19/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Nagsagawa ang DILG Marinduque ng tatlong-araw na Barangay Development Plan (BDP) Updating Training na may temang "๐ญ๐๐๐๐๐-๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐: ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐
๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐ 2026" mula Agosto 12โ14, 2026, sa Forest Crest Nature Hotel and Resort, Nasugbu, Batangas, na dinaluhan ng 48 kalahok, mga Punong Barangay, Sangguniang Barangay Member, Barangay Secretary, at Barangay Treasurer mula sa 46 barangay ng Munisipalidad ng Santa Cruz.
Pinasimulan ang tatlong-araw na aktibidad sa mensahe ni ๐ฏ๐๐. ๐ญ๐๐๐๐ ๐ธ. ๐ซ๐, ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐, na nagpasalamat sa lahat ng dumalo, at hinimok ang mga kalahok na tanungin ang lahat ng kanilang mga katanungan tungkol sa proseso ng BDP Updating at dalhin pauwi ang mga natutunan.
Tinalakay ni LGOO VII Rizalie Z. Semilla ang batayan at prinsipyo ng BDP bilang komprehensibo at multi-sectoral na development plan sa ilalim ng Barangay Development Council, batay sa Local Government Code (Seksyon 384, 106, 16, at 17).
Sa ikalawang araw, ipinaliwanag ni LGOO V Lyza Marie M. Loberes ang 10-hakbang na proseso ng BDP formulation. Tinalakay ni LGOO V Daryl A. Buenaventura ang Step 2 (Updating Databases/Profile), habang si LGOO VI John Erick J. Matining ang nangasiwa sa Participatory Situational Analysis (Step 3). Ibinalik kay LGOO VII Semilla ang talakayan sa Barangay Vision (Step 4), sinundan ng Goal and Objective Setting (Step 5) sa ilalim ni LGOO V Buenaventura. Magkasamang tinalakay nina LGOO V Buenaventura at LGOO V Loberes ang Step 6 hinggil sa PPAs at CapDev Agenda.
Sa huling araw, ipinakilala ni LGOO VI Matining ang Barangay Development Investment Program (BDIP) bilang 3-taong instrumento ng BDP na nakaayon sa Ambisyon Natin 2040, kung saan inuri ang mga proyekto ayon sa antas ng pagkaurgente.
Tinapos ni LGOO VII Semilla ang mga huling hakbang sa Monitoring and Evaluation, Adoption, at Approval Process, na binigyang-diin ang pagsasama ng iba't ibang sectoral plan tulad ng GAD, BDRRMP, at BADAC Plan of Action sa BDP.