Doc Jun Bacorro

Call Directions

Doc Jun Bacorro The Official page of Vice Governor Doc Jun Bacorro, Province of Marinduque, Philippines.

Takbo Para Kay Deniel, Takbo Para Sa Pag-Asa!🏃‍♂️Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa "Takbo Para Kay Deniel, Takbo Para...
05/10/2026

Takbo Para Kay Deniel, Takbo Para Sa Pag-Asa!🏃‍♂️

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa "Takbo Para Kay Deniel, Takbo Para Sa Pag-Asa" Fun Run na initiative ng Office of the Vice Governor sa ilalim ng pamumuno ng ating Bise Gobernador Romulo Bacorro Jr.

📅 4:00 PM | October 13, 2026 (Martes)
📌 Capitol Compound, Bangbangalon, Boac, Marinduque.

Layunin ng Fun Run na ito na mangalap ng agarang tulong pinansyal para sa aking staff na si Ma. Deniel Celeste Jalos na kasalukuyang sumailalim sa isang Endovascular Coiling Procedure para sa "Brain Aneurysm".

REGISTRATION LINK:
https://forms.gle/GyrNoTFeRvQnR96z5

Tara na, makijoin at mag register sa link! Ang bawat registration ninyo ay malaking tulong para sa kanyang medical expenses at full recovery.

Pwede rin ang walk-in registration!

Para sa karagdagang katanungan:
Kontakin si G. Paul Sto. Domingo sa numerong 09511159036 o pumunta sa aming tanggapan ng Office of the Vice Governor.

Happy Teachers' Day sa lahat ng mga g**ong matiyagang gumagabay, nagpapalakas ng stats namin, at laging naniniwala sa am...
04/10/2026

Happy Teachers' Day sa lahat ng mga g**ong matiyagang gumagabay, nagpapalakas ng stats namin, at laging naniniwala sa amin!

Kayong mga g**o ang nagbibigay sa amin ng inspirasyon upang maging mas mahusay sa bawat araw. Salamat sa inyong walang sawang pagtuturo, sa pagiging ehemplo ng kasipagan at dedikasyon, at sa pagbubukas ng pintuan ng karunungan para sa amin.

Laro Para sa Lahat: Softball, Sportsmanship, at PagkakaisaOctober 04, 2026 | Kilo-kilo, Sta. Cruz, MarinduqueIsinagawa n...
04/10/2026

Laro Para sa Lahat: Softball, Sportsmanship, at Pagkakaisa
October 04, 2026 | Kilo-kilo, Sta. Cruz, Marinduque

Isinagawa ngayong araw ang Inter-Town Softball Tournament sa Kilo-Kilo, Sta. Cruz, Marinduque. Nilahukan ito ng mga koponan sa anim na munisipalidad; Mogpog, Boac, Gasan, Buenavista, Torrijos, at Sta. Cruz. Hindi lang talento at lakas ang nasusubok, dito rin nabubuo ang pagkakaibigan, teamwork, disiplina, at respeto sa bawat isa.

Sa bawat palo, takbo, at laban, may mga aral na higit pa sa panalo. Natututo tayong magtiwala sa teammates, tumanggap ng pagkatalo, magsikap muli, at higit sa lahat, igalang ang kalaban.

Ang ganitong mga palaro ay magandang paraan para maging aktibo, magkaroon ng healthy competition, at mas mapalapit ang bawat bayan at komunidad. Dahil sa huli, hindi lang tropeo ang mahalaga kundi ang mga kaibigan, karanasan, at magandang alaala na nabubuo sa bawat laro. 🥎🤝

Panalo man o talo, ang mahalaga ay lumaban nang buong puso at may respeto. 💪❤️

Mula po sa aming lahat sa Office of the Vice Governor,Maraming salamat po sa ating mga kawani at mga opisina ng Provinci...
02/10/2026

Mula po sa aming lahat sa Office of the Vice Governor,

Maraming salamat po sa ating mga kawani at mga opisina ng Provincial Capitol of Marinduque sa mga tulong na ipinaabot ninyo para sa aming kasamahan sa opisina, na si Ma. Deniel Celeste Jalos na kamakailan ay sumailalim sa Coiling Procedure dahil sa "Brain Aneurysm".

Makakaasa po kayo na ang inyong tulong ay mapupunta sa kanya, at ito ay napakalaking bagay lalo na sa mga gagastusin para sa kanyang patuloy na gamutan, hospital bills, at kanyang full recovery.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat! Nawa'y pagpalain kayo ng ating Poong Maykapal sa inyong kabutihan.

Belated Happy Birthday, Bokal Joam Morales! 🎉Mula po sa aming lahat sa Office of the Vice Governor, isang mainit na pagb...
01/10/2026

Belated Happy Birthday, Bokal Joam Morales! 🎉

Mula po sa aming lahat sa Office of the Vice Governor, isang mainit na pagbati ng masaya at makabuluhang kaarawan!

Nawa'y patuloy kang gabayan at pagpalain ng Maykapal sa iyong mga personal na layunin at sa pagtupad ng iyong mga sinumpaang tungkulin. Sana'y nag-enjoy ka sa iyong kaarawan dahil deserve mo ang isang napakagandang selebrasyon! 🎂✨

Enjoy your special day Bokal Joam💖

Mula sa inyong kaagapay sa paglilingkod, Vice Governor Doc Jun Bacorro

Happy Birthday, Bokal Macoy Jinang! 🎉Mula po sa aming lahat sa Office of the Vice Governor, isang mainit na pagbati ng m...
01/10/2026

Happy Birthday, Bokal Macoy Jinang! 🎉

Mula po sa aming lahat sa Office of the Vice Governor, isang mainit na pagbati ng masaya at makabuluhang kaarawan!

Maraming salamat po sa inyong matapat at buong-pusong paglilingkod sa ating bayan, lalo na sa walang-sawang malasakit at pag-aalaga sa kapakanan ng ating mga kababayang Marinduqueño. Hangad ko po ang patuloy na pagkakaloob sa inyo ng lakas, mabuting kalusugan, at tagumpay sa lahat ng inyong mga layunin at adhikain para sa ating lalawigan!

Enjoy your special day Bokal Macoy💖

Mula sa inyong kaagapay sa paglilingkod, Vice Governor Doc Jun Bacorro

Happy Birthday, Bokal Gilbert Daquioag! 🎉Mula po sa aming lahat sa Office of the Vice Governor, isang mainit na pagbati ...
29/09/2026

Happy Birthday, Bokal Gilbert Daquioag! 🎉

Mula po sa aming lahat sa Office of the Vice Governor, isang mainit na pagbati ng masaya at makabuluhang kaarawan!

Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod sa bayan at sa walang sawang pagmamalasakit at serbisyo para sa ating mga kababayang Marinduqueño. Nawa'y bigyan ka pa ng higit na lakas, magandang kalusugan, at tagumpay sa lahat ng iyong mga layunin!

Enjoy your special day Bokal Gilbert💖

Mula sa inyong kaagapay sa paglilingkod, Vice Governor Doc Jun Bacorro

Pinalalakas ang Gender Mainstreaming sa Serbisyo PublikoSeptember 22-24, 2026 | Marina Hotel Marinduque Isinagawa sa Mar...
27/09/2026

Pinalalakas ang Gender Mainstreaming sa Serbisyo Publiko
September 22-24, 2026 | Marina Hotel Marinduque

Isinagawa sa Marina Hotel Resort ang training on Gender Sensitivity: Strengthening of Trainors, na nilahukan ng mga kinatawan at mga kawani na magiging bahagi sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa gender mainstreaming.

Tinalakay sa training ang mas malalim na pag-unawa sa gender concepts at issues sa workplace at development context, gender analysis, responsive interventions, gender mainstreaming tools, gender-responsive programs and projects, proposal development and writing, planning and budgeting, at adult learning principles.

Naging bahagi rin ng programa si Vice Governor Romulo “Doc Jun” Bacorro Jr. na nagpaabot ng mensahe sa mga kalahok, bilang suporta sa patuloy na pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga magiging trainers sa pagsusulong ng gender-responsive na mga programa at serbisyo.

1st Marinduque Tourism Summit 2026September 24, 2026 | Marinduque ConventionAng totoong Puso ng Pilipinas, naging sentro...
25/09/2026

1st Marinduque Tourism Summit 2026
September 24, 2026 | Marinduque Convention

Ang totoong Puso ng Pilipinas, naging sentro ng turismo ngayong 2026! 💖🏝️

​Mainit nating tinanggap ang mga delegado, travel enthusiasts, at industry leaders sa kauna-unahang Tourism Summit 2026 dito mismo sa Marinduque!

Hindi lang ito simpleng pagtitipon, isa itong mahalagang hakbang para sa kinabukasan ng ating lalawigan! 💖

​Isang napakalaking pagkakataon ito upang ibida ang ating kultura, mga nakatagong beach paradise, masasarap na pagkain, at ang walang kapantay na pagmamahal ng mga Marinduqueño.
​
Makiisa, makisaya, at ipagmalaki ang sariling atin! 🌊☀️

Bagong Hakbang sa Kaunlaran: Deed Grant of Usufruct, Nilagdaan na!September 22, 2026 | Governor’s HallIsang makasaysayan...
24/09/2026

Bagong Hakbang sa Kaunlaran: Deed Grant of Usufruct, Nilagdaan na!
September 22, 2026 | Governor’s Hall

Isang makasaysayang hakbang para sa ating komunidad! 📜✨

​Noong September 22, 2026, ginanap ang Ceremonial Signing ng Deed Grant of Usufruct sa Governor’s Hall. Ang kasunduang ito ay nagbibigay-daan upang magamit at mapakinabangan ang lupain at pasilidad para sa mas malawak at mas maayos na paglilingkod sa ating mga kababayan.

​Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ating Bise Gobernador Romulo Bacorro Jr., Lokal na Pamahalaan at ng ating mga katuwang na sektor, patuloy nating isinusulong ang mga proyektong magdadala ng tunay na kaunlaran at serbisyo para sa lahat.

​Maraming salamat sa ating lider at sa lahat ng naging bahagi ng mahalagang kaganapang ito! 🤝🏛️

Address

Boac
4900

Telephone

+639173282825

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Jun Bacorro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share