10/10/2025
PLS SHARE:
𝗧𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗚𝗢𝗧 𝗧𝗨𝗡𝗚𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 $100𝗠 𝗦𝗘𝗧𝗧𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗚𝗥𝗘𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 (𝗦𝗔) 𝗡𝗔 𝗔𝗣𝗣𝗥𝗢𝗩𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗧 𝗢𝗙 𝗔𝗣𝗣𝗘𝗔𝗟𝗦 (𝗖𝗔)
Prepared by: Former Vice Governor Adeline Lyn Angeles (10/9/2025)
𝙏𝘼𝙉𝙊𝙉𝙂: 𝘼𝙉𝙊 𝘼𝙉𝙂 𝙎𝙀𝙏𝙏𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏 𝘼𝙂𝙍𝙀𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊? 𝘽𝘼𝙆𝙄𝙏 𝙈𝙀𝙍𝙊𝙉 𝙉𝙄𝙏𝙊? 𝙋𝘼𝘼𝙉𝙊 𝙄𝙏𝙊 𝙉𝘼𝙂𝙎𝙄𝙈𝙐𝙇𝘼?
Kapareho ba ito ng kasong isinampa ng Provincial Government ng Marinduque sa Nevada, USA noon sa pamumuno ni Gov. Reyes na kung saan nagkaroon din ng Proposed Settlement for $20M ngunit ni-reject ng PGM noon at na-dismiss naman ang kaso sa Nevada?
I𝙏𝙊 𝘽𝘼 𝘼𝙔 𝙎𝙀𝙏𝙏𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙒𝙄𝙏𝙃 𝙈𝘼𝙍𝘾𝙊𝙋𝙋𝙀𝙍 𝙈𝙄𝙉𝙄𝙉𝙂 𝘾𝙊𝙍𝙋𝙊𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙉𝘼 𝘿𝙄𝙉?
𝙎𝘼𝙂𝙊𝙏:
1. Walang Settlement Agreement with Marcopper (MMC) at patuloy pa rin silang naka-demanda.
2. Ang $100M Settlement Agreement na ngayon ay inaprubahan na ng Court of Appeals (CA) ay sa pagitan ng Barrick Gold Corporation at Provincial Government of Marinduque (PGM) sa panahon ni dating Gov. Velasco. Hindi kasali sa agreement na ito ang Marcopper Mining Corporation kaya’t sila’y idinemanda pa rin ng Provincial Gov’t sa pangunguna ni dating Gov. Velasco Jr. Kaya MALI na sabihing ito ay Marcopper Settlement Agreement.
3. Ang $100M ay hindi kusang inoffer. Ito ay ipinaglaban kaugnay sa isang kasong “Writ of Kalikasan” na nasa 14 taon ipinag-laban sa Supreme Court, Court of Appeals, at sa mga Local at International Mediation Fora.
4. Ang kasong “Writ of Kalikasan” na konektado sa Settlement Agreement at Court of Appeals Decision ay iba sa kasong isinampa noon ng Provincial Government led by Gov. Carmencita Reyes sa Nevada, USA kung saan nagkaroon din ng isang Proposed Settlement Agreement for $20M na ni- reject ng Province at ang kaso naman sa Nevada ay na-dismiss. Ibang kaso ito.
5. Ang kaso/Petition for “Writ of Kalikasan” na nagbigay-daan ngayon sa $100M Settlement Agreement ay isinampa ng 3 ordinaryong mamamayan sa Supreme Court noong 2011 sa gabay ng MACEC. Ang 3 taong ito ay sina: 1) Eliza Herrnandez (labandera mula sa Balimbing, Boac); 2) Godofredo Manoy (magsasaka mula sa Bocboc, Mogpog); at Mamerto Lanete (mangingisda mula sa Lupac, Boac). Ang kanilang hiling ay Temporary Environmental Protection Order na in substance ay isang legal remedy para ma-address ang naging epekto ng pagmimina ng Marcopper sa lalawigan/remediation. at maprotektahan ang buhay, kalusugan, kalikasan at ari-arian mula dito.
Note: Si G. Fred Manoy at si Gng. Eliza Hernandez ay pareho nang namayapa.
𝙏𝘼𝙉𝙊𝙉𝙂: 𝙋𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙥𝙪𝙢𝙖𝙨𝙤𝙠 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙧𝙤𝙫𝙞𝙣𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙂𝙤𝙫𝙚𝙧𝙣𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙣𝙙𝙪𝙦𝙪𝙚?
𝙎𝘼𝙂𝙊𝙏: Sa Kahilingan na rin ng MACEC at ng mga petitioner, upang mapalakas ang nasabing kaso noon, ay binigyan ng authority ng Sangguniang Panlalawigan si dating Gov. Presbitero Velasco Jr. upang mag-intervene ang Provincial Government sa “Writ of Kalikasan Case” bilang Petitioner-Intervenor.
Nagkaroon ng court-sanctioned mediation processes sa local at international fora at ang resulta ay ang $100M Settlement Agreement na pinag-uusapan ngayon between PGM and Barrick Gold Corporation na aprubado na ng Court of Appeals.
𝙏𝘼𝙉𝙊𝙉𝙂: 𝙎𝙞𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙧𝙞𝙘𝙠 𝙂𝙤𝙡𝙙 𝘾𝙤𝙧𝙥𝙤𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣?
𝙎𝘼𝙂𝙊𝙏: Ito ay Canadian corporation na nakabili sa Placer Dome Inc. (PDI). Ang PDI naman ay naging isa sa mga dating may-ari ng Marcopper noong naga-operate pa ang Marcopper sa Marinduque (around 39.9% ownership as per record).
Bagaman at na-acquire ng Barrick ang PDI noong 2006 lamang na wala ng operation ang Marcopper at nag-divest na ng interest ang PDI sa Marcopper (MMC), hinabol pa rin sa kasong ito ang Barrick Gold kasama ng Placer Dome.
𝙏𝘼𝙉𝙊𝙉𝙂: 𝙎𝘼𝘼𝙉 𝙋𝙒𝙀𝘿𝙀 𝙂𝘼𝙈𝙄𝙏𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 $100 Million?
𝙎𝘼𝙂𝙊𝙏: Sapagkat ang pinagmulan ng settlement amount na ito ay ang kasong “Writ of Kalikasan” na ang demand/prayer in substance ay environmental rehabilitation to address environmental threats caused by the operation of Marcopper, it was determined by the Provincial Government when the Settlement Agreement was ratified that aside from the legal obligations sa lawyers based on approved Terms of Reference (TOR) in 2020 & Contract of Engagement, ang proceeds ng Settlement Agreement ay gagamitin lamang para sa Rehabilitation that shall be based on an approved scientific and comprehensive Rehabilitation Plan that is also a product of stakeholders’ consulation.
𝙏𝘼𝙉𝙊𝙉𝙂: 𝙎𝘼𝙋𝘼𝙏 𝘽𝘼 𝘼𝙉𝙂 𝙎𝙀𝙏𝙏𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙁𝙐𝙉𝘿 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙄𝙎𝘼𝙉𝙂 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙍𝙀𝙃𝙀𝙉𝙎𝙄𝙑𝙀 𝙍𝙀𝙃𝘼𝘽𝙄𝙇𝙄𝙏𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉?
𝙎𝘼𝙂𝙊𝙏: Maaring 𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 dahil narin sa lawak ng damage sa lalawigan epekto ng dating pagmimina. 𝙆𝘼𝙔𝘼 𝙉𝙂𝘼, bagaman at may $100M Settlement Agreement na with Barrick ay 𝙋𝘼𝙏𝙐𝙇𝙊𝙔 𝙋𝘼 𝙍𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙎𝙊𝙉𝙂 𝙄𝙎𝙄𝙉𝘼𝙈𝙋𝘼 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙈𝘼𝙍𝘾𝙊𝙋𝙋𝙀𝙍 𝙈𝙄𝙉𝙄𝙉𝙂 𝘾𝙊𝙍𝙋𝙊𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 (𝙈𝙈𝘾) sapagkat sila ang may pinakamalaking pananagutan sa lahat ng damage bunga ng kanilang mining operation.
𝙉𝙊𝙏𝙀: 𝙈𝘼𝙇𝙄𝙄𝙏 𝘿𝘼𝙒 𝘼𝙉𝙂 $100 𝙈𝙞𝙡𝙡𝙞𝙤𝙣 𝙎𝙀𝙏𝙏𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙁𝙐𝙉𝘿?
1. Ang $100 Million ay maliit para sa ilan subalit malaki ito (5 times) kumpara sa $20Million na dating Proposed Settlement Fund noong 2012 na meron pang napakabibigat na conditions n ani-negotiate ng mga Amerikanong abogado.
2. Ang $100 Million ay magmumula sa Barrick Gold lamang at hindi pa kasama ang hinahabol sa MARCOPPER (MMC) mismo na kasalukuyan pa ring nakademanda
3. Ang $100 Million ay halos katumbas ng Regular Budget ng Provincial Government of Marinduque sa loob ng 5 taon.
4. Ang Settlement Fund na ito ay magagamit sa lalong madaling panahon upang umpisahan ang long-term rehabilation lalo na sa mga areas at structures na “posing imminent danger” at pwedeng magsalba ng buhay, properties etc. kung sakali man.
5.
𝙏𝘼𝙉𝙊𝙉𝙂: 𝙆𝙐𝙉𝙂 𝙒𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙉𝘼𝙂𝙄𝙉𝙂 𝙎𝙀𝙏𝙏𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏 𝘼𝙂𝙍𝙀𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙎𝘼 𝙆𝘼𝙎𝙊𝙉𝙂 𝙄𝙏𝙊 (𝙒𝙧𝙞𝙩 𝙤𝙛 𝙆𝙖𝙡𝙞𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣), 𝘼𝙉𝙊 𝘼𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙉𝙂𝙔𝘼𝙔𝘼𝙍𝙄?
𝙎𝘼𝙂𝙊𝙏: Kung walang naging Settlement Agreement, ang kasong Writ of Kalikasan na 14 years nang nasa korte ay magpapatuloy sa paglilitis. Walang kaseguraduhan kung ilang taon pa ang itatagal bago ma-desisyunan. Wala ring kasiguraduhang maiipanalo o hindi madi-dismiss. O kung maipanalo man, walang kasiguraduhan na higit sa $100 Million value na rehabilitation fund/undertaking ang makukuha. Dahil pwede ding ma-dismiss ang Writ of Kalikasan case na walang ano mang fund or rehab initiatives ang magawa or mapondohan.
At least ngayon, may Settlement Fund na pwedeng magamit sa rehab. Hindi na kailangang maghintay ng ilang taon o dekada na naman na walang kasiguraduhan kung maiipanalo or madi-dismiss lamang. Maliban dito ay nandiyan pa rin naman ang kasong nakasampa laban sa Marcopper.
Ang kailngan lamangngayon ay masigurado na ang Settlement Funds at talagang magagamit ng maayos lalo na sa Envi-Rehabilitation.
𝙈𝘼𝙍𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙇𝘼𝙈𝘼𝙏…
𝘼𝙉𝙂 $100𝙈 (nasa P5.8 Billion) ay maaring hindi pa sapat sa lahat ng pangangailangang ma-address ang damages caused by previous mining operation ng Marcopper subalit ito ay isang significant achievement in our quest for environmental justice.
Salamat po sa lahat ng mga tahimik subalit seryosong naghirap, may tapang at tuloy-tuloy na nakipaglaban para dito at patuloy pa ring kumikilos…
Salamat sa mga petitioner:
… Kay ka Mamert Lanete na patuloy pa ring aktibong miyembro ng MACEC… kay Nanay Eliza Hernandez at kay dating Kgd. Godofredo Manoy na pareho nang namayapa … Ang Settlement Agreement po at ang desisyon na ito ng Court of Appeals (CA) ay legasiya ng pagmamahal ninyo sa kalikasan. Kung nasaan man po kayo, may God embrace you both for your love and service to His creation…
… Salamat din sa Provincial Government of Marinduque lalo na sa dating administrasyon sa pamumuno ng dating Governor Presbitero Velasco Jr.--- Ang inyo pong husay at galing sa batas at mediation ay malaki ang naitulong upang ito ay maging matagumpay. Salamat sa aking mga dating kasama sa 15th at 16th Sangguniang Panlalawigan at iba pang mga oposyales sa naging bahagi ng long journey at proceses…
… Salamat MACEC and mga organisasyong katuwang nito kasama na rin ang Mining Watch Canada.
… Salamat sa mga abogado, witnesses, consultants, support groups/individual at lahat ng mga naging instrumento at tumulong na mga environmental advocates…
SALAMAT SA DIYOS!
𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙋𝘼 𝙏𝘼𝙋𝙊𝙎 𝘼𝙉𝙂 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉:
Ang Settlement Agreement at Decision ng Court of Appeal (CA) ay nagpapakitang sa pagtutulungan ng lahat, kahit mahirap, kahit matagal, kapag inilalaban ng may galing, tapang, determinasyon, sa Awa ng Panginoon, may nangyayari. SALAMAT SA DIYOS!
SUBALIT HINDI PA PO TAPOS. KULANG PA… KAILANGAN PANG PATULOY NA ILABAN PA RIN ANG MGA KASO LABAN SA MARCOPPER NA NAKASAMPA NA SA MGA KORTE.
DITO INAASAHAN NAMAN ANG EPEKTIBONG PANGUNGUNA NG KASALUKUYANG MGA NAMUMUNO SA LALAWIGAN SA PANGUNGUNA NI GOV. MELECIO GO upang ang mga kasong ito na nakasampa na sa Korte ay maipagpatuloy, mapalakas at maipanalo para sa lubusan nang pagkamit ng kumpletong hustisyang ating pinaglalaban.
Misere Nobis!
MANILA, Philippines — The Court of Appeals (CA) has approved the $100-million (P5.8-billion) settlement agreement between the provincial government of Marinduque and Barrick Gold Corp., ending