Sangguniang Barangay ng San Miguel, Boac, Marinduque

Sangguniang Barangay ng  San Miguel, Boac, Marinduque Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay ng San Miguel, Boac, Marinduque, Public & Government Service, Nepomuceno Street, Brgy. San Miguel, Boac.

10/08/2026

๐Ÿ“ข MAHALAGANG ANUNSYO PARA SA MGA NAKIBAHAGI SA MEDICAL MISSION (CLUSTER II)!

Para po sa kaalaman ng lahat ng dumalo sa Free Medical Mission Caravan ni Congressman Kuya Rey Salvacion para sa Cluster II (noong July 19, 2026 sa Moriones Arena), ang inyong mga Laboratory, X-Ray at ECG results ay handa na at maaari nang makuha sa San Miguel Barangay Hall.

Kahit hindi kayo residente ng Barangay San Miguel, doon po pansamantalang ibinaba ang mga resulta ng inyong cluster para sa distribusyon.

โš ๏ธ MAHALAGANG PAALALA UKOL SA PRIVACY LAW:

Alinsunod sa Data Privacy Act, mahigpit na pinoprotektahan ang inyong medical records. Kung HINDI ang mismong may-ari o may katawan ang makakakuha ng resulta, kinakailangan pong magdala ang inyong kinatawan (representative) ng mga sumusunod:

Written Consent / Authorization Letter na may pirma ng may-ari ng resulta.

Valid ID ng may-ari at ng taong kukuha nito.

Mangyari lamang na magtungo sa San Miguel Barangay Hall sa mga oras ng opisina.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!

SALUDO AT MARAMING SALAMAT PO, MARELCO! ๐Ÿ™โšกNais po naming magpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa MARELCO, lalo na kay En...
29/07/2026

SALUDO AT MARAMING SALAMAT PO, MARELCO! ๐Ÿ™โšก

Nais po naming magpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa MARELCO, lalo na kay Engr. Mat Principe at sa mga linemen na rumesponde.

Bagamat hindi po sa kanila ang kableng ito, agad silang umaksyon at nagbigay ng assistance upang ligtas na matanggal ang nakalaylay na wire nung kami ay nakiusap. Napakalaking tulong po nito para sa kaligtasan ng mga madais at motorista sa ating lugar.

Mabuhay po kayo at salamat sa inyong mabilis na aksyon at malasakit! ๐Ÿชต๐Ÿง‘โ€๐Ÿ”ง

"Ang edukasyon ang pinakamalakas na sandata upang mabago ang mundo." ๐Ÿ’กโœจSaksi ang araw na ito sa nag-uumapaw na pasasalam...
28/07/2026

"Ang edukasyon ang pinakamalakas na sandata upang mabago ang mundo." ๐Ÿ’กโœจ

Saksi ang araw na ito sa nag-uumapaw na pasasalamat at pag-asa sa mukha ng ating mga mag-aaral at magulang sa naganap na pamamahagi ng Presidential Scholarship Grant. Hindi lang ito simpleng tulong pinansyalโ€”ito ay patunay na may pamahalaang naniniwala at tumataya sa galing ng kabataang Pilipino.

Sa ating mga minamahal na iskolar, nawa'y magsilbing inspirasyon ito upang lalo pa kayong magsumikap. Suklian natin ng husay at dedikasyon ang tiwalang ibinigay sa atin ng ating Pangulo.

Sulong para sa mas maliwanag na bukas! ๐ŸŽ“โค๏ธ

BABALA AT PAALALA SA KUNG SINO MAN ANG MAY-ARI NG WIRE NA ITO:Ipinapaalam po sa lahat na may nakalaylay/nakaharang na wi...
27/07/2026

BABALA AT PAALALA SA KUNG SINO MAN ANG MAY-ARI NG WIRE NA ITO:

Ipinapaalam po sa lahat na may nakalaylay/nakaharang na wire sa ating lugar na lubhang mapanganib para sa mga madaang sasakyan at residente.

Kung hindi pa po ito maaayos o maaksyunan ng may-ari o ng kinauukulang kompanya hanggang BUKAS, mapipilitan na po kaming ipaputol ito para sa kaligtasan ng lahat. Ang mapuputol na wire ay dideretso at itatabi sa ating Barangay Hall.

Paki-ayos po agad upang maiwasan ang perwisyo. Maraming salamat po!

27/07/2026

๐Ÿ“ข NGAYONG ARAW, JULY 27, 2026: MAGSISIMULA NA ANG KUHAAN NG SCHOLARSHIP GRANT SA BARANGAY SAN MIGUEL! ๐ŸŽ“โœจ

Isang mapagpalang Lunes sa inyo, mga ka-Barangay! Handa na para sa distribusyon ngayong araw, July 27, 2026, ang inyong financial assistance sa ilalim ng Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholars Program mula sa Socio-Civic Projects Fund (SCPF) dito mismo sa Barangay San Miguel.

Ang programang ito ay patuloy na patunay ng ating nagkakaisang pamahalaan na unahin ang edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan tungo sa isang mas maunlad na Bagong Pilipinas! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’ผ

Narito ang mga detalye para sa inyong pag-claim ngayong araw:
๐Ÿ“Lugar ng Payout: Barangay San Miguel Hall
๐Ÿ“… Petsa: Ngayong Araw, July 27, 2026 (Lunes)
โฐ Oras: 8:00 AM - 5:00 PM

Magtungo lamang po sa ating Barangay Hall nang maayos at may disiplina para sa isang mabilis na proseso. Kita-kits, mga ka-San Miguel! ๐Ÿ›๏ธ๐Ÿ‘‹

22/07/2026

๐Ÿ“ข OPISYAL NA ANUNSYO MULA SA PAMAHALAANG BARANGAY NG SAN MIGUEL ๐Ÿ“ข

Magandang araw, mga Ka-Barangay!

Ipinagbibigay-alam ng ating Pamahalaang Barangay na maaari na ninyong dalhin at ipasa ang mga kinakailangang dokumento para sa pag-release ng inyong scholarship grant sa ilalim ng Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholars Program under the Socio-Civic Projects Fund (SCPF).

๐Ÿ“‹ MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO:

1. Certified True Copy ng Certificate of Registration (COR) ng kasalukuyang semestre.
2. Photocopy ng School ID (Back and Front).
3. Tatlong (3) pirma gamit ang BLUE INK sa mismong tabi ng photocopy ng ID.

๐Ÿข SAAN AT KANINO LALAPIT:

Tanggapan: Opisina ng Barangay Secretary

Hahanapin: Mr. Clarence C. Mandac

๐ŸŽ“ LISTAHAN NG MGA APRUBADONG ISKOLAR:
Binabati po namin ang mga sumusunod na benepisyaryo:
1. QUINTERO, JASPER DLS.
2. SAENZ, MYRA R.
3. BUENAVENTURA, JOHN AQUILES
4. MAINA, EMRAN RYAN C.
5. NEPOMUCENO, CRIS HAROLD G.

โš ๏ธ MAHALAGANG PAALALA:
Siguraduhing kumpleto, malinaw, at tama ang inyong mga dokumento bago pumunta sa opisina para sa mabilis at swabeng pagproseso ng inyong release.

Maraming salamat po!

PAMAHALAANG BARANGAY NG SAN MIGUEL

๐ŸŒž ANNOUNCEMENT: SOLAR POWER SYSTEM INSTALLATION IN BARANGAY SAN MIGUEL! ๐ŸŒžWe are proud to share a major milestone in maki...
04/06/2026

๐ŸŒž ANNOUNCEMENT: SOLAR POWER SYSTEM INSTALLATION IN BARANGAY SAN MIGUEL! ๐ŸŒž

We are proud to share a major milestone in making our community greener, safer, and more sustainable! Barangay San Miguel has officially completed the purchase and installation of our new Solar Power System.

This project is fully funded through the 20% Barangay Development Fund (Continuing and Current Appropriations), ensuring efficient use of our public funds for long-term community benefits.

๐Ÿ“‹ Project Overview
Project: Purchase and Installation of Solar Power System

Location: Barangay San Miguel, Boac, Marinduque

Funding Source: 20% Barangay Development Fund (Current & Continuing Appropriations)

๐ŸŒฑ Key Benefits to Our Barangay

Lower Electricity Bills: Massive savings on communal power consumption.

Continuous Light: Reliable backup power during emergency outages and typhoons.

Eco-Friendly: Clean energy reducing our community's carbon footprint.

Better Services: 24/7 functionality of the public address system and the CCTV unit worry free even on power interruptions.

Thank you to our hardworking barangay officials and to the residents of San Miguel for your continuous support. Together, we are building a brighter and more resilient future!

Transparency in action: Your taxes at work. ๐Ÿ“Š๐Ÿ’ผBarangay San Miguel successfully rolled out the Emergency Go Bag Distribut...
15/05/2026

Transparency in action: Your taxes at work. ๐Ÿ“Š๐Ÿ’ผ
Barangay San Miguel successfully rolled out the Emergency Go Bag Distribution project.
This safety initiative utilizes the 70% Preparedness and Mitigation Fund under the 5% Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF).
Every distributed kit strengthens our community defense against natural calamities.
Goal: One prepared kit per household.
Source: Allocated local disaster risk funds.
Impact: Enhanced survival readiness for emergencies.
Stay safe, stay informed, and stay prepared!

Sa kadahilanang bukas April 3, 2026, Biyernes Santo, agamitin Ang mga kalsada ng Deogracias St at kahabaan ng Nepomuceno...
02/04/2026

Sa kadahilanang bukas April 3, 2026, Biyernes Santo, agamitin Ang mga kalsada ng Deogracias St at kahabaan ng Nepomuceno St. na nasasakupan ng Barangay San Miguel para sa Via Crucis, atin po iwasan na magparada ng ating mga sasakyan sa mga naturang kalsada. Maraming salamat po.

โ€œLost and Found: A wallet was turned over to our Barangay. Kindly proceed to the office of the Sangguniang Barangay San ...
21/03/2026

โ€œLost and Found: A wallet was turned over to our Barangay. Kindly proceed to the office of the Sangguniang Barangay San Miguel. (Claimed)

Address

Nepomuceno Street, Brgy. San Miguel
Boac
4900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng San Miguel, Boac, Marinduque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share