Marinduque Provincial Agriculture Office

Marinduque Provincial Agriculture Office Official FB Page of the Provincial Agriculture Office under the Provincial Government of Marinduque

๐†๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง: ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐†๐š๐›๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐šTuloy-tuloy ang monitoring at pagbibigay ng teknikal na kaalaman at supo...
26/08/2026

๐†๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง: ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐†๐š๐›๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š

Tuloy-tuloy ang monitoring at pagbibigay ng teknikal na kaalaman at suporta sa mga Gulayan sa Paaralan. Layunin nito na matulungan ang mga paaralan sa mas maayos na pamamahala ng kanilang mga taniman, mula sa wastong paghahanda at pagtatanim hanggang sa pag-aalaga at pag-aani ng mga gulay.

Sa pamamagitan ng pagbisita at paggabay, naibabahagi ang mga praktikal na kaalaman tungkol sa tamang pangangalaga ng mga pananim, wastong paggamit ng mga kinakailangang inputs, at pagpapanatili ng malinis at produktibong gulayan. Higit pa rito, hinihikayat ang mga g**o, mag-aaral, at iba pang katuwang sa paaralan na maging aktibong bahagi sa pag-aalaga ng gulayan.

Sa ganitong paraan, hindi lamang napapaganda at napapanatili ang mga taniman sa paaralan, kundi nahuhubog din sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa pagtatanim, malusog na pagkain, pangangalaga sa kapaligiran, at kahalagahan ng agrikultura sa ating pang-araw-araw na buhay.

๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‹๐ข๐›๐ฃ๐จ, ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ, ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ช๐ฎ๐ž๐‹๐ข๐›๐ฃ๐จ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅIsinagawa ang aktibidad upang mas mapalapit ang mg...
26/08/2026

๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‹๐ข๐›๐ฃ๐จ, ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ, ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ช๐ฎ๐ž
๐‹๐ข๐›๐ฃ๐จ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ

Isinagawa ang aktibidad upang mas mapalapit ang mga kabataan sa mundo ng agrikultura at maunawaan nila kung gaano ito kahalaga sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pamilya, at sa buong komunidad.

Sa talakayan, ibinahagi ang mga simpleng kaalaman tungkol sa agrikultura, tulad ng kahalagahan ng mga magsasaka, kung saan nagmumula ang ating pagkain, wastong pag-aalaga ng mga pananim, at pangangalaga sa kalikasan. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagsuporta at pagbili ng mga lokal na produktong agrikultural bilang simpleng paraan ng pagpapahalaga sa pagsisikap ng ating mga magsasaka.

Sa pamamagitan ng mga halimbawa at pagbabahagi ng karanasan, naging mas malinaw sa mga mag-aaral na ang agrikultura ay hindi lamang tungkol sa pagtatanim at pag-aani. Ito ay bahagi ng ating araw-araw na buhay at isang mahalagang gawain na nagbibigay ng pagkain at kabuhayan sa maraming pamilya.

Layunin ding maitanim sa murang edad ang pagmamahal, respeto, at malasakit sa ating mga magsasaka at sa kapaligiran.

๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐ฅ๐š๐ง๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š!Isinagawa sa Brgy. Bachao Ilaya, Gasan, Marinduque ang Cluster D...
26/08/2026

๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐ฅ๐š๐ง๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š!
Isinagawa sa Brgy. Bachao Ilaya, Gasan, Marinduque ang Cluster Development Plan (CDP) Preparation kasama ang Bachao Ilaya Farmers Agriculture Cooperative (BIFACO).
Sa pagtutulungan ng High Value Crops Development Program (HVCDP), Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), at Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), layunin ng aktibidad na makabuo ng komprehensibong plano na magsisilbing gabay sa pagpapalakas ng produksyon, pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka, at pagpapalawak ng mga oportunidad sa merkado.
Kasama ito sa layunin ni DA-MIMAROPA Regional Executive Director Atty. Christpher R. Baรฑas na palakasin ang mga maliliit na samahan upang makatayo sila sa sarili nila at mapaunlad ang takno ng kanilang samahan sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ito mula sa DA.
Ang patuloy na kolaborasyon ng mga ahensya at ng kooperatiba ay mahalagang hakbang tungo sa isang mas organisado, produktibo, at matatag na sektor ng agrikultura sa Gasan, Marinduque. ๐ŸŒพ๐Ÿ’ช







Makakita ng Kaunti

๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐ ๐ง๐š ๐’๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ฒ๐š ๐ฌ๐š ๐“๐จ๐ซ๐ซ๐ข๐ฃ๐จ๐ฌ, ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ช๐ฎ๐ž!Alinsunod sa direktiba ni Regional Executive...
26/08/2026

๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐ ๐ง๐š ๐’๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ฒ๐š ๐ฌ๐š ๐“๐จ๐ซ๐ซ๐ข๐ฃ๐จ๐ฌ, ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ช๐ฎ๐ž!
Alinsunod sa direktiba ni Regional Executive Director Atty. Christopher R. Baรฑas na patatagin, iorganisa at gawing mas produktibo ang sektor ng luya sa Torrijos, Marinduque, isisnagawa ng Farmer and Fisheries Clusteringa and Consolidation Programsa ang Cluster Development Plan (CDP) Preparation at Cluster Planning.
Layunin ng mga gawaing ito na makabuo ng komprehensibong plano at estratehiya para sa pagpapalakas ng produksyon, pagpapaunlad ng organisasyon, pagpapahusay ng pamamahala, at pagpapalawak ng market opportunities para sa mga magsasaka ng luya.
Ang aktibidad ay isinagawa katuwang ang High Value Crops Development Program (HVCDP), Municipal Agriculture Office (MAO) ng Torrijos, at ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) โ€“ Marinduque.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano at pagtutulungan, isinusulong ang mas matatag na kabuhayan at mas maliwanag na kinabukasan para sa mga luya farmers ng Torrijos.




Makakita ng Kaunti

25/08/2026

Kapihan sa PIA Marinduque | August 25, 2026

Alamin ang mga programa at tulong ng Marinduque Provincial Agriculture Office para sa mga magsasaka at mangingisda ng lalawigan, kasama si OIC-Provincial Agriculturist Susana
Arellano-Uy.

Samahan kami sa talakayan at manatiling updated sa mga programang hatid ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga Marinduqueรฑo. Makakita ng Kaunti

๐ŸŒฑ A MILESTONE FOR ORGANIC AGRICULTURE IN MARINDUQUE! ๐ŸŒฑWe are proud and grateful to announce that Boac Organicโ€“Altogether...
21/08/2026

๐ŸŒฑ A MILESTONE FOR ORGANIC AGRICULTURE IN MARINDUQUE! ๐ŸŒฑ

We are proud and grateful to announce that Boac Organicโ€“Altogether Conquer & Thrive Participatory Guarantee System (BOACT PGS) is now officially accredited by the Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS) as an Organic Certifying Body (OCB) for Crop Production (CP) and Animal Production (AP) within the province of Marinduque.

This achievement is more than a certificateโ€”it is a commitment to uphold credible, participatory, community-based, and sustainable organic certification for our farmers and communities. ๐Ÿ’š

Our heartfelt gratitude goes to the Department of Agriculture Regional Field Office (DA-RFU MIMAROPA), DA-BAFS, DA-ATI RTC MIMAROPA, the Provincial Government of Marinduque, the Provincial Agriculture Office, and the Local Government Unit of Boac and the Municipal Agriculture Office (MAO) for your guidance, support, partnership, and continued belief in the vision of strengthening organic agriculture in our province.

To our farmer-members, volunteers, partners, and everyone who has been part of this journeyโ€”this milestone belongs to all of us.

๐ŸŒพ Together, we grow organic. Together, we build a healthier and more sustainable Marinduque.

BOACT PGS โ€” Masasaka ang Bida, Organiko ang Sigurado! ๐Ÿ’š๐ŸŒฑ

20/08/2026

SAFE ang palayang may gagamba! ๐Ÿ•ท๏ธ๐ŸŒพ

Ang gagamba ay isa sa mga kaibigang kulisap na tumutulong sa pagkontrol ng mga peste sa palayan. Ating pangalagaan at paramihin sila.

โœ… Iwasan ang hindi kailangang pag-ispray ng insecticide sa unang 30โ€“40 araw.

โœ… Magtanim ng okra, kalabasa, talong, at linga upang magsilbing tirahan ng mga gagamba.

20/08/2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagbabahagi ng kaalaman at pagpapalawak ng kamalayan ng kabataan sa larangan ng agrikultura, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Information Caravan: Youth Internship Program on Organic Agriculture โ€“ Batch 5.

๐Ÿ“… August 27, 2026 | Thursday
โฐ 10:00 AM
๐Ÿ’ป Via Facebook Live

Para sa mga nais lumahok, mangyaring mag-register sa link na ito: https://forms.gle/xp5Ubqv24H32Cnjw6

Kita-kits mga Ka-Agri!

๐“๐”๐‹๐Ž๐˜-๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐“๐ˆ๐‹๐€๐๐ˆ๐€ ๐…๐ˆ๐๐†๐„๐‘๐‹๐ˆ๐๐† ๐ƒ๐ˆ๐’๐๐„๐‘๐’๐€๐‹ ๐€๐“ ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐‹๐€๐‹๐€๐–๐ˆ๐†๐€๐!Patuloy ang Tilapia Fingerling Dispersal Program ...
19/08/2026

๐“๐”๐‹๐Ž๐˜-๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐“๐ˆ๐‹๐€๐๐ˆ๐€ ๐…๐ˆ๐๐†๐„๐‘๐‹๐ˆ๐๐† ๐ƒ๐ˆ๐’๐๐„๐‘๐’๐€๐‹ ๐€๐“ ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐‹๐€๐‹๐€๐–๐ˆ๐†๐€๐!

Patuloy ang Tilapia Fingerling Dispersal Program at Monitoring ng Provincial Agriculture Office bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na masuportahan ang mga magsasaka, mangingisda, mga samahan, at mga paaralan sa pagkakaroon ng karagdagang mapagkukunan ng pagkain, kabuhayan, at dagdag na kita.

Kabilang sa mga naging recipients ang mga indibidwal at samahan mula sa:
๐Ÿ“ ๐˜‰๐˜ณ๐˜จ๐˜บ. ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜š๐˜ต๐˜ข. ๐˜Š๐˜ณ๐˜ถ๐˜ป
๐Ÿ“ ๐˜‰๐˜ณ๐˜จ๐˜บ. ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข, ๐˜›๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ซ๐˜ฐ๐˜ด
๐Ÿ“ ๐˜‰๐˜ณ๐˜จ๐˜บ. ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช, ๐˜Ž๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ
๐Ÿ“ ๐˜‰๐˜ณ๐˜จ๐˜บ. ๐˜‹๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ด, ๐˜Ž๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ
๐Ÿ“ ๐˜‰๐˜ณ๐˜จ๐˜บ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ, ๐˜Ž๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ
๐Ÿ“ ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‰๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ค๐˜ข๐˜ฏ
๐Ÿ“ ๐˜‰๐˜ณ๐˜จ๐˜บ. ๐˜‹๐˜ข๐˜บ๐˜ฑ๐˜ข๐˜บ, ๐˜‰๐˜ฐ๐˜ข๐˜ค
๐Ÿ“ ๐˜‰๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข ๐˜Œ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ณ๐˜บ ๐˜š๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ญ
๐Ÿ“ ๐˜‰๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜๐˜ข๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜๐˜ช๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ๐˜ˆ๐˜ด๐˜ด๐˜ฐ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ
๐Ÿ“ ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ

Hanggaโ€™t may available na fingerlings, tuloy-tuloy ang pamamahagi at monitoring upang matiyak ang maayos na pag-aalaga at paggamit ng mga naipamahaging tilapia fingerlings.

Isinasagawa ang programa sa pangunguna ng Provincial Fisheries Coordinator na si Mr. Benedicto Archihon at si Mr. Arman Gracia, na patuloy na nagdadala ng teknikal na suporta at serbisyo sa ating mga benepisyaryo.

Mula Enero hanggang Hunyo 2026, umabot na sa ๐Ÿ—,๐Ÿ‘๐Ÿ”๐Ÿ• ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐จ ng tilapia fingerlings ang naipamahagi, at nagpapatuloy pa rin ang dispersal hanggang sa kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng programang ito, layunin nating mapalakas ang aquaculture production, food security, at livelihood opportunities ng ating mga kababayang Marinduqueรฑo.

Tuloy-tuloy ang serbisyo, tuloy-tuloy ang suporta sa ating mga magsasaka at mangingisda!

Address

Capitol Compound
Boac
4900

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63423321256

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marinduque Provincial Agriculture Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Marinduque Provincial Agriculture Office:

Shortcuts

Share