25/08/2026
🌿🫁 LUNG MONTH 2026 🫁🌿
“Eat Smart, Breathe Strong, Good Nutrition All Day Long!”
Ngayong Lung Month, sama-sama nating pangalagaan ang ating baga sa pamamagitan ng wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay! 💚
🥗 Kumain nang tama at balanse – Pumili ng iba’t ibang gulay, prutas, whole grains, isda, itlog, beans at iba pang pagkaing masustansiya.
🍊 Palakasin ang katawan – Ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin A, Vitamin C, antioxidants, omega-3 at protina ay mahalagang bahagi ng isang masustansiyang pagkain.
💧 Uminom ng sapat na tubig – Panatilihing hydrated ang katawan araw-araw.
🚭 Iwasan ang paninigarilyo at secondhand smoke.
🌬️ Iwasan ang polusyon at alikabok at panatilihing malinis at maaliwalas ang ating kapaligiran.
🏃 Maging aktibo araw-araw at panatilihin ang malusog na timbang.
💉 Magpabakuna at magpatingin sa health professional kung may nararanasang sintomas o problema sa paghinga.
💚 Tandaan: Ang malusog na baga ay bahagi ng malusog na katawan. Magsimula sa simpleng hakbang—kumain nang tama, alagaan ang baga, at mamuhay nang masigla!
🌱 Alagang Nutrisyon, Malusog na Baga, Masiglang Buhay!
Municipal Nutrition Committee
Municipality of Boac, Marinduque