIMAROPA ADOLESCENT AND YOUTH HEALTH AND DEVELOPMENT (AYHD) REGIONAL SUMMIT, THEREBY BRINGING HONOR AND PRIDE TO THE PROVINCE OF MARINDUQUE AND THE MUNICIPALITY OF BOAC”;

7. Ipinasa ang isang resolusyon na may pamagat na “A RESOLUTION EMBODYING APPROPRIATION ORDINANCE NO. 2 – 2026 OF THE MUNICIPALITY OF BOAC, PROVINCE OF MARINDUQUE”.





28/08/2026

5TH REGULAR MEETING NG PCL MARINDUQUE FEDERATION OFFICERS: MGA MAHAHALAGANG USAPIN PARA SA MGA LOKAL NA MAMBABATAS





PAGTALAKAY SA MGA ORDINANSA PARA SA KAAYUSAN AT KAPAKANAN NG MGA BARANGAYIsang makabarangay na araw po, mga kasama!Bilan...
28/08/2026

PAGTALAKAY SA MGA ORDINANSA PARA SA KAAYUSAN AT KAPAKANAN NG MGA BARANGAY

Isang makabarangay na araw po, mga kasama!

Bilang Vice Chairperson po ng COMMITTEE ON BARANGAY AFFAIRS, tayo po ay dumalo at nanguna sa mga pagpupulong, kasama ang Chairperson ng nasabing komite, ang Liga ng mga Barangay President, Konsehala Donnah Miraflor kung saan atin pong tinalakay at sinuri ang ilang mga ordinansa ng mga barangay sa ating bayan.

Sa unang pagpupulong po, tinalakay ang Barangay Amoingon Ordinance No. 019 s. 2026 na naglalayong magtakda ng mga alituntunin sa pagprotekta at pagpapaunlad ng likas na yaman sa buong hurisdiksyon ng Barangay Amoingon. Kasabay nito po, sinuri rin ang Barangay Buliasnin Ordinance No. 2026-004 patungkol sa pagpapangalan sa multi-purpose covered court bilang Christopher M. Montejo Multi Purpose Covered Court, bilang pagkilala sa lupang inialay ni Mr. Christopher M. Montejo para sa naturang pasilidad. Isinama rin po sa talakayan ang Barangay Duyay Ordinance Blg. 003 serye ng 2026, na naglalayong maglibre sa bayarin sa tubig ng mga pampublikong tanggapan at ng Duyay Elementary School, bilang tulong sa mga institusyong naglilingkod sa komunidad.

Sa ikalawang pagpupulong po naman, apat na ordinansa mula sa Barangay Tabigue ang ating sinuri. Kabilang po dito ang Barangay Tabigue Ordinance No. 2026-08 patungkol sa regulasyon ng videoke sa barangay, ang Barangay Tabigue Ordinance No. 2026-07 na naglalatag ng Peace and Order at Public Safety Code, ang Barangay Tabigue Ordinance No. 2026-06 na nagpapatupad ng liquor ban sa mga pampublikong lugar, at ang Barangay Tabigue Ordinance No. 2026-05 na nagtatakda ng curfew para sa mga menor de edad at kabataan. Ang bawat isa po sa mga ordinansang ito ay may layuning mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob ng barangay.

Ang bawat panukalang ating tinatalakay po ay bunga ng layuning makapaglatag ng mga polisiyang tutugon sa pangangailangan ng ating mga komunidad. Sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano, koordinasyon, at masusing pagsusuri ng mga ordinansa, patuloy po nating isusulong ang isang maayos, ligtas, at maunlad na Boac, tungo sa mas magandang hinaharap.






5TH REGULAR MEETING NG PCL MARINDUQUE FEDERATION OFFICERS: MGA MAHAHALAGANG USAPIN PARA SA MGA LOKAL NA MAMBABATASIsang ...
28/08/2026

5TH REGULAR MEETING NG PCL MARINDUQUE FEDERATION OFFICERS: MGA MAHAHALAGANG USAPIN PARA SA MGA LOKAL NA MAMBABATAS

Isang makabuluhang araw po, mga kasama!

Atin pong isinagawa ang 5th Regular Meeting of PCL Marinduque Federation Officers sa SB Session Hall ng Gasan Municipal Building, kung saan ay mainit po tayong tinanggap nina Mayor James Marty L. Lim at Vice Mayor Lidany “Leng” Arevalo - Baldo. Ito po ay bilang bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng mas matatag na samahan ng mga konsehal sa buong lalawigan at pag-usapan ang mga mahahalagang programa, polisiya, at gawain ng ating pederasyon.

Kabilang po sa mga tinalakay ang pakikipagdayalogo sa Philippine Coast Guard – Marinduque Station hinggil sa mga usapin sa maritime transportation, ang mga resolusyon mula sa PCL National Board kaugnay ng ISLA at special election para bakanteng posisyon ng pederasyon, at ang pagdaraos ng PCL Week 2026.

Kaugnay po ng Integrated and Strategic Legislative Advancement (ISLA) 2026, bilang opisyal at patuloy na Capacity Development Program para sa mga lokal na mambabatas, at kung saan din gaganapin ang nasabing eleksyon ng bakanteng posisyon sa PCL Marinduque Provincial Federation, ay tinalakay po ang mga plano at paghahanda para sa pagpapatupad, pati na rin ang mga kaugnay na gawain na nakapaloob dito.

Tinalakay din po ang mga gaganaping 3rd at 4th Quarter Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) at Year-End Assembly. Kasama rin sa agenda ang adoption ng Digital Events Management System, amendment ng regular meeting ng PCL Marinduque Federation, at proposed annual membership dues, bukod sa mga ulat ng ating mga opisyal.

Patuloy po nating pinapalakas ang PCL Marinduque Federation hindi lamang bilang samahan, kundi bilang katuwang sa paghubog ng mas mahusay, mas responsable, at mas makabuluhang lokal na pamamahala. Sa bawat pagpupulong, bawat talakayan, at bawat hakbang, sama-sama po nating itinataguyod ang kapakanan ng mga konsehal at ng mga Marinduqueñong kanilang pinaglilingkuran, tungo sa mas maganda at mas maunlad na hinaharap.





Address

Boac
4900

Telephone

+639171383988

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bokal Macoy Loto Jinang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bokal Macoy Loto Jinang:

Shortcuts

Share

Category