akatz khi 'copy ninja'

akatz khi 'copy ninja' Tinig ng Katotohanan, Katuwang ng Mamamayan

11/07/2026

Never forget kung paano lumaya sina Jinggoy at B**g Revilla sa panahon ni Digong. And now, these two are again involved sa corruption sa flood control, pero ni isa ay walang inimbestigahan si Digong noong termino niya.

And we also don’t forget what Sarah Discaya said na nag-start silang mag-engage sa DPWH noong 2016, at sa taon din na 'yan nagsimulang yumaman ang mag-asawang Discaya. Pero Digong didn't blink an eye to investigate flood control scam sa DPWH kahit alam niya na may mga korapsyon nangyayari.

I hope we also don't forget kung paano illegally nakapasok itong mga illegal syndicates at POGO operators sa bansa at kumita sa POGO na siyang ugat sa mga krimen sa bansa.

We also don’t forget kung paano itong mga close allies ni Duterte, who were untouchable during his term, are now finally being caught by justice.

We never forget na tahimik si Digong sa flood control issue noon dahil kaalyado niya ang mga sangkot.

I hope Filipinos will never forget.

Maging panatiko sa Konstitusyon, hindi sa mga pulitiko.Ang Konstitusyon ang dapat maging sukatan ng tama at mali sa pama...
10/07/2026

Maging panatiko sa Konstitusyon, hindi sa mga pulitiko.
Ang Konstitusyon ang dapat maging sukatan ng tama at mali sa pamamahala—hindi ang pangalan, kulay, o partido. Ang mga pulitiko ay dumarating at umaalis, ngunit ang batas ang nananatili.
Kung mas mahal natin ang batas kaysa sa personalidad, mas matibay ang demokrasya.

21/06/2026

ABANGAN NATIN SA JUNE 11,2026 SA ARAW NG THURSDAY. ANG BLUE RIBBON NILA NI SP CAYETANO AT MARCOLETA👊👊👊

21/06/2026

Tinawag ng kampo ni Gatchalian na “bogus” at “peke” ang pagdinig ngayon.

Ngunit ang 18 dating Marines na humarap at tumestigo ay totoo.

Ang mga maleta na kanilang inilarawan ay totoo.

Ang mga alegasyon tungkol sa nawawalang ₱805 bilyon para sa flood control ay totoo.

At ang mga tanong na itinatanong ng milyun-milyong Pilipino ay totoong umiiral.

Ang mas mahirap unawain ay kung bakit tila mas maraming nagagalit sa mismong pagdinig kaysa sa mga alegasyong sinusuri nito.

Sa isang gumaganang demokrasya, ang imbestigasyon ay hindi tanda ng kahinaan. Ito ay tanda na may mga institusyong nagsisikap pa ring gampanan ang kanilang tungkulin. Ang layunin ng pagdinig ay hindi protektahan ang reputasyon ng sinuman, mga alyansang pampulitika, o pansariling interes. Ang layunin nito ay alamin ang katotohanan, paghiwalayin ang totoo sa hindi, at tiyaking ang pera ng bayan ay nagamit nang tama.

Kung mali ang mga alegasyon, dapat itong mapabulaanan sa pamamagitan ng ebidensya.

Kung totoo ang mga alegasyon, dapat may managot.

Sa alinmang sitwasyon, ang taumbayan ay may karapatang malaman ang buong katotohanan.

Nakababahala na mas dumarami ang handang husgahan ang isang imbestigasyon bago pa man mailatag ang lahat ng ebidensya. Ang pagtawag sa isang pagdinig na “bogus” ay hindi awtomatikong nagpapawalang-bisa sa testimonya ng mga tumestigo. Ang paglalagay ng tatak na “peke” ay hindi rin nagbubura sa mga tanong na hanggang ngayon ay wala pang malinaw na kasagutan.

Ang kredibilidad ng anumang institusyon ay nasusukat sa kakayahan nitong harapin kahit ang mga katotohanang hindi komportable para sa ilan.

Dahil sa huli, ang ₱805 bilyon ay hindi lamang isang usaping pampulitika.

Ito ay mga proyektong pangkontrol sa baha na maaaring nakapagligtas ng mga komunidad.

Ito ay mga paaralan, ospital, kalsada, at serbisyong pampubliko na pinondohan ng buwis ng mamamayan.

Ito ay tiwalang ipinagkatiwala ng bawat Pilipino sa pamahalaan.

Ang tunay na usapin ay hindi kung sino ang naiinis o nasasaktan.

Ang tunay na usapin ay kung makukuha pa ba ng sambayanang Pilipino ang mga sagot na matagal na nilang hinihingi.

At kung magiging tapat tayo sa ating sarili, ang tanging bagay na talagang kuwestiyonable sa nangyari ngayon ay ang quorum na nagluklok kay Gatchalian sa puwesto.

21/06/2026

TULOY ANG BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING!

Tinatawagan ang lahat ng ating mga kababayan na MAKIISA AT SUMUPORTA sa gaganaping BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING sa:

JUNE 16, 2026 (MARTES)
DOUBLEGEM EDSA GARDEN EVENTS PLACE
ALAS-10 NG UMAGA

Suportahan natin ang BRAVE 18, ang karagdagang 14, at ang ating mga Senador ALLAN AT PIA CAYETANO, MARCOLETA, IMEE, CAMILLE AT MARK VILLAR, PADILLA, LEGARDA, ESTRADA, GO, VILLANUEVA, AT DELA ROSA.

SUPORTAHAN NATIN ANG PAGLABAS NG KATOTOHANAN!
Ctto: mike defensor

21/06/2026
21/06/2026

Address

San Miguel
Boac
4900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when akatz khi 'copy ninja' posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share