Admin Carlo DC. Jacinto

Admin Carlo DC. Jacinto The official page of Mun. Administrator Carlo Felizardo DC. Jacinto, Municipality of Boac

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ at matagumpay na unang ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—™๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น! ๐ŸŽ‰Isang karangalan na maging bahagi ng pagdiriwang na...
25/05/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ at matagumpay na unang ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—™๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น! ๐ŸŽ‰

Isang karangalan na maging bahagi ng pagdiriwang na ito at masaksihan ang husay at pagkamalikhain ng ating mga kababayan sa ginanap na Pansit Cooking Contest.

Nagpapasalamat din tayo kay Municipal Administrator ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ผ ๐—๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ sa kanyang naging bahagi bilang isa sa mga hurado ng patimpalak. Ang kanyang suporta ay patunay ng patuloy na pagkilala at pagsuporta sa kultura at lokal na industriya ng Laylay.

Mabuhay ang Barangay Laylay! Mabuhay ang Pansitan Festival! ๐Ÿœโœจ

๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—ข๐—”๐—–, ๐—–๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—ก!

21/05/2026

LIVE: Butterfly Inspired Food Styling Contest in celebration of Bila-Bila Festival 2026

20/05/2026

RECORDED EARLIER: Isinagawa ang Grand Release of Butterflies in the Wild sa Brgy. Cawit, Boac bilang bahagi ng Bila-Bila Festival 2026

Ngayong araw, sa pangunguna po ng ating masipag at maaasahang Municipal Administrator, Carlo Felizardo DC. Jacinto,Isang...
19/05/2026

Ngayong araw, sa pangunguna po ng ating masipag at maaasahang Municipal Administrator, Carlo Felizardo DC. Jacinto,

Isang malaking Karangalan ng Bayan ng Boac ang pagtanggap ng ating Pablo N. Marquez Memorial Health and Diagnostic Center (Boac RHU 1) ng Certificate of Accreditation as a Mother-Baby Friendly Workplace mula sa DOH-MIMAROPA Center for Health Development!

Ang akreditasyong ito ay bunga ng pagsisikap ng ating lokal na pamahalaan na tiyaking ang ating mga pasilidad ay ligtas, makatao, at bukas sa pangangailangan ng mga nagpapasusong ina at kanilang mga sanggol. Prayoridad natin ang tamang nutrisyon, maternal care, at ang magandang kinabukasan ng pamilyang Boakenyo.

Maraming salamat sa masisipag nating kawani mula sa Municipal Nutrition Office sa pamumuno ni Ms. Gisselle Pearl Olympia, at sa Municipal Health Office sa pamumuno ni Dra. Catherine Dell Sadiwa-Cruz. Ang inyong malasakit ang tunay na pundasyon ng ating progresibong bayan!
Patuloy nating itataguyod ang kalusugan na may dignidad at proteksyon para sa lahat!

๐Ÿ’šSULONG BOAC, CARRY ON!

SULONG SA PAG-UNLAD: Ogbac-Binunga Farm-to-Market Road Nagsagawa tayo ng public consultation sa Barangay Ogbac para sa i...
07/05/2026

SULONG SA PAG-UNLAD: Ogbac-Binunga Farm-to-Market Road

Nagsagawa tayo ng public consultation sa Barangay Ogbac para sa itatayo nating Farm-to-Market Road with Bridge sa ilalim ng PRDP at World Bank. Mahalaga ang pagpupulong na ito upang pakinggan ang boses ng mga landowners tungkol sa Right-of-Way (ROW) at matiyak na patas ang proseso para sa lahat.

Kasama natin sa pagpupulong ang mga kinatawan ng mga focal agencies mula sa ating Pamahalaaang Bayan, Ang Punong Barangay ng Barangay Ogbac sa pangunguna ni Kgg. Gerry Magdalita, ang ating Municipal Administrator na si Carlo Felizardo DC. Jacinto, at ang ating Sangguniang Bayan Member at Chairperson ng Committee on Infrastructure na si Kgg. Francis โ€œIskoโ€ DC. Jacinto.

Layunin ng proyektong ito na mapabilis ang biyahe at mapalakas ang kabuhayan ng mga residente ng Ogbac at Binunga. Kasama ang ating Municipal Engineering Office, personal din nating binisita ang site upang masiguro ang maayos na implementasyon.

Sama-sama tayo sa pag-unlad! ๐Ÿ’š

Magandang Araw po! Ipinababatid po sa publiko na ang Municipal Tricycle Regulatory Board (MTRB) ay magsasagawa ng pamama...
08/04/2026

Magandang Araw po!
Ipinababatid po sa publiko na ang Municipal Tricycle Regulatory Board (MTRB) ay magsasagawa ng pamamahagi ng bagong Taripa na tinatawag na (FARE MATRIX) para sa mga tricycle.

๐Ÿ“ Inaanyayahan ang lahat ng kinauukulan na makipag-ugnayan at kumuha ng kani-kanilang kopya ng bagong taripa.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.

Isang Malugod na Pagbati sa MIMAROPA League of Local Budget OfficersIsang mainit na pagbati at taos-pusong pasasalamat a...
06/03/2026

Isang Malugod na Pagbati sa MIMAROPA League of Local Budget Officers

Isang mainit na pagbati at taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa lahat ng kalahok ng MIMAROPA League of Local Budget Officers, Inc. (MILLBO) na nagtipon sa lalawigan ng Marinduque para sa kanilang Annual General Assembly. Ang pagtitipong ito ay sumasalamin sa patuloy ninyong dedikasyon sa pagtataguyod ng maayos, responsable, at transparent na pamamahala ng pondo ng pamahalaanโ€”isang mahalagang bahagi ng mahusay at tapat na serbisyo publiko.

Sa pangunguna ng butihing Municipal Administrator Carlo Felizardo Jacinto, nagbigay siya ng mensahe ng pagbati at malugod na pagtanggap sa mga delegado ng MIMAROPA League of Local Budget Officers. Ang kanyang presensya at mensahe ay nagpapakita ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mahalagang papel ng mga Local Budget Officers sa pagtataguyod ng maayos, responsable, at transparent na pamamahala ng pondo ng pamahalaan sa rehiyon.

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga Budget Officers ng Marinduque na nagsilbing mabubuting punong-abala sa mahalagang pagtitipong ito. Isang espesyal na pagkilala kay Municipal Budget Officer ng Boac, Mr. Bernilo A. Martillano, sa kanyang mahalagang papel sa pag-organisa ng nasabing pagtitipon. Taos-puso rin nating pinasasalamatan si Provincial Budget Officer Ms. Miriam Sadiwa, at ang Provincial Government of Marinduque sa pamumuno ni Governor Melecio J. Go, sa kanilang patuloy na suporta upang maging matagumpay ang aktibidad na ito.

Nawaโ€™y magsilbing pagkakataon ang pagtitipong ito upang higit pang mapalalim ang kaalaman, mapalakas ang ugnayan ng bawat isa, at maitaguyod ang mas mahusay at epektibong pamamahala ng pondo para sa kapakanan ng ating mga mamamayan.

Malugod namin kayong tinatanggap sa Marinduque โ€” ang Puso ng Pilipinas! Umaasa kaming naging makabuluhan at produktibo ang inyong pananatili sa aming lalawigan.

26/02/2026

Balikan po natin ang ilan sa mahahalagang bahagi ng katatapos lamang na seminar para sa ating mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association na ginanap noong Martes, Pebrero 24, 2026.

Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Boac at ng Municipal Tricycle Regulatory Board, taus-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa makabuluhang gawaing ito. Ang inyong aktibong partisipasyon ay patunay ng inyong malasakit sa patuloy na pag-unlad at pag-aayos ng ating hanay.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating mga panauhing tagapagsalita na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan upang higit nating mapahusay ang ating serbisyo para sa mga mamamayan ng Boac.

Patuloy po nating pagtulungan ang pagtataguyod ng isang disiplinado, ligtas, at responsableng TODA para sa kapakanan ng ating bayan.

Sulong Boac! Carry on!

Isang magandang umaga po sa inyong lahat!Ngayong araw, sa pangunguna po ng ating masipag at maaasahang Municipal Adminis...
25/02/2026

Isang magandang umaga po sa inyong lahat!

Ngayong araw, sa pangunguna po ng ating masipag at maaasahang Municipal Administrator, Carlo Felizardo DC. Jacinto, isinagawa po natin JOB ORDER ONBOARDING SEMINAR

Isang napakabuluhang aktibidad po ang isasagawa natin ngayon bilang bahagi, ng job order on boarding orientation. Ang ganitong mga programa po ay hindi lamang nakatuon sa pagbabahagi ng bagong kaalaman at kasanayan, ito rin po ay nagsisilbing paalala na ang bawat isa sa atin, anuman ang estado sa trabaho, ay mahalagang haligi ng pamahalaang lokal.

Sa bawat papel po na inyong ginagampanan, kayo ang katuwang ng ating munisipyo sa paghatid ng mabilis, tapat, at epektibong serbisyo para sa ating mga mamamayan. Ang sipag at dedikasyon na inyong ipinapakita ay patunay na ang paglilingkod-bayan ay hindi nasusukat lamang sa posisyon o titulo, bagkus ay sa taos-pusong pagsasakatuparan ng mga tungkulin.

MULI, MARAMING SALAMAT PO AT MABUHAY TAYONG LAHAT! SULONG BOAC, CARRY ON!

TODA ORIENTATION AND SEMINAR ON PROPER SECURITY OF TODA REGISTRATION AND ID, DISCUSSION ABOUT LTO REGULATION IN THE MUNI...
24/02/2026

TODA ORIENTATION AND SEMINAR ON PROPER SECURITY OF TODA REGISTRATION AND ID, DISCUSSION ABOUT LTO REGULATION IN THE MUNICIPALITY OF BOAC

Isang mabiyayang araw po sa inyong lahat!

Matagumpay po na isinagawa ngayong araw ang Toda Orientation and Seminar On Proper Security of Toda Registration and ID, gayundin ang diskusyon tungkol sa regulasyon ng LTO.

Alam naman po natin na ang ating sektor ay may mahalagang tungkulin sa ating komunidad. Kayo po ang nagsisilbing transportasyon ng ating mga mamamayan sa trabaho at maging sa paaralan. Dahil po dito, mahalaga rin na tiyakin natin na maayos at legal ang ating operasyon upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa ating lansangan.

Kaya naman, minarapat po namin na magsagawa ng training program na ito. Gamitin nawa po ninyo ang inyong mga natutunan sa inyong pang araw-araw na hanapbuhay. Patuloy lamang pong naka-suporta ang MTRB at lokal na pamahalaan ng Boac sa pagsasagawa ng mga programa at pagsasanay na magpapalawak pa ng ating kaalaman at magpapabuti ng serbisyo sa ating mga kababayan.

Nakasama din po natin sa gawaing ito ang atin pong iginagalang na Ina ng Bayan ng Boac Mayor Armi DC. Carrion ating pangalawang punong bayan Vice Mayor Mark Anthony Seno, Lubos din nating ikinagagalak ang pakikiisa ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan

Kasama sa mga tinalakay ang mga road and safety rules and laws na ibinahagi ng LTO Boac District Office sa katauhan ni G. Victor Mapacpac. Mga insurance packages naman po ang tinalakay ng ating mga kasama sa Palawan Express at First Aid measures ang tinalakay ng ating mga kasama sa BFP-Boac at Boac MPS
Maraming salamat po sa mga bagong kaalaman na ibinigay ninyo sa ating mga tricycle operators. Salamat din po sa inyong oras at galing para mapabuti pa ang serbisyo ng ating asosasyon.

Muli, maraming salamat po sa inyong pakikiisa at welcome po sa inyong lahat na nandito ngayon. Sama-sama po nating itaguyod ang isang maayos, maingat at responsableng toda sa ating bayan.

Address

Karilag Street Isok 1
Boac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Admin Carlo DC. Jacinto posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share